Kabanata 43: Araw-Araw Para Kay Mama
Simula nang mawalan ng alaala si Ysay, unti-unti na ring nagbago ang sistema ng buong tahanan.
Dati, gigising si Mama ng alas-singko para magluto ng almusal. Ngayon, kailangan siyang gisingin ni Aling Ana sa alas-otso, sabay alalay ni Ramil para makatayo.
Hindi na siya basta nakakagalaw mag-isa. Wala na rin siyang kontrol sa pag-ihi. Ngayon, kahit nasa bahay, naka-catheter na siya. Isang bagay na hirap tanggapin ni Ramil pero kailangang gawin—dahil minsan, sa sobrang pagkalimot, iniiwan ni Ysay ang sarili niyang katawan.
Ngunit sa gitna ng paglaho ng kanyang pagkatao, isang bagay ang pilit binubuo ng kanyang mga anak.
“Araw-Araw Para Kay Mama”11Please respect copyright.PENANANcW73BgRQf
11Please respect copyright.PENANA1NHA7UhLMD
Isang journal ng alaala. Isang paalala ng pagmamahal.
Spiral-bound notebook lang ito, kulay dilaw. Gawa sa recycled paper na binili ni Jae Ann mula sa school fair. Simple lang, pero puno ng buhay.
Sa unang pahina, sinulat ni Angelique ang pamagat gamit ang calligraphy pen na regalo sa kanya ni Mama noong birthday niya.
“Araw-Araw Para Kay Mama — para maalala mo kami, kahit sandali lang, kahit minsan lang.”
Entry #111Please respect copyright.PENANA9V1ys9QQrv
Galing kay KC11Please respect copyright.PENANA7q8iluG8Q3
“Mama, ako po si KC. Ako po yung palaging nakayakap sayo kahit pawis ka. Ako po yung pinapagalitan mo ‘pag tinatago ko yung homework ko. Pero Mama, promise, ngayon araw-araw ko na siyang ginagawa. Para proud ka sakin.”
Entry #211Please respect copyright.PENANA9A899FsDJH
Galing kay Angelique11Please respect copyright.PENANA9QVr51zr6H
“Mama, naalala mo po ba yung araw na tinuruan mo akong mag-braid ng buhok? Naalala ko pa yun kasi sabi mo, ‘Anak, pag marunong kang mag-ayos ng sarili mo, hindi ka mawawala kahit anong mangyari.’ Hindi mo po ako nawala, Ma. Ako ang mag-aayos ng buhok mo ngayon.”
Entry #511Please respect copyright.PENANArc6aym6GQL
Galing kay Jae Ann11Please respect copyright.PENANAv6ZKSUOqhf
“Ma, nakita po kita kanina sa sala. Nakaupo ka habang nakatitig lang sa kisame. Tinawag ka ni Papa, pero hindi ka tumingin. Paglapit ko, tinanong mo kung nasaan ka. Sabi ko, ‘Mama, nasa bahay ka.’ Sabi mo, ‘Bahay?’ Tapos ngumiti ka. Sabi mo, ‘Ang ganda naman dito.’ Ma, sana ganyan palagi ang mundo mo — maganda. Kahit hindi mo kami maalala, basta masaya ka, okay na kami.”
Sa bawat pahina ng journal, may mga polaroid pictures silang idinidikit. Litrato habang natutulog si Mama, habang hinahalikan sa noo ni Papa, habang nililinis ang sugat niya ni KC, habang pinapalitan ni Jae Ann ang catheter bag, habang binabasa ni Angelique ang entries ng journal sa tabi ng kama.
Walang pader sa bahay na walang reminder: "Mama, mahal ka namin."
Isang araw, habang binabasa ni Angelique ang isa sa mga entries malapit sa tenga ni Ysay, bigla itong napahawak sa papel.
“Teka… ‘Angelique’ ba pangalan mo?” bulong ni Ysay, halos hindi marinig.
Tumigil si Angelique. Parang may humawak sa puso niya.
“Opo, Mama. Ako po ‘yon.”
Napaluha si Angelique habang marahang humalik sa kamay ng Mama niya. Sa unang pagkakataon sa maraming araw, tumingin si Ysay nang diretso sa kanya.
“Kayo yung mga anak ko… no?”
Hindi niya sinabi nang buo, hindi rin sigurado. Pero sapat na ang tanong para pag-apuyan ng pag-asa ang puso ng tatlong magkakapatid.
Sa gabing iyon, dinagdagan ni Jae Ann ang journal.
Entry #1911Please respect copyright.PENANAEavdWLO8fA
Galing kay Jae Ann11Please respect copyright.PENANAKxczGOEx6K
“Mama, sinabi mo ang pangalan ni Angelique kanina. Alam kong saglit lang yun, pero nakita namin… may natitira pa. At habang may natitira pa, hindi kami bibitiw. Promise, Ma. Kami ang memory mo. Kami ang hawak mong kamay. Kami ang hininga mong hindi susuko.”