Kabanata 44: Alaala sa Sinapupunan
Nagising si Ysay sa loob ng ICU. Mabagal ang galaw ng kanyang mga mata, tila bagong isinilang sa mundong hindi pamilyar.
“Ma?” bulong ni KC, hawak ang kamay niya.
“KC…?” mahina, paos ang tinig ni Ysay.
Isang saglit ng pananahimik. Isang milagro sa gitna ng dilim. Tumakbo palabas si KC, halos matumba sa pagmamadaling tawagin si Ramil at ang doktor.
Sa loob ng kwarto
Nakatayo si Ramil, halos hindi makapaniwala. Umiiyak habang hinahaplos ang buhok ng asawa.
“Mahal… salamat,” bulong niya.
Ngunit sa likod ng pagkabuhay, may isa pang dahilan ang biglang paggising ni Ysay.
“Doc… bakit parang… may ibang nararamdaman ako? Sa tiyan ko…” tanong ni Ysay habang hawak ang sarili.
Nagkatinginan ang mga doktor. May kaunting katahimikan bago nagsalita ang OB-gyne.
“Mrs. Cruz, isa po ito sa hindi namin agad nasabi habang unconscious pa kayo… buntis po kayo.”
Nanlaki ang mata ni Ramil. Napaupo si KC, nanlamig ang likod ni Jae Ann habang si Angelique ay napayakap sa lolo nilang si Mang Emilio.
“Pero… paano ‘yun, doc? Ganito ang kondisyon niya…?” tanong ni Ramil.
Huminga nang malalim ang OB-gyne. “Maaaring side effect ito ng hormones o gamot, pero ang test results ay malinaw. Mga tatlong buwan na. Ang problema po, mababa ang resistensya ni Mrs. Cruz. May mga internal bleeding din siya minsan. Hindi stable ang kondisyon niya. At base sa neurology report, tumitindi rin ang memory lapses. Kung ipagpapatuloy po ang pagbubuntis… maaaring lumala pa ang lahat.”
Tahimik si Ysay.
“Gusto po namin ipaalam na may medical recommendation kaming ipa-terminate ang pregnancy,” dagdag ng doktor.
Isang malalim na hinga. Isang desisyon na hindi pwedeng ipilit, pero hindi rin kayang bitawan.
“Hindi,” mahina pero matatag ang tinig ni Ysay.
“Mrs. Cruz—”
“Hindi ko ipapapatay ang anak ko.”
Napatingin sa kanya ang lahat.
Yumuko siya, hinaplos ang tiyan. “Kung ito na lang ang maiiwan sa akin bago tuluyang maglaho ang lahat sa isip ko… kahit pangalan ko, kahit ang mga anak ko, kahit si Ramil… kung ito na lang ang kaya kong maalala, ang buhay na pinili kong itaguyod—pumapayag akong sumugal.”
“Pero mahal…” lumapit si Ramil, pinipigilan ang luha. “Paano kung—”
“Kung mawala ako habang dinadala ko siya, at least may naibigay akong bago sa mundong ‘to. Kung mawala man siya… hindi dahil pinili kong hindi siya ipaglaban.”
Tahimik ang buong kwarto. Isang ina, binigyan ng panibagong dahilan para huminga. Isang pamilya, muling sinubok ng tadhana.
Sa Labas ng Kwarto
Nagtagpo ang mga mata ni Henry at KC.
“Kuya… totoo ba… may kapatid kami sa tiyan ni Mama?”
Hindi sumagot si KC. Sa halip, tumango siya. Wala siyang masabi, kundi...
“Hindi kami pwedeng bumitaw. Hindi ngayon.”
Sa Gabing ‘Yon
Sa lumang notebook na kanilang pinangalanang Alaala ni Mama, muling may bagong entry.
Entry #2711Please respect copyright.PENANArcKv5kkSOI
Galing kay KC11Please respect copyright.PENANAsXKqljwpzX
“Mama, sa bawat alaala mong nawala, may bago kaming alaala na ipinipinta para sa’yo. At ngayon… may isa pang alaala sa loob mo. Isa pang dahilan para lumaban. Mama, kung nakakalimutan mo kami… wag mong kalimutan kung gaano kami kasaya na naging nanay ka namin. At magiging nanay ka ulit.”