KABANATA 18: Panibagong Tahanan, Panibagong Tunog
Mainit ang araw nang humarap si Tentay sa lumang bahay ng kanyang mga magulang sa Cavite, may hawak siyang simpleng bag at nasa likod niya si Joey, nakasuot ng polo at may dala ring cake.
"Sigurado ka?" tanong ni Joey, bahagyang kabado habang pinagmamasdan ang kalumaan ng bahay at ang nakaabang na tingin ng matandang lalaking nasa terrace—ama ni Tentay.
Tumango si Tentay. "Wala na akong ibang kayang itago. Kailangang panagutan ang lahat. Kahit kahihiyan, tatanggapin ko, basta kasama ka."
"Ako na nga 'tong nagpadala sa kanila sa ospital, nag-aral magbuntis sa maling paraan... baka naman patayin pa 'ko ng tatay mo," biro ni Joey.
"Hoy," napatawa si Tentay. "Ako lang 'to dati, ngayon, dalawa na tayo. Hindi ka nag-iisa."
Pagkapasok nila sa bahay, malamig pa rin ang simoy ng pagtanggap. Tahimik ang ina niya, at ang ama naman ay tikom ang bibig. Pero nang lumuhod si Joey sa harap nila at buong galang na nagsalita, nagbago ang lahat.
"Ako po si Joey. Hindi ko po pinangarap na sirain ang pamilya ng anak ninyo. Pero simula ngayon, kahit wala pa kaming kasal, pananagutan ko po ang anak at ang anak namin."
Tahimik ang ama. Tiningnan si Tentay na halatang nahihiya. Napabuntong-hininga ito.14Please respect copyright.PENANA1CYAr3PDFe
"Kung sa bagay, mas mabuti na 'yan kaysa sa walang babalikan. Ikaw na rin 'tong pinagkaisahan dito."
At doon, sa gitna ng lumang hapag-kainan, muling nagsimula si Tentay. Hindi man maringal, pero totoo.
Sa Kabila Naman: Si Ramil
Samantala, sa Quezon City, malayo sa kanilang mga alaala, nagiging tahimik na ang gabi ni Ramil. Lumipas ang mga taon nang hindi siya nagtanim ng galit, pero hindi rin agad gumaling ang sugat.
Nag-focus siya sa kanyang anak—si Jae Ann. Sa bawat birthday nito, siya ang nagluluto, naggugupit ng mga dekorasyon, siya rin ang tumutugtog ng organ habang kinakantahan ang bata ng lullaby sa gabi.
Dahil sa kagustuhang maitaguyod ang anak, kumuha siya ng mga TESDA courses—welding, basic computer programming, motorcycle repair, pati keyboard playing.14Please respect copyright.PENANAiJxRp1O2zW
Bawat natutunan niya ay alay sa kanyang anak. Pinilit niyang maging buo kahit kulang. Maging sapat kahit nag-iisa.
Hanggang isang gabi, habang naka-relax sa maliit na sala, nakahiga si Jae Ann at nanonood ng Doraemon, tumunog ang kanyang cellphone.
1 message received
"23 F here looking for a textmate 😊"
Natawa siya. "Spam?" bulong niya sa sarili. Pero sa hindi malamang dahilan, nireplyan niya:
"Ok, but can I choose one 25–27 yrs old?"
Ilang minuto lang, nag-reply ito:
"Huh? I can't do something 'bout my age though?!"
Napangiti si Ramil, pero may halo na itong pag-iingat.
"Sorry. Di kita pinipili, gusto ko lang makilala kung sino ka talaga. Ayoko na ng peke."
May reply uli:
"Then get to know me, not my age."
Tumingin si Ramil sa anak niyang himbing na, saka napatingin sa cellphone.
"Interesting..." bulong niya.14Please respect copyright.PENANALZcjV69aPE
Muli siyang sumagot:
"Then tell me something real."
14Please respect copyright.PENANAX6R7hg3CFq