8Please respect copyright.PENANA24aGZQ3MV9
May mga salitang kaya mong patawarin. Pero may mga sugat na hindi ginagamot ng panahon—lalo na kung bawat tibok ng puso ay paalala ng nawala.
Masakit na ang tiyan ni Chin.
Habang nakasandal sa pader ng silid nilang magkapatid, pinipilit niyang huminga nang maayos. Ngunit ang pananakit ay parang karayom na paulit-ulit na sumusundot sa loob ng kanyang sinapupunan.
“Chin, okay ka lang ba talaga?” tanong ni Diveena, nag-aalalang lumapit at lumuhod sa harap ng kapatid.
“Oo… siguro napagod lang ako,” pilit na ngiti ni Chin. “Dumating si Mondie kanina. Akala ko magpapaliwanag siya. Pero…”
Napakagat siya sa labi, pinipigilang umiyak. Hindi na niya masabi ang buong nangyari. Hindi pa niya kayang ikuwento kung paano siya tinawag na wala sa lugar ng sariling ama ni Mondie. O kung paanong hinarap siya ni Crisanta sa mga tao sa subdivision, tinawag siyang anak ng kabit, opportunista, basura.
“Hindi na ako iiyak,” mahinang bulong ni Chin habang yumuko. “Tama na.”
Pero hindi pala ganun kadali.
Kinabukasan, napilitan siyang humarap kay Veronica, ang kanilang ina, na mukhang nahulaan na ang lagay ng anak. Tahimik lang ito habang pinagmamasdan si Chin na nagsusuklay sa harap ng salamin.
“May dinadala ka ba?” tanong ni Veronica, deretsahan.
Hindi na sumagot si Chin. Sapat na ang katahimikan para masagot ang tanong.
At sa halip na sermon, yumakap lang si Veronica mula sa likod. “Kahit kailan, hindi kita itatakwil. Pero sana, piliin mong maging matatag. Dahil hindi mo hawak ang puso ng ibang tao, Chin. Pero ang bata sa loob mo, hawak mo.”
Tumango si Chin, muling nabuhay ang konting tapang sa dibdib.
Pero ang lakas na ‘yon, nilamon ng isa pang bangungot.
Tatlong araw matapos ang alitan8Please respect copyright.PENANAp2KLA9VUz6
Nagulat siya nang may tumawag sa kanya mula sa guardhouse ng subdivision. Si Renz, kapatid ni Mondie.
“Chin, pwedeng magkita tayo? Si kuya… hindi siya okay. Umiinom na lang maghapon, hindi kumakain. Kahit ikaw na lang kumausap sa kanya…”
Lumingon si Chin kay Vee na tila nag-aalangan. Pero alam niyang kailangan niyang makita si Mondie. Kahit para lang maipikit ang pahina ng kanila. Para matapos.
Pagdating sa bahay ng mga Sonajo, tila walang tao. Bukas ang gate. Walang bantay. May mga bote ng alak sa labas. At sa loob ng sala, naroon si Mondie—lasing, tulala, at parang hindi na siya kilala.
“Chin…” bulong niya, sabay tayo.
“Hindi ako pumunta dito para makipag-ayos,” ani Chin. “Gusto ko lang malaman kung... lahat ba ng nangyari, peke?”
Nilapitan siya ni Mondie, halos matumba sa sariling bigat. “Hindi. Mahal pa rin kita.”
Pero bago pa siya makalapit, biglang bumukas ang pintuan. Pumasok si Crisanta at Filemon, galit na galit.
“Anong ginagawa ng babaeng ‘yan dito?!”
“Huwag na huwag mong ipilit ang sarili mo sa anak ko!” dagdag ni Filemon, habang tinuturo si Chin. “Hindi ka namin kailanman matatanggap! Malandi ka! Nagbuntis ka para lang itali siya!”
Parang sumabog ang salamin sa loob ni Chin. Bawat salita’y parang bubog sa kanyang dibdib. Ngunit hindi niya pinansin.
Naglakad siyang palabas, pero sa hakbang niyang iyon—dumanak ang likido sa pagitan ng kanyang hita. At kasabay nito, isang kirot sa tiyan ang halos magpadapa sa kanya.
“Ate—!” sigaw ni Renz mula sa likuran. “May dugo!”
Sa ospital
Wala na.
Walang kumapit.
“Ma’am, spontaneous abortion,” mahinahong sabi ng doktor. “Maaring dulot ng matinding stress at pagod. Mainam na magpahinga kayo ng matagal.”
Tahimik si Chin.
Nakatingin lang sa kisame ng puting kwarto. Wala na siyang luha. Wala na ring salita.
Pagpasok ni Diveena, dahan-dahan itong lumapit sa kama.
“Chin…”
“Alam mo ba kung anong tunog ng salamin kapag nabasag?” tanong ni Chin, nakatingin sa kawalan. “Yung pak pak pak... tapos sabay sabay silang bumibitaw. Para siyang tunog ng puso ko kanina.”
Napahawak si Vee sa kamay ng kapatid. “Hindi mo kasalanan ‘to.”
“Alam ko. Pero ako pa rin ang nawalan.”
Sa hallway, pinigilan ni Veronica si Mondie. Luluhod na sana ito sa pinto ng kwarto ni Chin.
“Hindi ngayon,” mariing sambit ni Veronica. “Kung may konsensya ka pa, hayaan mong maghilom kahit kaunti ang sugat bago ka sumingit ulit sa buhay ng anak ko.”
Ilang linggo ang lumipas
Hindi na muling nakita ni Chin si Mondie.
Nag-deactivate siya ng social media. Wala nang sumagot sa mga tawag. Lumipat ng ibang bayan, pansamantalang nakituloy kina Vee habang unti-unting pinipilit makabangon.
At kahit gabi-gabi niyang hinahawakan ang munting sonogram ng sanggol na hindi na niya mahahawakan, pinilit pa rin niyang ngumiti.
Kahit walang tunay na saya.
Kahit durog.
Kahit sirang-sira.
ns216.73.216.247da2