8Please respect copyright.PENANAC2U6FekxFq
Akala ko si Christian na.
After all the chaos and damage na iniwan ni Sam, dumating si Christian na parang tahimik na ilog—calm, stable, steady. Mature siya, laging nakikinig, hindi mainitin ang ulo. Hindi siya demanding. Hindi siya clingy. Parang siya na ‘yung sagot sa lahat ng dasal kong mapagmahal, marespeto, at responsable.
Sa una, sobrang saya ko. Sa kanya ko nahanap ang tahimik na gabi pagkatapos ng unos. Marunong siyang magdala ng sarili. Marunong siya magsabi ng totoo—or so I thought.
“Ang ganda mo ngayong gabi,” sabi niya habang nasa loob kami ng kotse niya, papunta sa isang intimate dinner date sa Tagaytay. “Bagay na bagay sa’yo ang tahimik.”
Napangiti ako. “Tahimik? Ako?”
“Yeah. Hindi mo kailangang magsalita para maramdaman ka. Ang gaan ng presence mo, Rax. You ground me.”
Kinilig ako noon. For the first time in years, someone made me feel like I was home. And I thought I was finally in the right place, in the right arms.
Sa bawat linggo na lumilipas, mas napapalapit ako sa kanya. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki. Laging may pa-surprise lunch sa work. May mga sticky notes sa dashboard ng kotse ko na may “Good luck, baby” o kaya naman “Kaya mo ‘yan.”
Pero may mga gabi na bigla na lang siyang hindi magpaparamdam.
“Work emergency, baby,” sabi niya minsan. “Nagka-crisis sa logistics. I’ll call you when I get the chance.”
“Okay,” sagot ko. Syempre, nagtitiwala ako. Ayoko naman maging demanding.
Hanggang sa isang gabi, may nag-send sa akin ng link sa Facebook. Isang public post.
“Huwag kang bastos, babae! Ako ang asawa ni Christian Lopez, at kayo ay LUMALAMPAS na sa dapat! Hindi mo ba alam kung nasaan ang lugar mo? Hindi ka niya asawa. Hindi ka niya pamilya. Kabit ka lang!”
Napuno ang feed ko ng comments. May mga screenshots ng mga pictures naming dalawa ni Christian. Lahat galing sa public post ko. Meron pang isa na pareho kaming nasa beach—akala ko intimate getaway namin ‘yon, yun pala, kalokohan.
Bigla akong kinabahan.
“Ano ‘to?” tanong ko kay Christian nung kinumpronta ko siya. Tinawagan ko siya agad kahit dis-oras na ng gabi. Nanginginig pa yung kamay ko habang hawak ang phone.
“Rax… I can explain.”
“May asawa ka?”
“Technically, separated kami. Hindi legal, pero—”
“Christian!” singhal ko. “May tatlo kayong anak? Bakit hindi mo sinabi agad?”
Tahimik siya sa kabilang linya. Ramdam ko ang bigat ng hininga niya. “I didn’t want to lose you.”
“T*ngina,” bulong ko. “Ako ang kabit? Ako ang babae sa labas?”
“Hindi ko sinadya. Naging totoo ako sa’yo. Minahal kita, Rax. Totoo ‘yon.”
“Pero nagsinungaling ka.”
“Hindi kita ginamit.”
“Ginamit mo ako para makatakas sa gulo ng pamilya mo. Ginamit mo ako para maramdaman mong may kontrol ka pa sa buhay mo. Pero Christian, ako ang nawasak dito. Ako ‘yung ginawang tanga. Ako ‘yung pinagpyestahan.”
Umiyak ako. Hindi lang dahil sa sakit. Kundi dahil sa hiya. Dahil ang buong akala ko, ako ‘yung pinili. Ako ‘yung mahal. Ako ‘yung babae sa buhay niya.
Pero hindi pala.
Lahat ng sinabi niya, lahat ng ipinakita niya, lahat ng pinaniwalaan ko—lahat ‘yon, ilusyon lang.
At ako?
Ako ang kabit. Ako ‘yung mali. Ako ‘yung ginamit.
8Please respect copyright.PENANAyQvnn43n2i