9Please respect copyright.PENANApCu7uNngF3
Hindi ako nagbihis ng bongga. White shirt. Loose jeans. Clean sneakers. Kulot ang buhok, konting tint sa pisngi. For once, hindi ako naghanda para magustuhan. Nag-ayos ako dahil gusto ko. Gusto kong komportable ako. Gusto kong ako.
Nagkita kami ni IO sa isang maliit na Korean resto sa may Kapitolyo. Hindi sosyal, hindi rin sobrang mura. Sakto lang—tahimik, cozy, may sariling kwento.
She was already there when I arrived. Naka black turtleneck siya at jeans. Her hair tied low, loose strands framing her calm face.
“Hey,” bati ko.
“Hey,” sagot niya, sabay tayo para i-pull ang upuan ko.
“Wow, old school,” biro ko.
“Old school nga raw ang mga genuine,” sabay ngiti.
Tumawa ako. Hindi ‘yung pilit. Hindi ‘yung charming laugh na sanay akong gamitin. Totoong tawa. Relaxed.
Umorder kami—tteokbokki, japchae, kimchi rice, saka dalawang Soju-yan.
“First time ko,” sabi ko, habang inaamoy ang soju. “Baka isang shot palang, bagsak na ko.”
“Okay lang. Hindi kita iuuwing lasing,” sagot niya. “Iuuwi lang kita ng buo.”
Natigilan ako. Hindi dahil sa landi, kundi sa bigat ng meaning. Buo. Buo.
Hindi “gamit.” Hindi “project.” Hindi “fix me.” Buo.
Habang kumakain kami, hindi nawala ‘yung tawanan. May kwentuhan tungkol sa trabaho, childhood pets, paboritong cartoons. Walang drama. Walang backstory dump. Wala ring pressure.
Just… us. Eating. Laughing. Existing.
Hanggang sa matapos ang pagkain, lumabas kami para maglakad. Bitbit niya ‘yung natirang soju, ako naman ‘yung kimchi na pinabaon sa’kin ni ate sa resto.
Tahimik ang gabi. May iilang kotse. Maaliwalas ang hangin. Sa wakas, walang ingay sa loob at labas ng puso ko.
“Nag-eenjoy ako,” sabi ko, breaking the silence.
“I am too,” sagot niya.
“Parang hindi ‘to date.”
“Gusto mo ba siyang maging date?”
Napahinto ako sa lakad. Napatingin sa kanya.
IO didn’t say it like a dare. Wala ring hint ng pressure. Gusto ko man sabihin ng diretso na “Yes,” may parte pa rin sa’kin na takot. Takot mabigo. Takot masaktan. Takot sa label.
Pero may isa ring tinig sa loob ko na nagsasabing, safe ka rito. Na kahit saan mauwi ‘to, hindi ko kailangan pagsisihan.
“Gusto kong isipin na… ‘to ang unang totoo,” sagot ko. “Not a ‘performance’, not a trophy moment. Just… real.”
“Then let’s call it what it is. First date,” sagot niya.
Dahan-dahan akong ngumiti. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hanggang sa mapadpad kami sa isang bakanteng park bench. Umupo kami. Tahimik.
Walang kailangang punan.
I looked at her. She looked at me.
Hindi siya lumapit agad. Hindi rin siya lumayo. Naghintay lang. Hinayaan lang akong huminga.
At sa pagitan ng dalawang paghinga, inabot niya ang kamay ko. Hindi buong hawak. Dulo lang ng daliri niya ang dumikit.
I didn’t flinch.
I didn’t freeze.
And then slowly, I let my fingers intertwine with hers.
Tahimik pa rin. Pero ‘yung puso ko, hindi na maingay. Hindi rin siya mabilis. Hindi rin siya sugatan. ‘Yung tibok niya… kalmado. Parang sinasabi: Eto ‘yung tama.
IO leaned a little closer.
“Okay lang?” tanong niya.
I nodded. Just once.
She kissed me. Dahan-dahan. Hindi gutom. Hindi tuliro. Isang halik na parang tanong. At sagot na rin.
Walang fireworks. Pero para akong nilubog sa init ng isang hot spring sa gitna ng napakalamig na gabi.
When she pulled back, hindi niya ako tiningnan agad. Parang ayaw niyang i-assume anything.
Kaya ako na ‘yung tumingin sa kanya.
“Peace,” bulong ko. “Ganito pala ‘yung peace.”
“Deserve mo ‘yan,” sagot niya.
Ngumiti ako. Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, hindi dahil gusto kong patunayan. Kundi dahil sa wakas—ramdam ko.
Ito ‘yung totoong date.
Ito ‘yung unang “yes” na hindi ko kailangan ipagsigawan.
Ito ‘yung gabi na hindi ako naging tao sa mata ng iba.
Ako ay ako. At may isang taong nando’n… just to see me.
ns216.73.216.247da2