“I just wanted to protect her by pretending I don’t know.”
Ang gabi sa ospital ay payapa. Tahimik ang buong hallway maliban sa tunog ng aircon at pag-ikot ng gulong ng nurse cart sa dulo.
Sa loob ng kwarto ni Mondie, bukas ang ilaw sa bedside lamp. Nakaupo siya sa kama, may hawak na maliit na notebook, pero hindi sumusulat. Nakatingin lang sa isang pahina — isang liham para kay Chin na paulit-ulit niyang binabasa pero hindi kailanman pinapakita.
May kumatok.
"Bro?" pumasok si Renz, may dalang fast food at malamig na iced coffee.
“‘Di ka na naman kumain,” puna ni Renz, nilapag ang pagkain sa bedside table. “Seryoso ka na naman diyan sa notebook mo.”
Tahimik si Mondie.
Umupo si Renz sa upuang kaharap ng kama.
"Nagkausap na ba kayo ni Chin?"
Tumango si Mondie, mabagal. “Oo. Pero… hanggang doon lang muna.”
“Hindi ka pa rin umaamin, no?” tanong ni Renz, diretsahan. “Na hindi ka nawalan ng memorya. Na lahat ‘to… gimik mo lang.”
Tumitig si Mondie sa kanya. Sa wakas, huminga siya ng malalim, parang isang taon niyang kinimkim ang sagot.
“Alam ko siya, Renz. Simula pa lang.”8Please respect copyright.PENANA1NzEOg4W70
Tahimik.8Please respect copyright.PENANAgT1Nv4sxtq
“Wala akong amnesia.”
Hindi sumagot agad si Renz.
“Bro…” napailing ito. “Putek.”
“I just wanted to protect her,” bulong ni Mondie, halos hindi marinig. “Gusto ko lang siyang bigyan ng chance na makalimot. Na hindi na bumalik sa sakit. Kaya ako na ang nagkunwaring walang alam.”
Sumandal si Renz. “Eh ‘di parang niloloko mo rin siya.”
“Mas masakit kung malaman niyang hindi ako nagbago,” sagot ni Mondie. “Kung maramdaman niyang bumalik lang ako para ulitin ‘yung pagkakamali ko.”
“Pero hindi ka na ‘yun, luya.”
“Hindi niya pa ‘ko nakikitang hindi na ‘yun,” sagot ni Mondie, pilit ang ngiti. “Kaya araw-araw, gusto ko siyang makilala ulit. Ligawan ulit. Hindi bilang lalaking nakasakit sa kanya... kundi ‘yung lalaking pipiliin niya kung sakaling hindi kami nagkaroon ng masakit na nakaraan.”
Tahimik ulit.
Binuksan ni Renz ang iced coffee. “Alam mo bang pagod na rin siya?”
Tumingin si Mondie.
“Pagod na si Chin, bro. Halata. Pilit ‘yung tapang niya. Pero hindi siya umaalis. Hindi siya lumalayo. Alam mo kung bakit?”
Hindi sumagot si Mondie. Takot.
“Kasi kahit nasasaktan pa siya… umaasa pa rin. Umaasa na baka… kahit konting parte mo, naaalala pa siya.”
Napayuko si Mondie. Hawak pa rin ang notebook.
“Anong plano mo?” tanong ni Renz. “Itutuloy mo pa ‘to?”
Tumayo si Mondie. Dahan-dahang naglakad papunta sa bintana ng kwarto. Tiningnan ang ilaw ng ospital sa labas, at ang malayong cityscape.
“Renz… kapag nagpakita ako sa kanya bilang ako, baka bumalik lahat ng sakit.8Please respect copyright.PENANAxVA1VWL9Ye
Pero kapag nag-stay ako bilang estranghero, baka mawala ako sa kanya habang tinatanggap na niya ‘yung bago kong version.”
Tumingin siya sa kapatid. “Wala akong panalo rito.”
Tumayo si Renz, nilapitan siya. “Pero may isang sigurado.8Please respect copyright.PENANArgAOQOTlZD
Mahal mo pa rin siya.”
Tahimik si Mondie.8Please respect copyright.PENANA2lcMGZqCMb
Ngumiti ng pilit. “Hindi pa tumigil, kahit kailan.”
Kinabukasan, dumating si Chin.
May dalang mga paborito niyang prutas. Tahimik lang siyang umupo sa tabi ni Mondie.
“Good morning,” bati niya.
Ngumiti si Mondie. “Morning. Ang aga mo.”
“Wala lang. Naalala lang kita habang nagkakape ako.”
Muling bumilis ang tibok ng puso ni Mondie. ‘Yung ganitong simpleng bagay — may halaga sa kanya.
Kahit pa hindi niya maamin.
Hindi pa ngayon.
Pero habang pinapakain siya ni Chin ng hiniwang mansanas, isang bagay ang naisip niya.
Baka dumating ang araw na hindi na kailangang itago lahat.
Baka… puwede na niyang sabihin.
ns216.73.216.247da2