Kabanata 4 : Kasal na Walang Kanta
Maagang umagang iyon, tila may kakaibang bigat sa hangin. Habang naglalampaso si Aling Ana sa maliit nilang sala, si Ramil naman ay nasa kusina, tinitimpla ang kape ng ama at ina, bago pa man pumasok si Mang Emilio sa trabaho. Hindi pa man niya naiaabot ang tasa, may dumagundong na busina sa labas.
Isang puting van. Bumaba si Mang Rodolfo, ang ama ni Tentay—kasama ang dalawang lalaking pamilyar kay Ramil bilang mga tiyuhin ng dalaga. Hindi ito ordinaryong pagbisita.
"Ramil!" singhal ni Rodolfo. "Lumabas ka diyan!"
Lumabas si Ramil, nanginginig pero pilit na matatag. "Ano pong kailangan niyo?"
"Buntis ang anak ko. At sabi niya, ikaw ang ama."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ramil. Wala siyang naitanggi. Lumingon siya sa kanyang mga magulang. Si Mang Emilio, tahimik. Si Aling Ana, natulala.
"Kung lalaki ka, pakasalan mo ang anak ko. Ngayon." Halos ipanlakad na ng matanda ang kasal noon ding araw.
Ang Kasal sa Gitna ng Bangayan
14Please respect copyright.PENANAoKzO8OI9JF
Sa munisipyo, walang palamuti. Walang luhang masaya. Tanging presensya ng dalawang pamilyang hindi magkasundo ang saksi sa seremonyang tila pinagpilitan lang.
Habang pinupunan ng sekretarya ang marriage license, pumutok ang tensyon.
"Wala nga kaming pambili ng singsing, ni handa man lang." mariing pahayag ni Aling Ana.
"Wala kaming pakialam. Ayokong mapahiya ang pamilya ko sa baryo!" singhal ni Rodolfo. "Kung hindi mo kayang panindigan, wag mo sanang ginalaw ang anak ko."
"Hindi lang anak ko ang may kasalanan dito!" sagot ni Aling Ana, pinipigil ang luha.
Tumahimik si Tentay sa gilid. Si Ramil, pinilit ngumiti pero kitang-kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ito ang simula ng pangarap niyang pag-ibig.
Sa huli, pinirmahan nila ang papeles. Tinanggap ang kasal—hindi dahil sa pagmamahalan kundi dahil sa pananagutan.
Pag-uwi: Sa Loob ng Isang Masikip na Bahay
14Please respect copyright.PENANAVKee2lJ0gi
Pagkatapos ng kasal, hindi na sila bumalik sa bahay nina Tentay. Doon na muna sila titira sa barung-barong nina Ramil—sa isang silid na dati ay pinaghahatian niya at ng tatlo niyang nakababatang kapatid. Ngayon, ipinamigay niya ang sariling kutson para lang may matulugan si Tentay.
"Pasensya ka na ha," bulong ni Ramil habang inaayos ang manipis na kulambo. "Hindi ito ang gusto kong simula para sa'yo."
Umiling si Tentay. "Hindi rin naman ako pinangarap ng mga magulang mo."
Nagtagpo ang mga mata nila. Wala roon ang kinang ng bagong kasal. Tanging pang-unawa. Tanging pagod.
"Pero andito na tayo," bulong ni Ramil. "Gagawa tayo ng paraan."
Sa labas ng pader na yero, nag-uumpisa na ring magtanong ang mga kapitbahay. Ngunit sa loob ng silid, tahimik ang mga buntong-hininga. Hindi nila alam kung paano tutugtugin ang susunod na nota—pero kailangan nilang matutunan.
14Please respect copyright.PENANAtUJaMheT6m