8Please respect copyright.PENANADEELRlXrGc
Diveena Castro didn’t like meddling. Pero kung kapatid niya ang nasasaktan, ibang usapan na 'yon.
Nang makita niya si Chin na tahimik lang sa veranda, mulagat ang mga mata, habang tinititigan ang lumang polaroid picture na magkasama sila ni Mondie, alam na niya—may bumabalik na sugat. At hindi niya hahayaan na bumuka pa 'yon.
“Chin,” malumanay pero diretso niyang tawag. “Okay ka lang ba?”
Ngumiti si Chin pero halatang pilit. “Ate, wala 'to.”
“'Wag mo kong pagtaguan sa 'wala 'to'.” Naupo siya sa tabi nito. “Siya na naman, ‘no?”
Tahimik.
“Hindi ka na nga hinanap noon nung nakunan ka, tapos ngayon, nandiyan ulit? Chin, gusto mong saktan ang sarili mo?”
Napasinghap si Chin, pinipigilan ang luha. “Ate… iba na siya ngayon. Hindi na niya ako kilala.”
“Tao siya, hindi hard drive. Hindi basta-basta nade-delete ang isang gaya mo.”
Tumingin si Chin sa kanya. “Pero parang totoo nga, Ate. Hindi niya ako matandaan.”
Diveena clenched her fists. “O baka naman nagkukunwari lang?”
Napatingin si Chin, gulat. “Ate…”
“Masyado mo siyang minahal. Pero ‘wag mong kalimutan kung paano kanya iniwan sa pinakamasakit mong yugto. Kung hindi ako tumakbo sa ospital nung nakunan ka, baka—” Napahinto siya, nangingilid ang luha sa galit.
“Alam ko, Ate. At nagpapasalamat ako sa’yo.”
Tumayo si Diveena. “Sige. Ako na ang gagalaw.”
“Ano'ng gagawin mo?”
“Tatanungin ko siya. Harapan. Kung talagang hindi ka niya maalala, kung talagang blanko siya—at kung hindi, malalaman natin kung bakit siya nagsisinungaling.”
Ilang araw matapos ang pag-uusap
Nakita ni Diveena si Mondie sa labas ng maliit na chapel sa loob ng ospital compound. Naglalakad ito mag-isa, suot ang simpleng jacket, may hawak na maliit na notebook. Hindi na siya nagdalawang-isip.
“Raymond.”
Napalingon si Mondie, bahagyang nagtaka. “Ikaw po si—?”
“Diveena. Ate ni Chin.”
Tumahimik ang lalaki.
“Alam mo ba kung ilang gabi siyang hindi natutulog? Kung ilang buwan siyang hindi huminga ng maayos dahil sa ginawa ng pamilya mo?” matalim niyang panimula.
“Ako—hindi ko po talaga maalala…”
“Hindi?” Tumikhim si Diveena. “Sigurado ka? Kasi nakita ko 'yung notebook mo. Sa isang nurse na dinidikitan mo raw. May mga sulat kang hindi mo naman pinapabasa.”
Bahagyang namutla si Mondie.
“‘I just wanted to protect her by pretending I don’t know.’ That’s what Renz told me.”
Nanlaki ang mata ni Mondie. “Sinabi ni Renz—?”
“Oo. At ngayon, nandito ako para tanungin ka: Bakit mo ‘to ginagawa sa kapatid ko?”
Huminga nang malalim si Mondie. “Dahil mahal ko siya.”
“Hindi yan pagmamahal. Ang pagmamahal hindi nagsisinungaling. Ang pagmamahal, pinipili ang totoo kahit masakit.”
“Hindi ko kayang ipaalala sa kanya lahat ng sakit. Lahat ng nawala. Yung bata…”
Napayuko si Diveena. Pero pinanatiling matatag ang boses. “Kapatid ko ang nawalan. At kahit anong sakit, pinili niyang mabuhay. Ngayon, ikaw? Pinipili mong magtago sa likod ng pekeng amnesia para ‘di mo maramdaman ang guilt?”
Tahimik si Mondie.
“Kung totoo na mahal mo siya, dapat mo siyang harapin. Hindi para bawiin siya. Kundi para magpakatotoo. At kung ayaw mong gawin ‘yon, layuan mo siya. Huwag mong guluhin ang kapayapaang pinilit niyang buuin.”
Lumuhod si Mondie, hawak ang notebook. “Mahal ko siya, Ate Diveena. At araw-araw, sinusulat ko ‘yon. Dahil kahit hindi ako magsalita, baka sakaling makita niya…”
“Eh 'di ipakita mo. Ngayon na.”
Sa silid ni Chin
Isang tahimik na gabi, iniabot ni Diveena ang notebook kay Chin.
“Ano ‘to?”
“Katotohanan.”
Napuno ng luha ang mata ni Chin habang binubuklat ang bawat pahina. Mga sulat. Mga alaala. Mga “mahal kita” na hindi niya narinig, pero naramdaman.
ns216.73.216.247da2