10Please respect copyright.PENANA9vuisqfgLr
Pagkatapos ni Benedict, nag-pause ako.
Hindi muna ako nag-date. Hindi muna ako nag-open up. Ang tanging focus ko: career ko, sarili ko, at ang tahimik na healing na hindi nakikita sa mga social media post.
Tapos dumating si Miguel.
Corporate, sharp, confident. Isa siyang marketing director sa isang tech company na partner ng amin. Magka-meeting kami minsan, and he was undeniably charming.
“You're sharp, Rax,” sabi niya one time.10Please respect copyright.PENANAV3MJQ2fOPf
“Smart is sexy.”
Napangiti ako. Sincere siya, and for someone na sanay sa power play sa boardroom, he made me feel like I was being seen—hindi lang as a pretty face, kundi as someone with thoughts, value, voice.
He asked me out after our third meeting.
Sabi ko, “Let’s see.”
Nagkita kami sa isang quiet coffee shop.
He talked a lot about his work, goals, and routines—napaka-organized niya. Pero in between all that, he’d look at me with those intense eyes and ask:
“Ikaw, Rax, anong future ang gusto mo?”
And he listened. Intently. Like every word mattered.
I thought, This man is different.
And yes, he was.
Sa simula, parang ideal boyfriend.
He’d message good morning and good night. He always asked if I ate, kung nakapagpahinga na ako. He’d send food sa office, drive me home, and made sure I was “safe.”
Pero unti-unti, yung alaga—naging control.
“Saan ka pupunta?”10Please respect copyright.PENANAIcfbVPTjf3
“Sino kasama mo?”10Please respect copyright.PENANApWoftkBrZk
“Puwede ba huwag ka nang uminom?”10Please respect copyright.PENANAXhsOOx0B3b
“Magpo-post ka ng ganyan? Hindi ba masyadong revealing ‘yan?”
At first, akala ko sweet lang siya. Concerned. Baka dahil sanay siya sa structured life, kaya ganon. So I compromised.
Nagbago ako ng bihis. Hindi na ako sumasama sa late-night coffee sessions with old friends. Nagpaalam ako before I made plans—even for the simplest things.
Akala ko, ganito talaga ang mature relationship.
Pero habang tumatagal, parang hindi na ako si Rax.10Please respect copyright.PENANA2yiCCTcUJp
Parang naging… version ni Miguel.
“Gusto ko lang naman mapabuti ka,” sabi niya one time.10Please respect copyright.PENANAXAvjLCXV1j
Kasi sabi ko, gusto kong bumalik sa blogging—passion project ko na natigil.
“Hindi ba mas maganda kung focus ka na lang sa corporate ladder? Sayang time mo sa mga ‘ganyan.’”
Tahimik lang ako. Kasi nasanay na akong i-downplay ang sarili ko.
Tuloy-tuloy ang pattern.
Minsan, binago niya ang caption ko sa IG bago ko mai-post.10Please respect copyright.PENANAlto56GWF90
Minsan, tinanggal niya sa friend list ko ang ilang lalaki—“for your peace of mind,” daw.10Please respect copyright.PENANALIIoheT8pj
Minsan, pinagsabihan niya ako sa harap ng co-workers namin—“just feedback,” daw. Pero ramdam ko ang hiya.
Hanggang sa isang gabi, habang nasa kotse kami, nagtanong siya.
“Bakit kailangan pa ng meeting niyo bukas? Hindi ba pwedeng iba na lang?”
“Miguel, trabaho ko ‘yon.”
“E di sabihin mo, may lakad tayo. Or may migraine ka. I can take care of you, diba?”
Tahimik ako.
Pero sa loob ko, may nagtitimpi nang galit. Kasi bakit parang… mas gusto niyang ako ang sumunod kaysa suportahan niya ako?
Dumating ang breaking point.
Birthday ko.
Nagplano ako ng intimate dinner with friends. Hindi party, just a chill celebration. Inaya ko siya.
Pero nang dumating siya, tahimik. Cold. At habang nasa gitna kami ng kuwentuhan, bigla siyang bumulong:
“You look too loud in that dress.”
That night, umuwi akong hindi ko na siya kinausap. Nang matulog siya sa side ng kama ko, nakatalikod ako.
Alam kong hindi ako ang mali.
Pero kinabukasan, may text siyang mahaba—full of “I’m sorry, I’m just scared to lose you,” at “I just love you too much.”
Ang classic excuse ng manipulators.
Nagsimula akong mag-journal ulit.
Hindi para sa content.10Please respect copyright.PENANAGW3xm4sHZ8
Para sa sarili ko.
At habang binabasa ko ‘yung mga entry ko, napansin kong halos wala na akong ako. Laging may “Miguel said,” “Miguel wants,” “Miguel doesn’t like…”
Kailan ako nawala?
Kailan naging mali na maging ako?
Naghiwalay kami isang umagang tahimik.
“This isn’t love,” sabi ko.10Please respect copyright.PENANAHHxJMMiyIx
“This is ownership. At hindi ako bagay mong pagmamay-ari.”
Umalis ako nang buo pa rin. Pagod, pero buo.10Please respect copyright.PENANAakh8S7wyzM
And for the first time in months, I felt air in my lungs again.