8Please respect copyright.PENANAi8EXt4Bwuk
“Ang puso, kahit ilang beses masaktan, kusa pa ring lalapit sa kung saan ito unang minahal.”
Magkaharap silang dalawa sa liwanag ng lumang lampshade. Tahimik ang silid, tanging tibok ng puso at mahinang kuliglig mula sa labas ang maririnig.
“Okay ka lang?” tanong ni Chin, tinatapik ang kamay ni Mondie.
“Okay na okay,” sagot nito, tinatapunan siya ng titig na parang hindi na siya iba. “Parang araw-araw, may bago akong natutuklasan sa’yo… sa atin.”
Napatigil si Chin. “Sa… atin?”
Tumango si Mondie. “Oo. Hindi ko pa rin maalala ang lahat, pero nararamdaman ko… na importante ka. Na ikaw ang tahanan ko.”
May kilig sa mga salitang iyon. Pero kasabay ng kilig, may panibagong kirot.
Hindi lahat ng tahanan ay ligtas.
Lumapit pa si Mondie. Napalunok si Chin. Hindi niya alam kung dapat ba siyang umurong o lumapit din.
“Pwede ba kitang halikan?” tanong ni Mondie, mahina, halos bulong.
Tumigil ang oras para kay Chin.
Sa isang iglap, parang bumalik lahat:8Please respect copyright.PENANArG205oy4GT
—ang gabing umalis siya,8Please respect copyright.PENANA0fS8fOqSZ3
—ang gabing sumuko siya,8Please respect copyright.PENANADYJzTW403o
—ang gabing sinabi niya: “Suko na ako, Mondie. Hindi ko na alam kung tayo pa.”8Please respect copyright.PENANAvJ8DIFIaE7
—at ang gabing hinabol siya ni Mondie sa ulan, sinigaw ang, “Sabi mo, hindi mo ko iiwan!”
At ngayon, heto siya… muling babalik sa labi ni Mondie?
Hindi siya agad sumagot. Napalunok siya.8Please respect copyright.PENANARInnpavzp0
“Naguguluhan ako,” sabi ni Chin, umatras ng bahagya.
“Chin?”
“Sorry. Hindi ko… hindi ko alam kung tama ‘to.”
Nagbuntong-hininga si Mondie. “Tama anong?”
“’To. Tayong dalawa. Ang damdaming ‘to. Hindi ko alam kung totoo ka bang nahuhulog ulit sa’kin o… epekto lang ‘to ng pagkawala ng alaala mo.”
Napatigil si Mondie. “At kung totoo? Anong gagawin mo?”
Hindi nakasagot si Chin.
Kahit siya mismo, hindi niya alam.
Kasi ang totoo, bawat titig ni Mondie, bawat ngiti nito, bawat paglapit… para siyang kinakaladkad pabalik sa mga panahong mahal na mahal niya ito—at kahit anong sakit, mahal pa rin.
Pero ngayon?
Ngayon na hindi siya kilala?
Ngayon na hindi nito maalala ang mga dahilan kung bakit siya lumayo?
Maaari pa ba siyang umibig sa isang taong hindi maalala kung paano siya sinaktan?
Tumalikod siya. “Ayokong maging unfair.”
“Unfair saan?” tanong ni Mondie, tinig ay may bahid ng tampo.
“Sa’yo. Sa sarili ko. Kasi kapag pinayagan ko ‘to… kapag pinili kitang halikan… baka umasa ako. Baka umasa ako na babalik ang lahat. Baka bigla mong maalala na… iniwan mo rin ako.”
Natahimik si Mondie. Ilang saglit ng katahimikan bago ito nagsalita ulit.
“Hindi ko alam ang buong kwento. Pero isang bagay ang alam ko ngayon—hindi kita kayang iwan.”
Tumulo ang luha ni Chin.
Hindi kita kayang iwan.8Please respect copyright.PENANAnFnRcQDRds
You said that before.
“Mas madali kung hindi kita minahal,” bulong ni Chin. “Pero ikaw pa rin ang pinili ng puso ko, kahit ilang beses mo itong binali.”
Nilapitan siya ni Mondie. “Kung nabasag man… pwede pa namang buuin, ‘di ba?”
“Hindi ‘to simpleng babasaging baso, Mondie. Tao ako. May damdamin. May sugat. Hindi ko alam kung kaya kong… masaktan ulit.”
Inangat ni Mondie ang mukha niya. Hawak sa pisngi. Mabigat ang titig nito—parang tinataya ang lahat sa isang tingin.
“Hindi ko man maalala ang nakaraan natin, pero… nararamdaman ko kung gaano ka kahalaga sa akin ngayon. At ayokong masayang ang ngayon.”
Dahan-dahan itong yumuko.
Dumampi ang labi nito sa noo ni Chin—hindi sa labi.
Isang halik na puno ng paggalang, at pangakong hindi siya pipilitin.
Isang halik na nagpapaalala: Nandito lang ako. Kapag handa ka na.
Napapikit si Chin. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanong:
Bakit kailangan pang mawala ang lahat para maramdaman ko ulit na pinipili mo ako?
Sa gabing ‘yon, natulog si Chin nang gising ang diwa.
Niyakap siya ni Mondie, pero hindi siya agad yumakap pabalik.
At sa gitna ng katahimikan, napapikit siya nang mahigpit.
Kasi kahit kasabay niya ang taong mahal niya, natatakot siyang bukas, baka wala na ulit.
8Please respect copyright.PENANAoW8BMV2GQD