Chapter 39: Mga Lihim sa Likod ng Tahimik na Laban
Tahimik lang si Ysay habang inihahanda ang mga requirements para sa legal consultation. Hindi niya ito agad sinabi kay Ramil. Ayaw niyang magpabigla-bigla ng galaw, pero alam niyang kailangan nilang lumaban—hindi para sa kanila, kundi para kay Jae Ann na unti-unting naguguluhan sa dalawang mundong binubuo ng kasalukuyan at nakaraan.
“Sweetie,” tanong ni Ramil habang pinupunasan ang mga kamay mula sa welding work niya, “parang ang lalim ng iniisip mo lately. May problema ba?”
Huminga ng malalim si Ysay bago ngumiti ng pilit. “Wala naman… iniisip ko lang kung paano natin mapoprotektahan si Jae Ann sa magiging epekto ng sitwasyon.”
Hindi pa man lubos na nauunawaan ni Ramil ang ibig niyang sabihin, tumunog na ang cellphone nito. Tumatawag si Atty. Javier—isang family lawyer na nirekomenda ng kaibigan ni Ysay sa call center. Lumapit si Ysay, inabot ang phone kay Ramil, at saka bumulong, “Tara, simulan na natin.”
Sa loob ng law office, tahimik silang nakaupo. Inisa-isa ni Atty. Javier ang mga options nila.
“Base sa sitwasyon, kahit na si Tentay ang biological mother, puwede kayong mag-file ng Petition for Legal Guardianship, lalo na’t consistent ang pagpapabaya niya noon at wala siyang sapat na emotional bond ngayon kay Jae Ann. Lalo na’t si Ysay na ang kinikilalang ina ng bata.”
Napatingin si Ramil kay Ysay—parang may kirot sa dibdib, pero may tibay sa mga mata. “Kailangan ba talaga ’to, sweetie?”
Tumango si Ysay, hawak ang kamay ni Ramil. “Para sa ikalalakas ni Jae Ann. Para sa peace of mind nating lahat.”
Samantala, sa kabila ng lungsod, hindi matahimik si Tentay. Habang kinakarga ang anak nila ni Joey, pansamantalang lumalambot ang puso niya. Pero tuwing naiisip si Jae Ann, bumabalik ang puwang sa dibdib niya—ang puwang na iniwan ni Ramil, at ngayon ay unti-unting pinupunan ni Ysay.
“Bakit parang nawawala na siya sa’kin?” tanong niya kay Joey habang nagbubuntong-hininga.
“Eh kasi nga, sinayang mo dati, ngayon gusto mo ulit. Anong akala mo sa anak mo, laruan?” sagot ni Joey na halatang iritado.
Tahimik na lamang si Tentay. Pero may bumubulong sa kanya: hindi pa tapos ang laban.
At sa bahay, habang nagtuturo ng assignment si Ysay kay Jae Ann, naramdaman niyang yumakap ito sa likod niya.
“Mama,” bulong ng bata, “hindi mo naman po ako iiwan, ‘no?”
Napapikit si Ysay, sabay yakap pabalik.
“Hindi, anak. Hindi kita iiwan. Hinding-hindi.”
At sa gabing iyon, isinulat ni Ysay sa diary niya ang unang linya ng bagong kanta:
ns216.73.216.201da2“Di ko dugo, pero ikaw ang pintig ng puso ko…”