Kabanata 43: Ang Umagang Hindi Ka Gumising
Isang Lunes. Maaga pa. Dapat ay gigising na si Ysay para sa therapy session niya sa bahay, pero sa halip, siya ang hindi na magising.
“Ysay… mahal… gising na, kailangan nating maghanda…”
Mahinang yugyog.
Walang tugon.
“Ysay?” Mas madiin na ang tinig ni Ramil. Kinabahan. Umuusal ng dasal sa ilalim ng kanyang hininga.
Pangatlong yugyog, mas mariin. “Ysay, gising!”
Wala pa ring sagot.
Nabitiwan ni Ramil ang lakas sa tuhod niya. “Ysay, huwag naman ngayon, mahal… huwag muna ngayon…”
“PAPA?!” sigaw ni KC mula sa may pinto. Sumunod agad ang dalawang bata—lahat sila napatigil sa nakita nilang kalmadong mukha ng kanilang ina, pero wala nang tugon.
Sumigaw na si Ramil. “TULONG! Yung sasakyan—DALI!”
Sa Ospital
Sa ER, napapaligiran si Ysay ng doktor, nurse, makina. Wala na ulit siyang malay. May isa nang dextrose, may oxygen na sa ilong, at may mga salitang hindi maintindihan ng mga bata: “possible neurodegenerative collapse,” “critical observation,” “loss of cognitive coordination.”
KC yakap-yakap ang bunsong si Angelique. Umiiyak pareho. Si Jae Ann, pilit nagpapakatatag pero hindi na makatingin sa loob ng ER.
“Ate… si Mama… parang ayaw na niya talaga gumising…” bulong ni Angelique, nanginginig ang boses.
“Hindi, hindi pa ‘to yung katapusan. Hindi pa… hindi pwede,” sagot ni KC, pero boses niya, nagbibitak na rin.
Pagdating ni Henry
Maya-maya, bumukas ang hallway. Si Henry. Nakita niyang magulo ang paligid. Ang mga anak niya—iyak. Ang dating magaan na tahanan nila ni Ysay—punô ngayon ng hilahod na hininga.
“Anak—”
Hindi pa man niya natatapos, hinarap siya ni KC.
“Bakit ka nandito?”
“KC, gusto ko lang—”
“Wala kang ginawang tulong sa lahat ng ‘to! Lagi kang bigla na lang sumusulpot kapag gulo na! Alam mo bang dumudugo ang Mama namin?! Alam mo bang hindi na niya kami kilala?! At ngayon… ngayon ayaw na niyang gumising! Tapos darating ka na parang bigla mo na lang kaming maiintindihan?!”
“Tama na, kuya…” bulong ni Angelique. Pero kahit siya, takot ang nasa mga mata habang nakatingin sa ama.
Hindi umimik si Henry. Hindi rin siya umalis. Nakayuko lang, tila kinakain ng sarili niyang pagsisisi. Pero hindi iyon sapat. Hindi iyon pwedeng ipangtakip sa dami ng gabing wala siya sa tabi nila.
Sa Labas ng ER
Lumabas ang isang nurse.
“Pamilya ni Mrs. Ysabel Cruz?”
Sabay-sabay silang tumayo.
“Stable na po ang vitals, pero wala pa rin siyang malay. We’re moving her to ICU para sa close monitoring. Kailangan po nating makumpleto ang test results sa utak, at sa digestive tract. Masyado pong komplikado ang kaso, kaya pinapa-obserbahan po muna siya ng aming neuro-specialist at hematologist.”
Walang nakapagsalita. Ang bawat impormasyon, parang kutsilyong inip na dumudulas sa balat ng pamilya.
Gabi sa Labas ng ICU
Sa upuang bakal ng ICU lobby, nagsisiksikan ang magkakapatid. Sa gitna, hawak nila ang journal.
Tahimik. Umiiyak, pero hindi umiimik. Hanggang sa nagsalita si Jae Ann.
“Dagdagan natin ang entry. Para kung sakaling magising siya… alam niyang hindi tayo nawala.”
Tahimik na tumango si KC. Si Angelique, kahit mangiyak-ngiyak, kinuha ang ballpen.
Sa pahinang malapit sa dulo ng journal, isinulat niya:
Entry #2613Please respect copyright.PENANAS5irynbhnV
Galing kay Angelique13Please respect copyright.PENANACerLgFssei
“Mama, kahit hindi mo kami maalala, hindi mo kailanman makakalimutang mahal ka namin. Dahil kahit tulog ka, kahit hindi mo kami masagot… nandito kami. Walang araw na hindi kami magdadasal. Kasi alam namin—babangon ka pa, Ma. Para sa amin. Para sa sarili mo. Para sa mga pangarap mong naiwan.”