KABANATA 8: Nang Hindi Pa Man Siya Akin
Kung gaano kalakas ang tawanan nila sa mga singing rooms, ganun din kalalim ang katahimikan kapag silang dalawa na lang ni Jeanine ang natitira sa virtual room. Hindi ito nakakailang, kundi nakakagaan. Walang kailangang piliting usapan. Minsan nakaupo lang sila, walang mic on, pero alam niyang naroon ito. Magkaibang lugar man sila, parang nagiging isa lang ang mundo kapag ganun.
"Uy, kanta ka na," utos niya minsan. "Yung lagi mong kinakanta 'pag late na at hindi na tayo magkaintindihan sa tawa."
"Nako Doms, laspag na lalamunan ko, wala ka bang awa?" sagot nito sabay emoji na may rolling eyes.
Pero ilang saglit pa, bumuhos na naman ang boses nitong para bang nilalambing siya sa bawat linya. Gaano man kalungkot ang araw niya sa trabaho—pagod, gutom, alikabok sa construction site—nawawala iyon lahat kapag narinig niyang kumanta si Jeanine. Hindi kailangan ng fancy microphone, autotune, o music background. Boses pa lang nito sapat na para punuin ang silid niya ng liwanag.
Walang label. Walang ligawan. Pero ramdam niya—mahal niya ito.
Hindi siya marunong sa magarbong salita. Hindi siya expressive. Hindi rin siya sigurado kung may karapatan pa ba siyang magmahal muli lalo’t may bahid pa ng nakaraan sa puso niya. Pero isa lang ang malinaw: sa bawat note na binibitawan ni Jeanine, lalo siyang nahuhulog.
Minsan, nakikita niya ang sarili sa salamin, nakangiti habang tinititigan lang ang screen. Naghihintay ng kanta. Nag-aabang ng emoji heart. O kahit simpleng “Hoy Doms, jan ka lang pala, akala ko tahimik ka na naman.”
At oo, doon pa lang, buo na ang araw niya.
18Please respect copyright.PENANArOqoZpetKR