Kabanata 37: Sa Likod ng Ngiti ni Mama
Sa unang tingin, tila normal lang ang lahat.
Nagigising si Ysay tuwing alas-singko ng umaga, nag-aasikaso ng baon, ihahatid ang mga anak, at tutungo sa trabaho bilang call center agent sa night shift. Umuuwi siya bandang alas-siyete ng umaga, diretso sa kusina para asikasuhin ang almusal, at saka pa lang siya magkakaroon ng ilang oras na tulog.
Pero sa mga linggong lumipas, napansin ni Ramil ang pagbabago sa kilos ni Ysay.
Madalas siyang napapapikit habang naghahain. Minsan, nauupo bigla sa gilid ng sofa, kinikiskis ang sentido at hindi sumasagot agad. May isang beses pa nga na inakala ng mga bata na inaantok lang siya, pero nakita ni Jae Ann ang luha sa gilid ng mata ng ina habang hawak-hawak ang ulo.
"Mama… okay ka lang ba?" tanong nito minsang pauwi sila mula school.
"Migraine lang ito, anak. Lilipas din," ngiting pagkalma ni Ysay.
Ngunit hindi ito lumipas. Dumalas pa. Minsan, bigla na lang siyang nasusuka habang kumakain. Nahihilo. Nahuhulog ang hawak. At isang gabi, habang nagluluto, muntik siyang mapasubsob sa kalan kung hindi siya nahawakan ni Ramil.
"Hindi na ito normal, Ysay," mariing wika ni Ramil habang tinatapalan ang mainit na tuwalya sa batok nito.10Please respect copyright.PENANAn3kFhXp5sd
"Magpatingin ka na, please. Hindi pwedeng puro tiis."
Sumang-ayon din si Jae Ann na halata ring balisa. Kahit ang dalawang bunso, hindi na din makatulog agad kapag nakikitang nilalagnat o nilalambot si Mama.
Sumunod na araw, nagpatingin si Ysay sa doktor.10Please respect copyright.PENANAjX4LzZuK0p
Pagkatapos ng ilang tests, pinayuhan siyang magpahinga muna sa trabaho.
Diagnosis: Chronic Migraine with Vertigo.10Please respect copyright.PENANARkN0XWICgl
Ang sabi ng doktor, maaaring may kinalaman ito sa eye strain, stress, at kakulangan sa tulog. Pinatingin din siya sa opthometrist, at nalaman niyang kailangan na niya ng mas mataas na grado ng salamin—isa sa mga sanhi ng matinding pag-ikot ng paningin.
Pag-uwi, tahimik lang si Ysay. Hinubad ang sapatos, tumabi sa kama, at huminga ng malalim.
Lumapit si Ramil at hinaplos ang likod nito.
"Kaya mo pa ba?"
Ngumiti si Ysay, pilit.10Please respect copyright.PENANA0KLexddtOX
"Hindi ko alam. Pero kaya ko pa para sa inyo."
Umupo sa tabi niya si Jae Ann, dala ang kutsarang may sabaw.10Please respect copyright.PENANAHfMU0fHPrk
"Ma, kami naman ang alalay sa’yo ngayon."
At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, pinayagan ni Ysay ang sarili niyang umiyak. Hindi sa sakit ng ulo, kundi sa bigat na matagal na niyang pasan at ngayon lang niya binitawan—kahit sandali lang.10Please respect copyright.PENANATSxRGqBaci
10Please respect copyright.PENANAez8OMkz60Q