8Please respect copyright.PENANAQjBqqQ4VZE
Kung ang alaala ay nawawala, saan ka magsisimula kung ang puso mo ay natutong manahimik?
Tatlong linggo matapos ang pagkawala ni Chin sa buhay niya, si Mondie ay unti-unti nang nauupos. Para siyang kandilang pinilit panatilihin ang liwanag kahit ubos na ang wax.
Hindi na siya bumalik sa trabaho. Hindi na rin siya sumasalo sa hapag ng mga Sonajo. Si Renz na lang ang paminsan-minsang kumakatok sa pinto niya, naghahatid ng pagkain na hindi naman niya inuubos.
“Mondie,” anang ina niyang si Crisanta minsang pumasok sa silid. “Anak, hindi mo siya mapapabalik sa ganyan. Anak din siya ng Diyos, hindi kasalanan ang mahalin ang tulad niya.”
Napatingin si Mondie sa ina, nangingilid ang luha.
“Kung ngayon mo lang 'yan sasabihin, Ma… huli na.”
Gabing ‘yon, umalis si Mondie.
Nagmaneho siya sa kahabaan ng Marcos Highway, patungo sa isang lugar kung saan sana ay matanggal kahit konti ang bigat sa dibdib niya. Mga lugar na pinuntahan nila noon ni Chin—mga tagong kalsadang may tanawin ng lungsod sa malayo, kung saan nila binuo ang mga pangarap.
Pero sa gitna ng dilim at ulan, isang 18-wheeler truck ang nawalan ng preno sa kabilang lane. Isang iglap. Isang tunog ng yelong nagbasagan. Isang malakas na sigaw.
Sumalpok si Mondie. Tumilapon ang kotse sa may gilid ng bangin.
Sa ospital.
“Patient is male, mid-20s, head trauma, lacerations to the scalp, possible concussion. Pupils unequal—code red!” sigaw ng nurse habang itinutulak si Mondie sa emergency room.
Wala siyang malay.
At sa kanyang paggising, dalawang araw ang lumipas.
“Anak…” nanginginig ang tinig ni Crisanta habang hawak ang kamay ni Mondie. “Salamat sa Diyos…”
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Blangko. Tahimik.
Nilingon niya ang paligid. Maputing kisame. Mga aparatong tumutunog. Isang babae. Isang matandang lalaki sa dulo ng kama. Isang binatilyo sa tabi ng pinto.
Lahat ng mukha—pamilyar pero hindi kilala.
“Nasaan ako?” mahinang tanong ni Mondie.
Nagkatinginan ang mga naroroon.
“Anak…” sabi ni Filemon. “Kami ‘to. Pamilya mo.”
“Pamilya?” bulong niya. “Sino ako?”
Ang diagnosis: traumatic retrograde amnesia.
Hindi niya maalala ang sarili, ang trabaho, ang pamilya—pati ang kanyang pangalan, hindi niya agad matandaan. Lalo’t higit… walang ni aninong alaala si Chin.
Pero may isang bagay na hindi maipaliwanag.
Isang puting hoodie na nadala mula sa sasakyan, may mantsa ng dugo, ay hindi niya maiwan. Hawak niya ito palagi, kahit di niya matandaan kung kanino ito. May sonogram sa bulsa. May pangalan sa likod: C. Castro.
“Chin?” tanong ni Mondie minsang bumulong sa sarili. “Sino si Chin?”
Ilang linggo ang lumipas.
Tahimik si Mondie sa bahay. Mas tahimik sa sarili. Sumasabay sa therapy at mga tanong ng doktor, pero wala siyang sagot na buo. Hindi rin siya nagtatanong kung bakit tila may kulang.
Pero gabi-gabi, nananaginip siya.
Isang babae. Nakatayo sa ilalim ng ulan. Umiiyak, pero matatag. Laging nakatalikod sa kanya. Laging palayo ang lakad.
At palagi siyang sumusunod—pero hindi siya naririnig nito.
Isang araw, habang naglilinis si Renz sa silid ni Mondie, may nahanap siyang lumang cellphone na na-recover din mula sa kotse. Nabuksan ito. Luma na, mababa ang battery.
Isang pangalan lang ang nasa wallpaper: Chin8Please respect copyright.PENANABhk4kQc1F6
Kasunod nito, isang gallery na puno ng litrato nila.
Nagdalawang-isip si Renz.
Pero sa huli, iniabot niya ito kay Mondie.
“Kuya… siya si Chin. Siya ‘yung babae sa mga panaginip mo, ‘di ba?”
Tahimik si Mondie. Tinitigan ang mga litrato—may tuwa, may halakhak, may halik, may yakap, may pag-ibig.
Pero wala siyang maalala.
Hindi man lang kumikirot ang puso.
“Kung mahal ko siya,” bulong niya, “bakit parang wala akong nararamdaman?”
Sa kabilang banda, si Chin ay nagsimulang muling buuin ang sarili. Bumalik sa trabaho, tahimik pero matatag. Wala siyang binabanggit na nangyari. Hindi na rin siya umiiyak gabi-gabi. Pero may gabi pa ring, tahimik niyang sinusuot ang hoodie. Tila sa mga hibla nito, may tinatagong init na kahit konting sandali, pinapaalalahanan siyang minahal siya… kahit panandalian lang.
Hindi niya alam. Walang balita.
At mas gusto niyang gano’n na lang. Kasi ang totoo, hindi siya handang marinig na masaya na si Mondie. O mas masahol—na hindi na siya nito maalala.
Ngunit isang araw, isang email ang dumating sa kanyang opisina.
Subject: Do you know a Raymond Sonajo?
May attached na larawan: si Mondie. Nakaupo sa wheelchair. May hawak na hoodie.
At sa caption: He’s been looking for someone named “Chin.”
ns216.73.216.247da2