Kabanata 42: Alaala at Alay
Nagmistulang masaya ang buong paaralan sa araw na iyon. May mini-recital at open house ang mga estudyante — may kantahan, sayawan, at poem recitation. Punong-puno ng magulang, guro, at mga bisita ang covered court ng eskwelahan nina Angelique, Jae Ann, at KC.
Pero para sa tatlong magkakapatid, hindi ito basta-basta event. Isa itong alay para kay Mama.
POV ni KC
Ako ang nanguna sa pagsulat ng spoken word piece. Tinulungan ako ni Ate Jae Ann na buuin ito, habang si Angelique ang nag-practice ng background guitar. Ako naman, ni-recite niya ang last line. Alam naming hindi makakapunta si Mama, pero nag-request ako kay Papa na i-record niya ‘to para mapanood ni Mama sa bahay.
Kahit nanginginig ang tuhod ko habang nasa stage, kinaya ko. Para kay Mama. Dahil kung siya nga, araw-araw nilalabanan yung sakit, ako pa ba?
“’Ma, kung pwede lang kitang buhatin… gagawin ko.10Please respect copyright.PENANAymowkikcqu
Kung pwede lang ako na ang magkasakit pipiliin kong ‘wag ka masaktan.10Please respect copyright.PENANAlZJu8y9LtT
Dahil kahit hindi mo na kami maramdaman sa bigat ng iniinda mo—10Please respect copyright.PENANAGF83NMVRBO
Kami, ramdam pa rin namin ang yakap mo.10Please respect copyright.PENANAMILIj3RNpL
At hinding-hindi kami bibitaw.”
Tumulo ang luha ni KC habang sinasabi niya ang huling linya.
“Kasi ikaw ang tahanan namin, Mama.”
Nagyakap kaming tatlo pagkatapos. Nagpalakpakan ang mga tao, pero ang iniintay lang talaga namin ay yung moment na marinig ni Mama ang mensahe namin.
Kinabukasan, sa bahay...
Maagang gumising si Ramil para asikasuhin si Ysay. Tahimik ang paligid, pero tila may kakaiba. Pumasok siya sa kwarto nila’t nadatnan ang asawa sa may bintana, nakatitig sa labas.
“Love? Kumusta ang gising mo?”
Lumingon si Ysay. Maputla. Blangko ang tingin.
“Sino ka?”
Nanigas si Ramil.
“Ano’ng ibig mong—ako ‘to, si Ramil, asawa mo.”
Kumunot ang noo ni Ysay. Humakbang paatras, halatang naguguluhan.
“Hindi ko alam… anong sinasabi mo. Bakit ako nandito?”
Napatakbo palabas si Ramil, tinawag si Aling Ana na naghahain ng almusal.
“Nay… si Ysay… hindi niya ako kilala.”
Napatigil sa pagkilos si Aling Ana. Tumayo kaagad at sinamahan si Ramil sa kwarto. Nang sumilip siya, ngumiti si Ysay sa kanya.
“Hi… sorry, kilala ba kita?”
Sa sandaling iyon, parang gumuho ang mundo ni Aling Ana.
Pagdating ng mga bata mula sa school
Naabutan nilang lahat ang katahimikan sa bahay. Si Mama, nakaupo sa sofa, may hawak na mainit na salabat. Tahimik lang.
“Ate Jae Ann, may nangyari ba?” bulong ni Angelique.
Tumango si Jae Ann at nilapitan si Papa na tila lutang.
“Papa?”
Lumuhod si Ramil sa harap ng mga anak. “Anak… si Mama n’yo… nagkakaroon na ng memory lapses. Ngayon, hindi niya tayo kilala.”
Tahimik. Walang iiyak. Pero ramdam ang bigat sa bawat sulok ng bahay.
Lumapit si KC kay Ysay. “Mama… ako si KC. Anak mo ako. Ako yung pinakakulit mong anak. ‘Yung laging kumakain ng chichirya kahit bawal.”
Napangiti si Ysay. “Ang cute mo naman. Ang sweet mo. Pero sorry ha… hindi ko talaga maalala.”
Lumapit na rin si Angelique at Jae Ann. Hinawakan nila si Mama, at sabay-sabay silang yumakap.
Kahit hindi sila makilala… kahit pansamantala lang… mahal pa rin nila si Mama.
Sa ospital, ilang araw matapos ang insidente
Nasa loob ng observation room si Ysay habang inaayos ang susunod na set ng tests. CT scan, MRI, endoscopy—lahat ginagawa para mahanap ang sanhi ng biglaang memory loss kasabay ng pagsuka ng dugo. Lahat may haka-haka, pero walang makapagbigay ng tiyak.
“May neurological aspect ito, pero may overlap din sa GI symptoms. We need more data. Rare case nga talaga ito,” bulong ng isang doktor sa kapwa niya resident.
Sa labas, nakaupo ang tatlong bata, magkakahawak ang kamay.
“Ate… kahit hindi tayo maalala ni Mama ngayon… may paraan pa rin ‘di ba?” tanong ni Angelique.
Tumango si Jae Ann. “Oo. Ipapaalala natin araw-araw. Hanggang maalala niya ulit.”
ns216.73.216.169da2