8Please respect copyright.PENANAKh0DIuzL9b
Hindi ko alam kung paano ako nahulog sa isang taong halos kabaligtaran ko.
Ako, mahilig sa artsy coffee shops; siya, contento na sa isang 3-in-1 sa harap ng laptop. Ako, spontaneous. Siya, planner-dependent. Ako, expressive. Siya, tahimik.
Pero siguro nga, doon nagsimula ang lahat. Yung kakaiba. Yung bago. Yung thrill ng hindi mo alam kung paano ka babasahin ng isang taong parang math problem—may solution, pero hindi agad obvious.
Si Stephen Alcantarra ang first boyfriend ko. At sa loob ng isang taon, siya ang mundo ko.
Nasa third year college kami noon. Ako sa MassComm, siya sa Engineering. Nagkakilala kami sa org collaboration—ako ‘yung assigned sa documentation, siya ‘yung tech support ng event. Hindi kami agad nag-click, pero may something sa way niya magtanong nang direkta, na hindi flirt pero may dating.
“May extra SD card ka ba?”8Please respect copyright.PENANAipgFpuFtBy
“Kape ka muna. Mukhang pagod ka na.”8Please respect copyright.PENANAf65gqG9WI2
“Alam mo bang maganda kang tumawa?”
Hindi ko alam kung paano naging araw-araw ang simpleng kamustahan. Kung paano naging routine ang lunch namin sa cafeteria. Kung paano naging official ang “tayo.”
Sabi ni Stephen noong niligawan niya ako,8Please respect copyright.PENANAirLQvht4eK
“Hindi ako showy. Pero siguradong totoo.”
At totoo nga. Naging mabait siyang boyfriend. Hindi siya sweet sa public, pero sa mga simpleng bagay, ramdam ko. Lagi akong pinapaalalahanan sa deadlines. Siya ‘yung tipo ng boyfriend na, “Uwi ka na, late na,” o kaya, “May exam ka bukas, tulog ka na.” Hindi siya bulaklak at tsokolate. Pero siya ang dahilan kung bakit natuto akong uminom ng black coffee, magbasa ng engineering jokes, at matulog nang maaga minsan.
Pero habang tumatagal, napansin ko ring hindi lang kami magkaibang tao—magkaibang mundo kami.
Minsan, Saturday night. Gusto kong manood ng spoken word event. Pinlano ko na ang outfit, may reserved seat na rin ako. Pero nang i-text ko siya…
Rax: “Babe, sama ka sa akin mamaya? Spoken word poetry sa Makati.”8Please respect copyright.PENANADkPyeOA4rN
Stephen: “May quiz ako sa Monday. Hindi kaya.”8Please respect copyright.PENANADI94H7NOSb
Rax: “One night lang. Kahit after lang tayo kumain.”8Please respect copyright.PENANA7g1woXmOWV
Stephen: “Kahit isang gabi, sayang ang oras.”
Tumigil ako sa pag-reply. Hindi dahil galit ako. Pero dahil alam kong… hindi ko siya pipilitin.
May mga sumunod pang eksena. Gusto kong sumali sa org trip sa Baler, sabi niya delikado. Gusto ko ng short hair, sabi niya mas bagay raw ang mahaba. Gusto kong mag-vlog, sabi niya baka makaapekto sa image ko kapag nag-apply ng trabaho.
Hindi naman siya controlling. He wasn’t mean. Pero lahat ng gusto ko, laging may kaakibat na “bakit mo kailangang gawin ‘yan?” O minsan, “kailangan pa ba talaga?”
At habang ako’y nag-uunat ng pakpak, siya ay bumabalik-balik sa drawing board.
He was stable. But I was a storm.8Please respect copyright.PENANAQrYvwjNs95
And neither of us was wrong.8Please respect copyright.PENANAXfP5bzXvfm
But maybe, we just weren’t meant to sail together.
Anniversary namin. Kumain kami sa isang fancy restaurant na ni-research ko pa. May sinulat akong mahabang letter, may pa-drawing pa ako sa likod.
Binasa niya. Tumango. Ngumiti.8Please respect copyright.PENANA8qd72BMJl5
Pero nang siya na ang nagsalita, ang gift niya sa akin ay isang planner.8Please respect copyright.PENANAVZMPFz7LTI
“Para maayos mo ‘yung schedule mo, babe,” sabi niya.
Alam kong galing ‘yon sa puso niya. Pero gusto kong umiyak. Kasi planner ang binigay niya sa akin sa araw na ang gusto ko lang ay maramdaman na sapat ang pagiging ako.
Gusto ko lang marinig na,8Please respect copyright.PENANANzZQDY8OFg
“Ang galing mo. Proud ako sa’yo.”8Please respect copyright.PENANA0NMXe9BInY
Hindi “Ayusin mo pa.”
Buwan ng Pebrero. Valentine’s. Hindi kami nag-away. Pero ramdam naming dalawa ang layo.
“May mali ba?” tanong ko isang gabi.8Please respect copyright.PENANAvQa2bsdypR
“Wala,” sagot niya. “Siguro… hindi lang tayo sabay.”
Hindi ko agad naintindihan ang ibig niyang sabihin. Pero kinabukasan, mas naging malinaw.
Ako, papunta ng event ng org. Siya, papunta sa mock board exam. Pareho kaming pagod. Pero habang ako’y punong-puno ng excitement sa creative world, siya nama’y halos hindi na makangiti sa pressure ng future niya.
We were both running. But in different directions.
“Break na tayo?” tanong ko.8Please respect copyright.PENANAMRnrOWbuud
Tahimik siya. Ilang segundo. Ilang buntong-hininga.8Please respect copyright.PENANAUTdcakZ8C9
“Kung mas magiging masaya ka ro’n… oo.”
Walang drama. Walang sigawan. Wala ring yakapan.8Please respect copyright.PENANAsL2wYpN46G
Tumayo ako. Kumaway.8Please respect copyright.PENANAAPcwArwtc6
Tumalikod habang nakangiti, pero may bumibitaw sa dibdib ko.
At habang naglalakad ako paalis, ramdam kong may piraso sa akin na naiwan sa kanya. Pero mas malaki ang bahagi ko na gustong kunin muli ang sarili ko.
Minsan, ganito pala ang unang pag-ibig.
Hindi toxic. Hindi abusive. Hindi epic heartbreak.8Please respect copyright.PENANAPV5ykcAHXb
Pero masakit pa rin—dahil pinilit niyo pareho.8Please respect copyright.PENANAKKW4uyb11X
Pero sa dulo, hindi talaga swak.
Nakatitig ako sa upuan namin sa paborito naming tahimik na café. Umiikot ang electric fan sa kisame. Hawak ko pa rin ‘yung planner na bigay niya. Sa last page, may sulat siyang:8Please respect copyright.PENANABBjvYkDBEt
“Rax, always make space for your dreams. And yourself.”
Napangiti ako.
“Okay lang,” bulong ko sa sarili.8Please respect copyright.PENANAcAej7ByvF1
“First love doesn’t mean forever.”