Kabanata 22: Pelikula ng Puso
Nang ipinalabas sa mga sinehan ang Music and Lyrics nina Hugh Grant at Drew Barrymore, hindi pinalampas nina Ramil at Ysay ang pagkakataon.
"Uy, panonoorin natin 'to ah," mensahe ni Ysay. "Parang kwento natin!"
"Sige. Tayo na 'yung local version," sagot ni Ramil.
Una, kinilig lang sila. Sa pangalawa, nagkatinginan na sila't sabay na tumawa. Sa pangatlo, mahigpit na ang hawak nila sa isa't isa. Hindi lang pelikula ang pinanood nila—kundi ang sarili nilang kwento.
"Gawa tayo ng kanta," bulong ni Ysay habang palabas sila ng sinehan.
"Game. Lyrics mo, music ko," ani Ramil, kunwari seryoso, pero bakas ang ngiti sa labi.
"Ano 'to, Collab na 'to?" biro ni Ysay.
"Hindi lang 'to collab. Panimula na 'to."
At sa mismong harapan ng sinehan, sa ilalim ng ilaw na malamlam, pinangako nilang lilikha ng awitin para sa isa't isa.
16Please respect copyright.PENANAbvfKmlZv3b