Kabanata 31: Tatlong Tiyanak, Isang Bubong, at Dalawang Pusong Payapa
Mula sa dating silid na puno ng tunog ng gitara at mga ideyang isinulat ni Ramil sa kanyang notebook, naging mas maingay na ang tahanan nila ngayon. Isang masayang gulo. Isang buhay na puno ng mga batang tawa, hagikhik, at maliliit na paa na palaging nag-uunahan sa sala.
Unti-unti, sinimulan nina Ysay at Ramil ang pagsasama sa iisang bubong. Walang engrandeng selebrasyon, walang malaking anunsyo. Basta isang araw, naroon na ang mga bag ni Ysay at ng mga bata. Inilipat ni Ramil ang ilan sa kanyang mga gamit sa mas maliit na kwarto para magbigay espasyo sa mga laruan, diaper, at mga unan ni KC at Angelique.
"Ang gulo na ng bahay ko," biro ni Ramil habang tinatapakan ang lego ni KC sa hagdan.
"Bahala ka, basta hindi ko ugaling maglinis ng paa niyo pag natinik kayo," natatawang sagot ni Ysay habang pinupulot ang kalat.
Ngunit sa gitna ng kaguluhan, may katahimikan sa pagitan nila. Isang tahimik na pagkakaunawaan. Sa tuwing mapapatingin sila sa isa't isa habang binabalot si Angelique ng kumot, o habang pinapakain si KC ng lugaw, may ngiti silang pareho — pagod man, pero buo ang loob.
Si Jae Ann, sa kabila ng pagiging sanay sa solo moments ng ama, ay unti-unting nasasanay sa ingay ng dalawang bata. At si Ysay, dahan-dahang pumasok sa papel na hindi niya inambisyong gampanan noon — ang maging ina ng hindi niya anak.
"Mama Ysay, pwedeng ako naman po katabi mo matulog?" tanong minsan ni Jae Ann habang sinusuklay siya ng babae.
Napatingin si Ramil sa kanila mula sa kusina, at sa kanyang mata, may kislap ng panatag na kasiyahan.
"Pwede anak," sagot ni Ysay. "Pero ikaw ang bahala kay KC pag umiyak ha."
"Hala sige! Ako ang ate e!" sagot ni Jae Ann sabay abot sa bote ni KC.
Minsan, masaya sila sa hapunan. Minsan, may iyak at talsik ng lugaw sa sahig. Pero kahit anong gulo, kahit anong kalat — alam nilang ito na 'yon. Ang simula ng pamilya nilang walang blueprint pero puno ng pagmamahal.
Walang perpekto sa bawat araw. Pero sa gabi, habang lahat ay tulog, sabay na nagsasandalan sina Ysay at Ramil sa sofa.
"Salamat, sweetie," mahina niyang sabi.
"Salamat din. Sa lahat."
ns216.73.216.201da2