Kabanata 36: Sa Pusod ng Isla at Nakaraan
Maaga pa lang ay gising na ang buong pamilya. Si Ysay abala sa pag-aayos ng baon—adobong manok, hotdog, rice rolls, juice packs at syempre, ang paborito ng mga bata: chichirya at gummy worms. Si Ramil naman ay nag-check ng gulong, tubig, at gasolina ng sasakyan. Ang tatlong chikiting—KC, Angelique at Jae Ann—halos hindi mapakali sa tuwa. Naka-summer hat pa si Angelique, habang si KC ay may sariling snorkeling gear, kahit hindi pa marunong lumangoy.
“Ready na ba kayo?” tanong ni Ramil habang sinasara ang compartment.
“Sobra, Papa! First time ko sa beach with islands pa!” sigaw ni KC.
Sa likod ng sasakyan, nakaabang si Jae Ann na tila excited din. Kahit teenager na, hindi nito maitago ang ngiti. Sa tabi niya, si Ysay, tahimik lang pero may kakaibang saya sa mga mata.
Pagdating nila sa Hundred Islands, agad silang sumakay sa bangka. Para silang mga batang muling isinilang—tumatalon sa tubig, nagtatawanan habang sinusubukang habulin ang isda, at nagpipicturan sa bawat bato’t halaman.
Pagdating sa isa sa mga islang pwedeng mag-picnic, naglatag sila ng banig. Habang naglalagay si Ysay ng ulam, lumapit si Ramil at binulungan siya.11Please respect copyright.PENANAEMZ9Wi0Zuh
“Gusto ko ‘to. ‘Yung ganito… buo tayo.”
Ngunit bago pa man siya makasagot, tumunog ang cellphone ni Ysay.
[Henry calling…]
Napatingin si Ysay kay Ramil bago sinagot ang tawag.
“Hello?”11Please respect copyright.PENANAEiqTc9HkhE
“Ysay… gusto ko sanang makita ang mga bata. Hindi para manggulo. Gusto ko lang bumawi,” mahinang boses ni Henry sa kabilang linya. “Nalaman kong nandiyan kayo sa Pangasinan. Pwede ba akong sumunod?”
Hindi agad nakasagot si Ysay. Tahimik si Ramil pero halatang narinig ang sinabi.
Sa huli, pinayagan ni Ysay si Henry na sumunod—pero malinaw ang usapan: hindi bilang pamilya, kundi bilang dating ama na gustong humingi ng tawad.
Kinabukasan, habang nagpapahinga sila sa isang cottage malapit sa Lucap Wharf, dumating si Henry—medyo kabado, may dalang prutas at laruan. Si Angelique, kahit hindi niya gaanong naaalala ito, ay napatingin lang. Si KC naman ay napakapit kay Ramil.
“Ako si Henry… ako yung… dati niyong ama,” bungad ni Henry, pilit ang ngiti.
Tahimik ang mga bata.
“Pwede ba akong makipaglaro sa inyo kahit sandali lang?”
Nilingon siya ni Ysay. “Kung okay lang sa kanila.”
Tumango si KC at Angelique, pero halata ang pagkailang.
Sa dulo ng hapon, habang palubog ang araw, nagkayayaan nang umuwi. Habang sinusundo ni Ramil ang bangka, lumapit si Henry kay Ysay.
“Salamat kahit papano. Alam kong huli na, pero gusto ko lang malaman mo… hindi na ako yung dating ako. Kung pwede lang bumawi.”
Saglit lang ang sagot ni Ysay. “May sarili na akong pamilya, Henry. Pero hindi ko pipigilan ang mga bata kung gugustuhin nilang makilala ka. Huwag mo lang pilitin. At huwag mong guluhin ang kapayapaan namin.”
Tumango si Henry at saka lumayo.
Sa loob ng sasakyan pabalik ng bahay, natulog ang mga bata habang nakaunan sa balikat ng isa’t isa. Hawak ni Ysay ang kamay ni Ramil. Wala nang kailangan sabihin. Minsan ang paglalakbay ay hindi lang tungkol sa mga lugar na pinupuntahan—kundi sa mga desisyong hindi na kailanman babalikan.
ns216.73.216.169da2