7Please respect copyright.PENANA1nIDuYGZ1V
“Girl, aminin mo na,” sabay nguso ni Trina habang tinutungga ang iced matcha niya. “You’ve got a crush.”
Natawa si Rax, pero may kasamang buntong-hininga. Nasa paborito nilang café sila, cozy at medyo tahimik, perfect spot para sa heart-to-heart na ito.
“H-hindi ko nga alam,” sagot ni Rax. “Kasi ang weird eh… hindi ko siya type. Hindi sa itsura, hindi sa usual kong standards. Pero ewan… ang gaan. Ang safe.”
Napakibit-balikat si Trina. “Eh 'di dun pa lang may clue ka na. Maybe it’s not about the usual type. Maybe this is… different.”
Tahimik si Rax. Tumingin siya sa labas ng bintana habang nilalaro ang straw ng drink niya. “Pero girl, babae siya.”
“Yes,” sagot ni Trina, diretso ang tingin. “And?”
“Eh... hindi ko naman ‘to pinlano. Hindi ko alam kung infatuation lang ‘to or trauma response or… I don’t know, baka kasi dahil na-burn out na ako sa mga lalaki, kaya ako nahuhulog sa kahit sino na mabait lang.”
“Rax,” tawag ni Trina, this time mas seryoso ang boses. “Hindi lahat ng nararamdaman mo kailangan mong i-discredit. Hindi ibig sabihin na galing ka sa pain, fake na agad ang comfort na nararamdaman mo ngayon.”
Napayuko si Rax.
“Alam mo, buong buhay natin, tinuruan tayong maghanap ng knight in shining armor,” tuloy ni Trina. “Laging may prince. Laging may ideal guy. Pero wala namang nagturo satin na pwede rin pala tayong mahalin ng babae—at hindi yun mali. Hindi yun rebellion. Hindi rin siya consolation prize.”
Napakagat-labi si Rax. “Pero paano kung hindi totoo? Paano kung phase lang?”
“Then you’ll find out. Hindi mo malalaman kung totoo o phase kung hindi mo haharapin. At saka, sino ba nagsabing kailangan mong lagyan agad ng label ang nararamdaman mo?”
Napatitig si Rax kay Trina. Gano’n naman talaga si Trina—grounded, kind, but unafraid to challenge her. Parang salamin na hindi biased.
“Basta ang alam ko,” dagdag pa ni Trina, “kung may taong nagpapakalma sayo, nagpapagaan ng araw mo, at hindi kailangan ng effort para lang maging totoo… that’s something. Whether babae man siya o hindi.”
Napangiti si Rax nang bahagya. “She brings me peace.”
“Exactly,” sagot ni Trina. “Yung mga dati mong naging jowa, ano bang feeling lagi? Laban. Takot. Insecurity. Ngayon, tahimik. Hindi boring. Tahimik, pero buhay ka. May difference.”
Humigop si Rax ng kape niya, pilit iniinternalize ang sinabi ng kaibigan. “Pero natatakot ako, Trins.”
“Natatakot ka kasi lumalabas ka sa box na ginawa ng mundo para sayo,” sagot ni Trina, matter-of-factly. “Pero hindi ibig sabihin nun mali ka na. You’re not broken. You’re blooming.”
Tumulo ang luha ni Rax. Hindi niya napigilan. “Wala namang nagturo sa’kin kung paano magmahal nang hindi ako sumusunod sa rules.”
Trina reached out and squeezed her hand. “Kaya nga andito ako. Hindi para pilitin kang sumagot. Pero para samahan kang magtanong.”
Pag-uwi ni Rax, bitbit pa rin niya ang dami ng napag-usapan nila ni Trina. Parang biglang lumuwag ang dibdib niya. Oo nga naman—bakit nga ba parang kailangan laging may sagot?
Bakit hindi pwedeng makinig muna?
Bakit hindi pwedeng maramdaman muna?
Kinuha niya ang phone niya at nagbukas ng messenger.
IO:
Nasa pantry ako. Gusto mo ng kape? :)
Napangiti siya.
Hindi niya alam kung saan patungo ‘to.
Pero sa pagkakataong ‘to, handa siyang tuklasin. Hindi bilang “perfect girl,” hindi bilang repleksyon ng mundo—kundi bilang siya. Si Rax.
ns216.73.216.247da2