11Please respect copyright.PENANAYGOboPIGTX
Pumasok siya sa buhay ko sa pinaka-simple, pinaka-walang kaway na paraan—bilang bagong coworker.
“Hi, I’m IO,” sabi niya, naka-extend ang kamay habang may bitbit na folder at kape. “First day ko today.”
Wala akong gana noon. Hindi ako mahilig makipag-close sa office. Pero out of courtesy, nakipag-shake hands ako. “Rax.”
Ngumiti siya. “Nice to meet you.”
Sa mga sumunod na linggo, hindi siya yung tipong trying-hard. Tahimik lang. Pero marunong makiramdam. Hindi siya ‘yung klaseng lalaki na kailangan mong aliwin o i-guide. Self-aware siya. May respeto sa space ng iba.
Hindi siya gwapo sa stereotypical way. Pero may something sa kanya—yung presence niya, yung boses niya, yung paraan ng pagtingin niya sa’yo na parang ‘di ka kailangang i-perform. Parang sapat ka na.
“Ang dami mong ginagawa, ah,” sabi niya minsang sabay kaming nagkakape sa pantry. “You okay?”
Napatingin ako sa kanya. Sa dami ng nakakasalamuha ko sa araw-araw, siya lang ‘yung nagtanong nonchalantly pero sincere.
“Okay lang,” sagot ko. “Sanay na.”
“Doesn’t mean it’s good.”
Tahimik. Pero tumama.
From there, nagkakausap na kami madalas. Hindi forced. Walang flirtation. Parang simpleng presence lang niya, sapat para mahimasmasan ako. Hindi niya ako tinitingnan bilang project. Hindi niya ako binibigyan ng label. Wala siyang expectations.
Isang gabi, naiwan kaming dalawa sa office. Marami pa akong ginagawa, siya naman, tahimik lang sa kabilang table.
“Rax,” tawag niya.
“Hm?”
“Pwede ka bang sabayan pauwi?”
Nagulat ako. “Saan ka ba nakatira?”
“Di kalayuan. Pero kahit saan ka, ihahatid na kita. Gabi na rin.”
Usually, tatanggihan ko ‘yon. Pero may kung anong comfort sa boses niya na nagpababa ng walls ko. Sumabay ako.
Sa biyahe, hindi kami nag-usap tungkol sa exes o trauma. Pinag-usapan lang namin kung gaano kainit ang araw, kung gaano nakakainis ang traffic, at kung bakit ang sarap ng kwek-kwek kapag may sukang maanghang.
Simple lang. Pero ibang klase yung effect.
Pagbaba ko ng sasakyan, tumingin siya sa akin. “Ingat ka, Rax.”
That’s it. Wala nang halong drama. Pero sa buong biyahe, ramdam ko—hindi ako nilalandi. Hindi ako niloloko. Hindi ako binabalewala.
At sa tagal ko nang naglalakad sa sirang daan ng pag-ibig, parang si IO ang unang daang hindi ako pinagod.
Sa wakas, nakaramdam ulit ako ng bago—hindi kilig. Hindi excitement. Hindi fantasy.
Comfort.
At sa panahong ‘yon, sapat na ‘yon para makalutang ako muli.
11Please respect copyright.PENANALfpFVSgGpv