Kabanata 21-Kasabay ng Himig
Habang lumalalim ang gabi, mas lalong humahaba ang usapan nina Ramil at Ysay sa tawag. Mula sa simpleng kumustahan, nauuwi ito sa kwentuhang walang humpay—mga hilig, kabataan, at mga pangarap. Sa isang gabing tila mas tahimik kaysa dati, napag-usapan nila ang musika.
"Mahilig ako sa kanta, pero parang yung kanta walang hilig sa'kin," ani Ysay, natatawa ngunit may halong pag-aalangan.
"Pano naman nangyari 'yon?" tanong ni Ramil, sabay tawa.
"Kasi nakakakanta ako, oo, pero hindi ako maganda pakinggan. Tapos nakakasulat ako ng lyrics—yung mga saloobin ko—but I can't make a melody. Wala akong tunog."
"Ah, gets ko na," ani Ramil. "Ako kasi, pareho. Nakakakanta, nakakatugtog."
"Yun nga eh," sabay buntong-hininga ni Ysay. "Unfair. Pano na 'ko?"
Ngumiti si Ramil kahit hindi siya nakikita. "Okay lang yun, sweetie. Kasi kahit hindi ka gifted ng music, ikaw naman ang regalo ni God sa'kin."
Tumawa si Ysay, ngunit hindi nito naitago ang kilig. Sa dami ng tugtugin sa mundo, sa wakas, may isang boses na akma sa kanya.
16Please respect copyright.PENANAezqcP5MlQk