10Please respect copyright.PENANAaf4QFyAJjr
“Hindi ko siya minahal kasi babae siya. Minahal ko siya kasi siya ang nagpapaalala sa’kin kung sino ako.”
Hindi siya dumating na parang bagyo.
Wala siyang pasabog. Wala siyang grand entrance. Pero kung paanong dumarating ang araw pagkatapos ng isang bagyong halos ikawasak mo na, ganun siya dumating sa buhay ko.
Tahimik. Banayad. Totoo.
Hindi ako sigurado kung kailan nagsimulang lumambot ang tingin ko sa kanya. Kung kailan naging mas natural ang paghawak ko sa kamay niya kaysa sa pag-iwas. Kung kailan naging mas ligtas ang katahimikan naming dalawa kaysa sa kahit anong sigawan sa mga dati kong relasyon.
Basta ang alam ko, hindi siya babae sa paningin ko.10Please respect copyright.PENANANQFUui79E2
Siya ang tahanan ko.
Hindi ako nahulog sa kanya dahil may abs siya o perfect yung winged eyeliner niya.10Please respect copyright.PENANA1bjTNxX3FQ
Hindi ko siya minahal dahil "iba" siya.10Please respect copyright.PENANAoVZ3Vwrwws
Minahal ko siya kasi sa bawat galaw niya, pinapaalala niya kung sino ako.
Ako na hindi kailangang magpanggap.10Please respect copyright.PENANAdby59ddj1Q
Ako na hindi kailangang itama o ikahon.10Please respect copyright.PENANAIi7ZHiIcNr
Ako na puwedeng maging buo kahit wasak.10Please respect copyright.PENANAIpqKS7WJDM
Ako na puwedeng umiyak nang walang kahihiyan.10Please respect copyright.PENANA28QqM6VlTl
Ako na mahal niya, hindi sa kabila ng lahat—kundi kasama ang lahat.
Sabi nila, makikita mo ang para sa’yo sa oras na tanggap mo na ang sarili mo.10Please respect copyright.PENANAkzMLYg9wU1
Pero minsan, kailangan mo munang makilala ang taong handang tumanggap sa’yo habang hindi mo pa kilala ang sarili mo.
At si IO, siya ‘yun.
Siya ‘yung hindi natakot sa kwento ko.10Please respect copyright.PENANAnhx0RDoGym
Hindi siya umatras sa bigat ng mga pinagdaanan ko.10Please respect copyright.PENANAyLgBWvOsGX
Hindi siya nagdalawang-isip kahit alam niyang maraming mata ang titingin sa’min na parang kasalanan ang pagmamahalan namin.
Sabay kami naglakad sa mundong laging may tanong.10Please respect copyright.PENANAAA958cuqR8
Sabay naming tinanggap ang mga titig, ang mga bulong, ang mga “bakit babae?”10Please respect copyright.PENANATzYY4h2aK9
At ang sagot ko?
Hindi ko siya minahal kasi babae siya. Minahal ko siya kasi siya ang nagpapaalala sa’kin kung sino ako.
Masarap magmahal. Pero mas masarap magmahal ng tama.10Please respect copyright.PENANAXrfSKRJifp
Ng walang takot.10Please respect copyright.PENANARbXCLdK297
Ng walang guilt.10Please respect copyright.PENANAQ3nGinP1q6
Ng walang kahon.
IO,10Please respect copyright.PENANAthuYaM4KcK
Ikaw ang pahinga ko.10Please respect copyright.PENANAhed63hkkGt
Ikaw ang huminga para sa’kin nung hindi ko na kaya.10Please respect copyright.PENANAP9o6goDbMN
At ngayon, kaya ko nang huminga…10Please respect copyright.PENANAqiOUmkpLxn
Dahil nandito ka.
Mula noon hanggang ngayon, sa mundong paulit-ulit tayong pinagdududahan,10Please respect copyright.PENANAbNvwMO5Urw
sa’yo lang ako naniwalang puwedeng mangyari ang totoong “forever.”
Kaya kung ito ang dulo ng istoryang dating puro luha,10Please respect copyright.PENANANlVTDbOdO6
Salamat.10Please respect copyright.PENANAX4GMN2vCPj
Kasi ikaw ang naging huling pahina—10Please respect copyright.PENANAWHWDYqjlEb
hindi dahil dito natapos ang lahat...10Please respect copyright.PENANAKYWZHX2H8L
Kundi dahil dito nagsimula ang tahanan.
– Rax
ns216.73.216.247da2