KABANATA 10: Ang Sagot na Hindi Ko Inaasahan
Wala namang masyadong plano ang gabing iyon. Katulad ng madalas, nagtipon-tipon kami sa virtual singing room para magkulitan, makinig sa kantahan, at kung sinusuwerte—makapaglabas ng pagod mula sa totoong buhay. Pero dahil Lunes at halos lahat ay bangag pa mula sa trabaho, imbes na kantahan agad, nagkatuwaan ang grupo na maglaro ng Truth or Dare.
“Ayoko ng dare ah,” agad sabi ni Jeanine, sabay tawa. “Baka bigyan n’yo ako ng dare na kumain ng gulay.”
“Unfair! Ikaw agad nagset ng rules,” biro ni Drei.
Pero walang umangal. Sanay na kasi silang si Jeanine, kahit maangas minsan sa banter, ay sweet talaga sa totoo lang—lalo na kapag hindi mo na siya pinipilit.
Ako? Hindi ako agad nagsalita. Tahimik lang ako sa gilid habang binabasa ko yung chat at nakikinig sa mga tawa nila sa mic. Pero totoo, nandoon ako dahil gusto ko lang marinig si Jeanine. Kahit hindi siya kumanta, okay lang. Basta naririnig ko boses niya, sapat na.
“Truth!” sabi ni Jeanine sa unang ikot.
Tanong agad ni Len, “Sino ang favorite mong duet buddy?”
“Si Doms. Kasi hindi marunong kumanta, kaya ako lang magaling sa duet!” sabay tawa. Halakhak ng lahat.
Natatawa rin ako pero deep inside, alam kong iba ang kilig ko kapag ganoon siya magsalita. Hindi naman ako magaling, totoo yun. Pero kapag kasama ko siya sa kanta, parang hindi ako kailanman palpak.
Sunod-sunod pa ang tanong:15Please respect copyright.PENANApG6V0icUHs
“Ano ang pinaka-nakakaiyak mong kanta?”15Please respect copyright.PENANASWDrWLKhcc
“Ano ang type mong genre kapag sad ka?”15Please respect copyright.PENANAeYlhnMzcWM
“Ano ang biggest turn-off mo sa lalaki?”
Dito ako natahimik.
Jeanine: “Ayoko ng may bisyo. Yung naninigarilyo, umiinom, yung feeling laging tama, tapos babaero pa. Ayoko nun.”
Parang may kung anong umigting sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil may guilt ba ako sa isa sa mga nabanggit niya o dahil natutuwa ako na hindi ako pasok sa mga ‘ayaw’ niya. Ewan. Basta, napangiti ako. Kasi kahit hindi niya sinabing gusto niya ako, alam kong hindi niya ako kinamumuhian.
Pero doon na nagsimula ang kakaibang eksena.
Nag-ikot pa ang laro, tawa pa rin kami nang tawa, hanggang sa isang anonymous dare ang biglang na-pull out ng isa sa mga moderator.
“Jeanine, truth! Kung sakaling magkakaroon ka ng crush dito sa community natin… kahit wala ka pa ngayon, kunwari lang, sino sa tingin mo at bakit?”
Nagka-ingay sa mic. “OHHHHHHHHHHHHHHHHH!”15Please respect copyright.PENANADT0FLQdEvZ
“YAN! TANONG NG GABI!”15Please respect copyright.PENANAwvGLdfsQyy
“WALA NANG ATRASAN YAN!”
Ako? Napakapit sa armrest ng plastic chair ko sa boarding house. Parang may sumisigaw na bata sa dibdib ko—naglalambing na umaasang sana hindi ibang pangalan ang banggitin niya.
Sa kabilang dulo ng mic, narinig ko ang mahinang tawa ni Jeanine. “Ang hirap n’yo, ha. Wala nga akong naiisip na ganyan ngayon.”
“Eeeeeh, hindi puwede. If ever lang daw!” pilit nila.
Sumingit pa si Drei, pabirong sabing, “Oo nga. Sagot na. Crush is crush lang, hindi naman kasalanan!”
Tahimik ang chat. Pati ako napahinto. Tinitigan ko lang ang username niya. Ang DP na simple lang—yung naka-side view siya na naka-ponytail, salamin, at may mic sa kamay.
Jeanine huminga nang malalim. “Hmm… Kung iisipin ko lang ngayon ah, if ever lang talaga—”
Parang ang magugustuhan ko… dito sa group natin… si Doms.
Tumigil ang mundo ko.
“…Kasi magka-ugali kami. Tahimik pero hindi boring. At saka…”15Please respect copyright.PENANAa6E45g3TLY
Tumawa siya ng konti, yung mahina lang pero parang musika sa tenga ko. “Ewan. Parang madali lang siya kausap. Hindi pressured. Chill lang.”
Sabay BOOM.
Mic explosion sa tawanan. Tuksuhan. Halakhakan.
“AAAAAAAAAYYYYYYYYYYYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!”15Please respect copyright.PENANAGCIfMLxN8G
“DOMSSSSSSSS! MAGSALITA KAAAAA!”15Please respect copyright.PENANAjfpDXYVEb9
“GRABE NA TOOO!”15Please respect copyright.PENANAOOmFcNrcZ7
“BILIS GAWIN MO NA PROFILE PIC YUNG NAME NIYANG MAY PUSO!”
Ako? Walang naisagot.
Natulala lang ako habang paulit-ulit sa isip ko yung sinabi niya. "Kung sakasakali... si Doms."
Hindi ko inasahan. Hindi ko pinagdasal. Pero binigla ako ng ganun.
Nagpaalam ako saglit sa room. Hindi dahil nahiya ako o na-overwhelm lang. Pero dahil biglang bumilis ang pintig ng puso ko at kailangan ko munang huminga.
Lumabas ako ng kwarto. Tumunganga sa madilim na corridor ng boarding house.
Napangiti ako. Tangina. Jeanine. Ikaw talaga.
Hindi ko alam kung may ibig sabihin ang sinabi mo. Hindi ko alam kung biro lang o dahil pressured kang sagutin ang tanong. Pero kahit anong sabihin ng iba—kahit hindi ako ang totoo mong iniisip kapag mag-isa ka na sa gabi—ngayon lang may nagsabi ng ganun sa akin… na hindi dahil sa hitsura, pera, o kayabangan, kundi dahil magka-ugali kami.
At sa isang saglit, parang nawala lahat ng pagod ko.
At sa unang pagkakataon, kinailangan ko ng kanta—hindi para mapakinggan si Jeanine, kundi para siya naman ang makarinig. Dahil gusto kong sabihin, kung sakasakali rin lang… ikaw din.
ns216.73.216.74da2