Kabanata 28: Ang Tunay na Sugat
Hindi na mabilang ni Tentay kung ilang beses na silang nag-aaway ni Joey nitong mga huling linggo. Mula sa mga simpleng pagtatalo, ngayon ay lumalaki na ito sa galit, sigawan, at pananakot. Ngunit ngayong gabi, ibang init ng galit ang dala ni Joey pag-uwi nito.
"Kanina ka pa ba nagtetext?!" sigaw agad ni Joey pagbungad sa pinto. Pawisan, may amoy ng alak, at pulang-pula ang mga mata.
Napalingon si Tentay mula sa kusina, hawak ang kutsara habang niluluto ang hapunan. "Ha? Hindi, nag-update lang ako kay Mama kanina, tinanong lang kung kailan kami uuwi—"
"Si Mama ba talaga ‘yan o si Ramil?! Ha?! Ano, may komunikasyon pa kayo?!"
Nabitawan ni Tentay ang kutsara sa gulat. "Joey, anong pinagsasabi mo—"
Hindi na siya natapos. Bigla na lang lumapit si Joey at inagaw ang cellphone mula sa lamesa. Binuksan niya ito nang walang paalam, tinap ang messenger, at habang hindi niya makitaan ng kahit anong mensahe mula sa ibang lalaki, lalo itong nagalit.
"Wala?! Nilinis mo na pala!" sabay hagis ng cellphone sa sahig. Tumama ito sa paa ni Tentay, dahilan para mapaurong siya sa sakit.
"Joey, tama na! Wala akong ibang lalaki! Huwag mo akong saktan!" nanginginig na sigaw ni Tentay habang pilit niyang inaabot ang phone mula sa sahig.
Pero hinablot siya ni Joey sa braso. Mariing pagkakahawak, parang gustong gapiin ang balat niya sa tindi ng galit.
"Napakasinungaling mo! Babae ka, kaya mong umarte! Anong tingin mo sakin, tanga?!"
"Masama lang bang gusto kong maging tahimik, Joey?! Masama bang gusto ko lang ng katahimikan, ng konting respeto?!" umiiyak na si Tentay, pilit na kumakawala sa kamay ng lalaki.
“Respeto?! Eh puro gastos ka lang dito, puro anak mo iniintindi ko! Hindi kita asawa! At huwag kang umasta na parang ikaw ang santo rito!” At sa isang iglap, bumigwas ang palad ni Joey—isang mariing sampal ang lumapat sa pisngi ni Tentay.
Natahimik ang buong bahay. Ang mga bata sa kabilang kwarto, tila natutulog pa. Pero si Tentay—nanginginig, humawak sa kanyang mukha. Walang luha sa unang segundo, kundi puro pagkabigla. Puro tanong. Puro ‘bakit?’
Humagulgol siya habang mabilis na nag-ipon ng lakas para makapagtago sa banyo. Doon siya napaupo sa malamig na sahig. Nanginginig ang buong katawan, iniiyak ang sakit hindi lang ng sampal kundi ng lahat-lahat—ng paulit-ulit na sigawan, ng mga panunumbat, ng mga salitang walang habas.
Doon na pumasok si Ramil sa isipan niya—ang lalaking minahal siya noon. Yung tahimik, marunong makinig. Yung hindi kailanman nagtulak sa kanya para magpaliwanag sa bawat kilos. Yung kahit kailan, hindi siya itinulak o sinaktan.
“Ni minsan... hindi ako napagbuhatan ng kamay ni Ramil…” mahinang bulong ni Tentay habang yakap ang sarili. “Ni minsan... hindi niya ako pinagbuhatan ng boses. Ni minsan, hindi niya ako tinawag na pabigat.”
Bigla siyang nahulog sa sarili niyang mga tanong.
“Sino ba ang pinili ko?”18Please respect copyright.PENANA5F9eT4vvOW
“Ano bang halaga ng pagmamahal kung wala nang respeto?”18Please respect copyright.PENANAKNghibwlWK
“Ito ba ang kalalabasan ng mga pagpili kong mali?”
Sa katahimikan ng gabi, habang may marka pa ng pulang kamay sa pisngi niya, nanumbalik ang isang katotohanan na pilit niyang tinatakpan:18Please respect copyright.PENANAtMUsMKUzhi
"Hindi pala ako iniwan ni Ramil. Ako ang bumitaw."