10Please respect copyright.PENANATy0LNIpmTP
Wala akong naaalala sa pagkabata ko na hindi ako naka-damit na kulay pink.
Hindi dahil sa paborito ko siya—pero dahil iyon ang gusto ni Mama. Palda, hair clip, lace socks, ballerina shoes. Lagi akong parang flower girl na walang kasal. Sabi nga nila, “Parang manika ‘yang anak mo, Ate!”
Ako si Raquel Bermudez. Pero mula pagkabata, Rax na agad ang tawag sa akin ng mga pinsan ko. Ayaw ko sanang pauso noon, pero sabi ni Papa, bagay daw sa akin kasi unique. Kaya ayun, nadala na rin sa eskwela, sa mga teacher, sa kapitbahay. Rax—the only daughter, the only princess.
Wala akong reklamo. Hindi ako lumaking kulang. May sariling kwarto, sariling TV, sariling cellphone noong high school pa lang. Scholar din ako sa isang exclusive na Catholic school. Masunuring bata, consistent honor student, at laging kabuntot ni Mama sa mga simbahan at social events.
Parang perpektong set-up, ‘di ba?
Pero habang lumalaki ako, unti-unti ko ring nararamdaman na… parang scripted ang lahat. Hindi ako pinapayagan magbasketball. Hindi ako puwedeng magshorts ng above the knee. Ayaw nila ako sumasama sa all-girl barkada kapag walang lalaking kasama. “Para iwas temptation,” sabi ni Mama. Hindi ko alam kung anong klaseng temptation ang tinutukoy niya, pero sa bahay namin, laging may mas alam ang matatanda.
“Anak ka naming babae. Dapat malinis kang tingnan at kilos prinsesa.”
Ilang beses ko bang narinig ang salitang "kilos prinsesa"? Wala naman akong balak maging rebelde, pero hindi ko rin lubos na kilala ang sarili ko. Ang kilala ko lang ay kung paano maging anak nina Mama at Papa. Kung paano maging pride nila sa church at sa reunion. Kung paano mag-behave bilang “future bride” ng isang matinong lalaki.
I started dating at 16, pero "dating" lang sa pahaging—crush, ka-text, library partner, occasional eye contact sa misa. Sabi nga ni Papa, “Walang boyfriend hanggang graduate ka.” Kaya kahit gusto ko na sanang maranasan ang spark, kinimkim ko. Dahil ayokong masaktan si Mama. Ayokong maramdaman ni Papa na hindi ako worth it pagmalaki.
Pero iba pala ang 20.
I was in college, third year, studying Communications. Naka-board na ako noon sa Manila, malayo kina Mama’t Papa. Malaya, pero hindi pa rin palayain ang sarili. Kaya nang may dumating na lalaking nagpakita sa’kin ng konting lambing, tinamaan ako agad.
Stephen Alcantarra. Engineering student. Honor student. Malambing magsalita. Pormal. Marespeto. Perfect sa checklist ni Mama. Minsan, binisita niya pa ako sa dorm nang may dalang fruit basket para sa landlady ko. Kaya ayun, I said yes.
At 20 years old, finally, nagka-boyfriend ako. Hindi na ako late bloomer—ako raw ay “blossoming rose,” sabi ni Stephen. Hala, kinilig ang bulaklak.
Pero hindi rin pala gano’n kadali ang pag-ibig. Ang tagal kong inantay ‘yung moment na ito, pero hindi ko alam na kasama pala sa “firsts” ang first confusion, first insecurity, first “bakit hindi ako sapat?”
Bago tayo dumating doon, balik tayo sa bahay.
Pag umuuwi ako kina Mama, halos laging handa ang handaan. Paborito kong sinigang. Nilutong leche flan ni Papa. Pinagmamalaki ako sa mga kapitbahay na, “Ito na si Rax! May boyfriend na! Huwag niyong pababayaan, anak ha. Mahalin mo ang sarili mo, at siya rin.”
Pilit ko silang pinaniwala na okay kami ni Stephen. Hindi ako nagsisinungaling. Hindi pa naman kami magulo noon. Pero may mga gabi na bago ako matulog, iniisip ko:
“Bakit parang ako lang ang todo effort?”
Kahit sinong babaeng may fairytale mindset, 'pag na-in love sa unang pagkakataon, iisipin na ‘yon na ang “the one.” At dahil gano’n ako lumaki—na laging may happily ever after sa dulo—hindi ko na-realize na minsan, hindi sapat ang effort. O ang love. Minsan, dapat magmatch din kayo ng mundo.
Stephen was kind. Smart. Matalino. Pero habang tumatagal, parang wala kaming napagkakasunduan. I wanted to write, he wanted to code. Gusto ko ng arts, gusto niya ng robotics. Gusto ko ng spontaneous beach trip, gusto niya ng two-month advance itinerary. We laughed at different things. We dreamed different futures.
Wala naman siyang ginawang masama. Pero naramdaman kong habang pinipilit naming mag-click, mas lalo kaming nagkakahiwalay.
And it hurt.
Minsan kasi, hindi lang sa cheating nasisira ang relasyon. Minsan, sa katahimikan din. Sa dami ng hindi pagkakaintindihan na hindi pinaguusapan. Sa magkaibang frequency. Sa unti-unting pagkakalimot kung sino ka bago ka minahal.
Naging mabait si Stephen—hanggang huli. Nang mag-decide kaming maghiwalay, walang sigawan. Walang iyakan. Pero may matinding lungkot.
“Hindi naman kita minahal ng kulang,” sabi niya.10Please respect copyright.PENANAdYboUwSXu0
“Pero baka hindi lang talaga tayo sabay.”
Sabay.
Isa ‘yang salita na babalik-balikan ko sa mga susunod kong relasyon. At sa bawat ex na dumaan, may bitbit akong aral.
Pero kay Stephen, ‘yung natutunan ko ay ito:10Please respect copyright.PENANALZ5OvQu0n0
Ang unang pag-ibig, hindi laging unang “tama.”10Please respect copyright.PENANAU3B9lqKU2c
Minsan, siya lang ang unang nagturo sa’yo kung paano magmahal.10Please respect copyright.PENANAkvsWO1SpZY
At paano masaktan.