8Please respect copyright.PENANAUUTfKp3oR2
“Ang hindi ko sinabi… siya palang pinaka-nag-ingay sa puso ko.”
Umaga. Maaga pa. Tahimik ang ospital.8Please respect copyright.PENANAgg91oq8gyI
Hindi pa bumabalik si Chin. Iniwan siyang may ngiting pilit, habang si Mondie ay nanatili sa kama, nakatulala sa kisame.
Pero sa loob ng drawer sa tabi niya, may sekreto.
Isang maliit na notebook. Marumi na ang gilid. Gamit na gamit.8Please respect copyright.PENANAeyJLQma3CJ
Walang ibang nakakakita nun maliban sa kanya. Kahit ang nurse na malapit sa kanya, hindi pa ‘yun nahahawakan.
Bago pa siya magpanggap na hindi niya siya nakakikilala…
Bago pa siya ngumiti na parang estranghero…
Bago pa niya sabihing, “Sino ka nga ulit?”
Isinulat na niya lahat.
Unang Liham
“Chin,8Please respect copyright.PENANAUjNDfwUG7I
Kung binabasa mo ‘to… baka nakita mo na ang notebook ko. At kung nakita mo na, siguro oras na rin para aminin ko sa sarili ko.8Please respect copyright.PENANAvO2BF0XrW2
Hindi ako nakalimot. Hindi kailanman.8Please respect copyright.PENANASZ8xGZUHF7
Noong sinabi ng doktor na may posibilidad akong mawalan ng alaala, kinabahan ako—hindi dahil sa trabaho, hindi dahil sa buhay ko.8Please respect copyright.PENANAitsqeG6RNf
Kinabahan ako dahil… baka mawala ka.8Please respect copyright.PENANAUxNJpzCwxp
At ayokong mawala ka.8Please respect copyright.PENANAcNyln6okFm
Kaya sinimulan kong isulat lahat.8Please respect copyright.PENANAfv7QnxIHO3
Araw-araw.8Please respect copyright.PENANArW2bmvsSFM
Kasi kung sakaling makalimutan kita… gusto kong mahanap ulit ang daan pabalik sa’yo.”
Isinulat niya iyon limang araw matapos siyang i-confine.
At mula noon, hindi siya tumigil.
Ika-walong araw
“Ang weird. Pinuntahan mo ako ngayong araw. Hindi ka sigurado kung dapat kang pumasok. Kitang-kita ko ang takot sa mata mo.8Please respect copyright.PENANAiEJZlns7qF
Chin, gusto kong yakapin ka.8Please respect copyright.PENANA1YNKeXxlF2
Pero hindi ko ginawa.8Please respect copyright.PENANA6kua2IN9PI
Kasi hindi ko alam kung papayagan mo ‘ko.8Please respect copyright.PENANA6JIcNTaktv
Kasi kahit hindi ko pinapakita, naaalala ko pa rin kung paano kita sinaktan.8Please respect copyright.PENANAbmOdphCha8
At baka hindi pa sapat na gustuhin kong itama iyon.”
Sa bawat araw na lumipas, lalo siyang nababaliw sa ideya na hindi niya puwedeng ipakita ang totoo.
Na hindi niya nalimutan.
Na ang bawat halakhak ni Chin, bawat pag-iwas ng mata, bawat pilit na lakas… ay parang kutsilyong dahan-dahang lumulubog sa dibdib niya.
At hindi siya puwedeng magsalita.8Please respect copyright.PENANAZmn9fxQn20
Kasi baka layuan siya.8Please respect copyright.PENANALWjvhIG7lp
Kasi baka hindi pa siya handang patawarin.
Ngayon, habang mag-isa siya, binubuklat niya ang notebook.
Hawak niya ang bolpen.
Nagsusulat ng panibagong liham.
Ika-labinglimang araw
“Chin,8Please respect copyright.PENANAgoWDNCuEdq
Ang gulo mo.8Please respect copyright.PENANAx5mJcR6OLc
Ang ganda mo.8Please respect copyright.PENANAV1bwo1xThu
At ang hirap mong hindi mahalin.8Please respect copyright.PENANA7ZUOi1l4xS
Hindi ko na alam kung anong mas mabigat: ‘yung hindi kita makausap ng totoo… o ‘yung araw-araw kong sinusubukan kalimutan ang sarili kong alaala.8Please respect copyright.PENANAMv4kGfJx42
Pero hindi ko kayang kalimutan ka.8Please respect copyright.PENANAQvVWqhXcmC
Chin, hindi ko kailanman nakalimutan.8Please respect copyright.PENANAU6FSsjNX3s
Pinili ko lang magkunwaring hindi ko alam, para bigyan ka ng panibagong simula.8Please respect copyright.PENANAmQJsxd5lND
Para kung sakaling piliin mo ulit ako… ‘yung ako ngayon, hindi ‘yung ako noon.”
Bumukas ang pinto.
Napalingon si Mondie.
Si Chin. May dalang lugaw at prutas. Suot ang maluwag na hoodie. Pagod ang mata pero may ngiti pa rin.
“Hi,” bati nito. “Okay ka lang?”
Tumango siya. Itinago ang notebook sa ilalim ng kumot.
“Okay lang,” sagot niya. “Salamat sa pagbalik.”
Umupo si Chin sa tabi niya. Tahimik silang dalawa.
Habang pinapakain siya ni Chin, lihim siyang ngumiti.
Dahil kahit hindi alam ng babae… araw-araw, isinusulat niya ito.
Ang pagmamahal.
Ang kasalanan.
Ang pangarap.
Ang pag-amin.
Na kung sakaling mawalan siya ng boses… may panulat siyang ipapasa sa kanya.
Bago siya matulog, binuksan niya ulit ang notebook.8Please respect copyright.PENANAS5yFbhMZEp
Nag-drawing siya ng maliit na puso.
At isinulat ang pinakamaikli pero pinakamalalim na sulat.
ns216.73.216.247da2“Chin,8Please respect copyright.PENANAS9Vh14lLwa
Hindi ako nakalimot.8Please respect copyright.PENANAbN2FirDPKy
Pinili ko lang maghintay.”