Kabanata 57: Sa Huling Paglalakbay
Tahimik ang buong bahay habang isa-isang bumababa ang mga bata mula sa kanilang mga kwarto—nakaitim, may maliit na puting ribbon sa kanang balikat. Nasa sala ang kabaong ni Ysay. Puting-puti ang paligid, napapaligiran ng mga puting bulaklak—rosas, gladiola, at ilang paborito ni Ysay na daisies.
May mga larawan siyang nakapaskil sa easel—masayang Ysay, yakap si Samantha, kasama sina KC, Angelique, Jae Ann, at Ramil sa iba’t ibang panahon ng kanilang pagsasama.
Tahimik si Ramil habang pinagmamasdan ito. Hawak niya ang kamay ni Samantha na hindi pa rin ganap na nauunawaan ang nangyayari, pero tahimik lang habang may hawak na munting teddy bear sa dibdib.
Sa isang tabi, si Aling Ana ay abala sa pagtanggap ng mga dumadalaw. Naroon din ang ilang kamag-anak nila Ramil, mga kaibigan, kapitbahay, at maging dating kasamahan sa trabaho ni Ysay. Ang ilan ay lumuluha habang nagkukuwento ng kabutihang loob ni Ysay.
“Hindi talaga ako makapaniwala…” sabi ng isa.13Please respect copyright.PENANAfNP2erK2hO
“Napaka-buti niyang tao, laging tumutulong, kahit walang-wala na siya.”
Sa gitna ng katahimikan, biglang dumating ang hindi inaasahan.
Henry. Kasama ang dalawang abogado at isang tauhan mula sa DSWD.
Nagkatinginan sina KC at Angelique. Parehong tumayo. Hawak ni KC ang braso ni Angelique, habang si Jae Ann ay agad na lumapit sa likod ng mga kapatid.
Huminga nang malalim si Ramil at hinarap ang lalaki.
“Ano'ng kailangan mo dito?” tanong niya, mahinahon pero mabigat ang tinig.
Tumikhim ang abogado ni Henry. “Mr. Ramil, narito kami upang ipaalam na bilang ama sa dugo nina KC at Angelique, nais ni Mr. Henry na makuha ang pansamantalang kustodiya sa kanila habang inaaral ang kasalukuyang kondisyon ng tahanan ninyo.”
“Wala kayong karapatang—” uumpisahan ni Angelique pero pinigilan siya ni KC.
“Hindi namin iiwan ang bahay na 'to,” mariing sabi ni KC. “Hindi kami sasama sa ‘yo.”
“Mga anak, hindi niyo naiintindihan. Ako ang tunay niyong ama. Ayon sa batas—”
“Alam din namin ang batas,” ani Jae Ann. “Pero alam mo rin dapat na hindi lang dugo ang bumubuo sa pamilya. Hindi mo sila pinalaki. Hindi mo sila minahal. Hindi mo sila inalagaan.”
“Si Papa Ramil ang nandito,” sabi ni Angelique. “Siya ang yumakap sa amin, nagturo, nag-alaga. Sa puso namin, siya ang ama. At ayaw na naming maulit yung sakit na iniwan mo noon.”
Lumapit si Ramil at lumuhod sa tabi ng kabaong ni Ysay. “Hindi kita pababayaan, love… kahit sa huling sandali mo.” Bumaling siya kay Henry, diretso ang tingin. “Walang sinuman ang maghihiwalay sa pamilyang binuo namin. At kahit sinong korte pa ang tawagin mo, kakayanin kong ipaglaban ‘tong mga batang minahal mo’t minahal ka.”
Muling humarap sina KC at Angelique sa tauhan ng DSWD.
“Sa murang edad namin,” wika ni KC, “alam naming hindi ito perpektong tahanan. Pero ito lang ang tahanang puno ng pagmamahal. At kahit anong gawin ninyo... kung ilayo nyo man kami—lalayas kami. Uuwi kami dito.”
Tahimik si Henry. Hindi niya nagawang magsalita pa.
Sa Huling Gabi ng Burol
Mas lumuwag ang daloy ng hangin. Tahimik na umuugoy ang kurtina sa bintana.
Hawak ng magkakapatid ang isa’t isa sa harap ng kabaong. Si Samantha, yakap ni Ramil.
“Ma…” bulong ni Jae Ann, “Bukas, ihahatid ka na namin. Pero wag ka mag-alala. Tulad ng sinabi namin… walang aalis sa pamilyang ‘to. Hindi kami maghihiwalay.”
“Ako nga pala, ako ang gagawa ng flower crown mo mama,” sabing muli ni Angelique. “Para mukha ka pa ring reyna kahit tulog ka na.”
“Ako naman, ako ang magbabantay kay papa habang wala ka,” dagdag ni KC. “Ayokong malungkot siya. Bawal ‘yon, sabi mo nga.”13Please respect copyright.PENANARFwESci5Py
Doon na bumigay si Ramil. Muling lumuhod sa harap ng asawa.
“Magpahinga ka na, love… ako na’ng bahala sa kanila. Hintayin mo ako. Sunduin mo ako… pag tapos na ang responsibilidad ko sa mga bata.” Hinalikan niya ang ibabaw ng kabaong.
“Mahal na mahal kita…”
ns216.73.216.169da2