KABANATA 13: Mga Lihim sa Ilalim ng Unan
Tumigil sa paggamit ng fingerprint lock si Tentay. Gumamit na siya ng passcode sa phone. Kapag natutulog sila, laging yakap niya ang cellphone. Tuwing nag-aalarm sa madaling araw, sinisilip niya ito nang palihim.
Isang gabi, habang tahimik si Ramil sa lababo't naghuhugas ng pinggan, narinig niya si Tentay sa sala.
"Hehe... oo nga eh. Pero promise, hindi na ako magpapakain ng ganun sa canteen. Baka sumakit na naman tiyan ko. Ikaw din, mag-ingat. Gusto pa kitang makasama nang matagal, Joey..."
Nalaglag ang kutsilyo sa lababo.
Napalingon si Tentay. "Si Jhoey. Yung kasamahan ko sa tahian."
"Oo nga," sagot ni Ramil. "Si Joey."
Walang dagdag. Walang reklamo. Pero alam na niya.
ns216.73.216.169da2