9Please respect copyright.PENANAvMPbYKjCGV
“Sure ka?” tanong niya habang hawak-hawak ang papel kung saan nakasketch ang minimalist na design na pareho naming pinili — dalawang maliit na linya na magtatagpo sa dulo, parang dalawang landas na sabay din ang direksyon.
“Ikaw pa? Tinatanong mo pa ‘ko kung sigurado ako sa’yo?” sagot ko, sabay ngiti. Bahagyang nanginginig ang kamay ko, pero hindi dahil sa takot — kundi sa kilig. Kasi sa dami ng nangyari, sa lahat ng sakit at tanong na dinaanan ko, eto na ako. Sa isang tattoo shop sa Singapore, kasama si IO, pinapatunayan sa balat ang pinili ng puso.
She smiled — the kind of smile that made me feel home in a place I’d never been before. Kahit ilang floors pa ang seminar namin sa Marina Bay Sands, kahit ilang successful keynote speeches, eto ang pinaka-importante sa lahat.
Kami.
“Tara na,” sabi niya, at sabay kaming pumasok sa tattoo studio. Malamig sa loob. Puti ang paligid, parang sterile gallery, pero may halong rock music na low volume lang. Sa loob-loob ko, ironic — kasi habang tahimik ang paligid, maingay ang tibok ng puso ko.
Naupo siya muna. “Ikaw mauna,” sabi niya. “Gusto kong hawakan kamay mo habang ginagawa ‘to.”
So I did.
Sa kaliwang pulso, sa loob, ipinalagay ko ‘yung design. Parang dalawang comma na magkadugtong — simple pero may lalim. Habang tinutusok ng karayom ang balat ko, ni hindi ko naramdaman ‘yung sakit nang buo. Kasi si IO, hawak-hawak kamay ko, may hinahaplos na himig ang mga mata niya habang nakatitig sa’kin.
“Alam mo,” bulong niya, “parang simbolo rin ‘to ng mga gabi natin. Maliit pero matapang. Tahimik pero may bakas.”
Natawa ako, sabay kagat sa labi ko. “Gabi natin? Huwag kang mag-imbita ng alaala. Mamaya pa ang kwarto natin.”
Pagkatapos ko, siya naman. Sa kanan niya, same spot. Ako naman ang humawak ng kamay niya.
“Sigurado ka ba?” tanong ko — binalik ko ang tanong niya kanina.
Hindi siya sumagot agad. Imbis, tumingin lang siya sa’kin, tapos ngumiti ng dahan-dahan. “Sa dami ng bagay na hindi ko alam, ikaw lang ang sigurado.”
At ‘yun na ‘yon. Wala nang tanong. Wala nang sagot. Tatak na kami.
Pagdating namin sa hotel room, halos hindi na kami nag-usap. Hindi dahil galit o pagod — kundi dahil punong-puno na ng damdamin ‘yung katahimikan sa pagitan namin. Ang bawat tingin, yakap, at haplos — parang lahat ‘yon sinigaw ng buong araw na “mahal kita.”
She sat on the edge of the bed, took off her blazer, and unpinned her name tag. Ako naman, nakasandal lang sa pader, pinagmamasdan siya habang dahan-dahan siyang naglalabas ng tunay na siya. Walang filter. Walang takot.
Lumapit ako.
Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko ‘yung kamay niyang may bagong tattoo. Mainit pa ang balat. Nilapat ko ‘yung tattoo ko sa tattoo niya — parang puzzle na tumama sa tamang piraso.
“Gusto mo na bang maligo?” tanong niya, halos bulong.
“Kasama ka?”
Tumawa siya. “Hindi mo na kailangang tanungin.”
Sa ilalim ng malakas na patak ng shower, nando’n na naman kami — parehong basa pero hindi nauubos. Parang ulan sa tagtuyot. Parang hangin sa sandaling hingal. Pareho naming hinayaan ang katawan naming magsalita ng hindi kayang ilarawan ng kahit anong seminar, project, o speech.
Hinaplos niya ‘yung likod ko, hinagkan niya ang balikat ko. Mabagal. Malambing. Walang pagmamadali.
“Hindi mo ako kailangan,” bulong niya habang hinihimas ang tagiliran ko.
“Tama ka. Pero gusto kita. Pinipili kita. Araw-araw.”
That night, we didn’t just make love — we made meaning.
Ang bawat haplos niya sa tagiliran ko ay parang pagtanggap. Ang bawat halik ko sa leeg niya ay parang panata. Walang labis. Walang kulang. Walang role playing. Walang script.
Puro kami. At sa wakas, hindi na kami nahihiya sa kung sino kami.
Pagkatapos, magkaakap kami sa kumot. Naka-off ang lahat ng ilaw maliban sa bedside lamp. Tumutunog lang sa background ‘yung city hum ng Singapore. Pero ang pinaka-maingay, ‘yung puso ko. Kasi ramdam ko pa rin ang mga daliri niyang nakalapat sa tagiliran ko, parang sinasabi:
Nandito lang ako. Hindi ako aalis.
“IO,” tawag ko.
“Hmm?”
“Kung hindi man natin ma-please ang buong mundo, okay lang ba?”
Tumingin siya sa’kin, dumampi ang labi niya sa noo ko.
“Okay lang,” sagot niya. “Hindi ko nga ginusto ang buong mundo. Ikaw lang talaga.”
Ngayon, araw ng seminar ulit. Business attire kami. Professional. Straight face. Pero sa ilalim ng damit, sa balat naming magkalapit, may bakas kami ng isang gabi na hindi na mabubura.
Tattoo namin.
Touch namin.
Tayong dalawa.
ns216.73.216.247da2