8Please respect copyright.PENANAFPXukGLWl1
“Bakit?”8Please respect copyright.PENANAEMc4krOTV3
Isa lang ang salitang ‘yon pero sumabog sa loob ng silid na parang granada.
Nasa harap ni Chin si Mondie, hawak pa rin ang notebook na pinabasa ni Diveena. Halata ang pangangatog ng kanyang mga kamay. Pero hindi ito dahil sa takot — kundi sa matinding poot na sa wakas ay lumabas.
“Chin…”
“Bakit ka nagsinungaling?” Hindi na niya mapigilan ang pagtulo ng luha. “Bakit mo sinabi sa'min na wala kang naaalala?”
Tahimik si Mondie. Tumingin sa sahig. Hindi makatingin sa kanya.
“Sumagot ka!” bulyaw ni Chin. “Gusto mong magsimula ulit, ‘di ba? Gusto mong makalapit ulit sa’kin. Pero pinili mong gawin 'to sa paraang—” napasinghap siya, “—para akong tanga, Mondie. Para akong tangang umaasang baka mahal mo pa rin ako.”
Napapikit si Mondie, pilit pinipigil ang sariling emosyon. “Chin, I just… I thought it would be better kung hindi ko na ipaalala sa’yo lahat ng sakit. Ayokong balikan mo ‘yung parte ng buhay natin na… halos ikamatay mo.”
Tumawa si Chin — isang mapait, lason ang timpla. “So ikaw ang nagdesisyong anong dapat kong maalala? Ikaw ang pumiling burahin ang lahat ng sakit—kasama ang totoo?”
“Chin—”
“Hindi mo ako pinagbigyan ng choice, Mondie! Binigyan mo lang ako ng ilusyon. Akala ko, bago ka na. Akala ko, ibang tao ka. Pero totoo pala, ikaw pa rin — at pinili mong magsinungaling.”
“Akala ko kasi ‘yon ang kabutihang kaya kong ibigay.”
“Kabutihang may kasamang kasinungalingan?” Tumigil si Chin, lumapit. “You made me hope, Mondie. Pinaniwala mo akong puwedeng magsimula. Pinaniwala mo akong puwede tayong magtagpo ulit, na hindi dahil sa nakaraan kundi dahil sa ngayon.”
Tinapik niya ang dibdib. “Pinilit kong kalimutan lahat. Pinilit kong tanggapin na wala ka na. Pero ngayong nandito ka, buo pa rin — at ‘di pala nawala — ako ang naiwan sa dilim.”
Napayuko si Mondie. “Chin… wala akong intensyong saktan ka ulit. Gusto ko lang sana… ingatan ‘yung natira sa puso mo.”
“Pero sinaktan mo pa rin ako.” Umiling si Chin, humakbang paatras. “At mas masakit ngayon. Kasi akala ko, totoo ang simula natin ulit. Pero peke rin pala.”
Tahimik.
Tanging tunog ng hanging humahampas sa bukas na bintana ang naging saksi sa pagitan nilang dalawa.
“Lahat ng ‘yun, Mondie. Yung mga simpleng yakap, mga titig mo, mga halakhak natin habang kumakain ng ice cream sa canteen… lahat pala ‘yon, ginawa mo habang may tinatago kang lihim.”
“Hindi ‘yon kasinungalingan, Chin.”
“Pero ginawa mong laruan ang damdamin ko.”
Napaatras si Chin. “Alam mo kung anong pakiramdam ng magmahal sa taong ‘di ka kilala, pero nararamdaman mong minamahal ka rin? At tapos malalaman mong kilala ka naman pala niya. Na minahal ka na niya noon pa. Na iniwan ka niya noon… at iniwan ka ulit, sa paraang hindi halata.”
Tahimik si Mondie. Sapat para marinig ang mismong tibok ng puso nilang parehong sugatan.
“Akala ko… puwede tayong magsimula. Pero hindi pala. Kasi kahit ilang ulit mong subukang itama ang mali, kung panlilinlang pa rin ang simula, wala rin.”
Hinaplos ni Chin ang pisngi niya, pinahid ang luha.
“Alam mo kung kailan naging totoo lahat?”
Tumingin si Mondie.
“Nung nasaktan ako ulit.”
Tinalikuran siya ni Chin. “'Wag mo na akong sundan, Mondie. Kasi sa bawat hakbang mo palapit, kasabay nun ang paalala na minsan, may mga taong kahit gaano mo kamahal, kailangan mo pa ring bitawan.”
Sa corridor
Diveena nakatayo, nag-aabang. Nang lumabas si Chin, diretso siyang yumakap sa ate niya.
“Tapusin na natin, Ate. ‘Wag na nating ipilit pa.”
At sa unang pagkakataon, hindi sumagot si Diveena. Yumakap lang siya pabalik.
Dahil alam niyang minsan, ang pinakamalupit na kabaitan… ay ang paalalang hindi lahat ng pagmamahal ay dapat ipaglaban.
ns216.73.216.247da2