KABANATA 17: Sa Likod ng Lihim
Maghahating-gabi na, tahimik ang paligid ng dormitoryo sa Batangas. Tanging ang mahinang ugong ng bentilador ang naririnig sa kwartong iyon, kung saan nakaupo si Tentay sa gilid ng kama, hawak ang cellphone niya, nanginginig ang daliri habang tinititigan ang pangalan sa screen: Joey – BPI Guard.
Isang chat lang. Isang pagpapaamin.
Ngunit bago pa niya pindutin ang "send," kumatok ang pinto. Dalawang mahihinang katok, kasunod ang tinig na kabisado niya.
"Tentay... ako 'to, Joey."
Agad siyang napatayo, kinabahan.
Binuksan niya ang pinto.
Ang Pagbubunyag
Tumayo si Joey sa harap niya, malamig ang ekspresyon, hawak ang cellphone niya sa kamay.
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Nabasa ko na."
Natigilan si Tentay. "Joey..."
"Alam ko na ang totoo. May asawa ka na pala."14Please respect copyright.PENANATbIqkzCWYV
Boses niya ay kalmado ngunit puno ng sakit.
"Hindi ko sinadya—hindi ko sinadya na magkagusto sa'yo... lalo na... na saktan ka."
"Gano'n? So, habang nakangiti ka sakin, habang sinasabi mong ako lang, may asawa ka palang hinihintay sa Maynila?"14Please respect copyright.PENANA4TA4oNQOb8
Napailing si Joey, kita sa mata ang pagkadurog.
"Hindi mo ba alam kung gaano ako naniwala sa'yo? Kahit alam kong mas mataas ang lipad mo, tinanggap kita, minahal kita—totoo."
"Joey, please..."14Please respect copyright.PENANA3T7WM0xKpG
Humawak si Tentay sa braso nito, nangingilid na ang luha.14Please respect copyright.PENANAul6jLO0Exe
"Gusto ko lang makatakas sa sakit. Wala na akong halaga sa amin. Pakiramdam ko... wala akong kwenta. Ikaw lang ang naging liwanag ko rito."
"At ngayon? Anong gusto mong mangyari? Na manatili akong tanga?"
Tahimik si Tentay. Bumuntong-hininga siya.
"Buntis ako."
Nagbago ang hangin. Nanigas si Joey. Dahan-dahang iniangat ang mga mata at tinig na may halong pagkalito.
"Ano'ng... ano'ng sabi mo?"
"Buntis ako, Joey. Sa'yo."
Sa Gitna ng Pananagutan at Pagkalito
Umupo si Joey sa maliit na sofa, tila napuputol ang hininga. Hindi siya makatingin kay Tentay.
"Paano? Paano ko malalaman na totoo lahat ng 'yan kung mismong pangalan mo sa akin, hindi pa totoo?"
"Alam ko, Joey. Masama ako. Niloko kita. Pero hindi ko niloko ang naramdaman ko sayo. At hindi ko kayang itago 'to habang lumalaki ang tiyan ko. Hindi ko kayang itago ang anak natin."
"Anak..."14Please respect copyright.PENANAZUGCt8d2CN
Tumingala si Joey sa kisame.14Please respect copyright.PENANAKOR4r3dBC5
"Diyos ko..."
Nagtagal ang katahimikan. Saka siya nagsalita, mababa, mahina, ngunit matatag.
"Tentay... Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang relasyon natin. Pero hindi ko kayang talikuran ang anak ko. Kahit paano, anak ko rin 'yan. At may responsibilidad ako."
"Joey..."
"Wag mo kong pakiusapan tungkol sa atin. Hindi pa ako handa. Pero tungkol sa bata, pag-usapan natin 'yan. Ayusin natin. Sa ngayon, 'yan lang muna ang kaya ko."
Pagbitaw sa Pusong Gusto Pang Kumapit
Habang papalabas si Joey ng pinto, pinigilan siya ni Tentay.
"Joey... salamat."14Please respect copyright.PENANAvuizBaeBKH
Humawak siya sa tiyan niya.14Please respect copyright.PENANA0npbeyvg4t
"Hindi ko man nasabi sa kanya kung sino talaga ako noon... ikaw ang dahilan kung bakit ko gustong magsimula ulit."
"Simulan mo. Pero sana... sa tamang paraan na."
At lumabas siya sa pinto, iniwan si Tentay sa isang tahimik na silid, kung saan tanging pintig ng pusong basag at ng sanggol sa sinapupunan ang naririnig.
14Please respect copyright.PENANAXg8vsTRdlv