KABANATA 6 : Babaeng Walang Kahon
May mga tinig na pang-pop. May boses na pang-ballad. May iilan na pasok sa rock. At may mangilan-ngilan na kayang pumasok sa classical o opera.
Pero si Jeanine?
Lahat.
Walang genre na hindi niya nasasakyan. Minsan, sa isang live session lang, tatlong kanta na agad ang sinasakop niya—mellow ng Moira, birit ng Regine, tapos rock ni Alanis Morissette.
Kung performance lang ang pag-uusapan, wala siyang kapantay sa app na 'yon.
Pero ang pinakamalupit sa lahat? Hindi niya ipinagyayabang.
“Sino gusto kumanta ng ‘Bohemian Rhapsody’ with me?”17Please respect copyright.PENANAh1FwDgSjt9
tanong ni Dominic isang Sabado ng gabi.
“Grabe ka, classic ‘yan, baka di kayanin ng vocal range ko!”17Please respect copyright.PENANAHqmCrjdHMU
comment ng isa.
“Pass ako dyan, boses ko pang-plantsa lang.”
Habang nagbabasa si Dominic ng mga reactions, biglang may pumasok na notification:
“Jeanine has entered the room.”
“Ako na lang. Gusto ko ng challenge.”17Please respect copyright.PENANAJHVkA3snzq
chat ni Jeanine.
At nung sumalang sila sa collab…
Napanganga ang lahat.
Hindi lang nakuha ni Jeanine ang mga matataas na notes, kundi nailabas niya ang theatrical essence ng kanta—yung parang nasa entablado ka ng isang Broadway musical, pero sa loob lang ng livestream app.
“Angas mo, girl! Parang Freddie Mercury ka sa katawan ng Pinay!”17Please respect copyright.PENANAMMTYVrByy9
komento ng isa.
“Nag-shift ka from sweet to savage real quick,” dagdag pa ng isa.
Pero sagot ni Jeanine?17Please respect copyright.PENANAF69ZIAG37R
“Ayaw ko kasing laging sweet. Nakaka-diabetes.”
Kasabay nito ang isang emoji na tumatawa.
Gano’n si Jeanine. Walang pretensyon.
Sa loob ng app kung saan maraming users ang gumagawa ng drama para lang mapansin, si Jeanine lang ang nanatiling totoo—sarcastic kung kailangang bumara, pero hindi bastos; direkta kung kailangang ipagtanggol ang sarili, pero hindi mapagmataas.
Minsan nga, may isang user na pasimpleng nag-comment ng:17Please respect copyright.PENANAtfFkndeDEG
“Ganda siguro nito sa personal kaya ganyan kaconfident.”
Akala ng iba matutuwa si Jeanine. Pero sagot niya?17Please respect copyright.PENANAVkChSYno7i
“Buti na lang confident ako sa boses ko, hindi sa filters ng camera.”
Tahimik ang chat room.
Pagkatapos ng ilang segundo, siya na rin ang bumasag ng katahimikan.
“O ayan, natuto ka na? Let’s move on. Kantahan na lang uli.”
Dito na lalo humanga si Dominic.
Hindi lang dahil mahusay si Jeanine sa musika, kundi dahil may prinsipyong buo.17Please respect copyright.PENANALrgNaYCmKb
Hindi kailangang bastusin para lang magmukhang matatag. Hindi kailangang magpalinaw ng cleavage sa frame para mapansin.
‘Pag nagsalita si Jeanine, may laman. ‘Pag kumanta siya, may kaluluwa.
Pero kung may isang bagay na mas nakakabighani kaysa sa versatility ng boses niya, yun ay ang kabuuan ng pagkatao niya.
Masayahin siya.
Madalas, siya ang clown ng group. Mahilig mag-joke. Minsan, may pa-sound effects pa tuwing nag-iintro siya ng kanta — parang game show host o radio DJ.
“Okay mga ka-live, susunod nating performer... syempre ako pa rin! Kasi wala kayong choice!”17Please respect copyright.PENANASFGnjrX4YI
sabay tawa.
Pero kahit nagbibiro, hindi bastos. Kahit nagpapatawa, hindi desperado. May class.
Madaling pakisamahan.
Kapag may bagong user na tahimik, siya ang unang nagko-comment.17Please respect copyright.PENANAakCvX3XgfH
“Uy, new face! Welcome, wag ka mahiya. Share mo boses mo, ‘wag lang password mo.”17Please respect copyright.PENANABo0zSrLFrK
Instantly, napapatawa niya ang mga tao.
Hindi siya premadonna.
May mga singer kasi sa app na kapag hindi sila center of attention, nagle-leave agad o nagtatampo. Si Jeanine, never naging ganun.
Kahit ihalo mo siya sa mga baguhan, hindi siya umaarte. Minsan pa nga siya pa ang nag-aadjust.
“Sa’yo na yung birit part, ako na lang sa verse. Para mashowcase ka rin.”
At ‘pag natalo sa event?
“Okay lang. May iba pang round. Minsan talo, minsan Taco Bell.”17Please respect copyright.PENANAsHRCv2MOPq
Sabay tawa.17Please respect copyright.PENANAU2rrgIoEyk
Walang bitterness.
Practical.
“Jeanine, ba’t di ka sumasali sa national contests? Panalo ka dun.”17Please respect copyright.PENANAwLAcnd98qp
tanong ni Dominic minsan.
“Eh ‘di kung manalo, may cash prize... tapos next week wala na ulit pera. Balik sa real life. Kaya mas gusto ko ‘tong singing app — walang pressure, pero may peace of mind.”
Malambing. Thoughtful.
Kahit sarcastic siya minsan sa mga lalaking feeling close, hindi ibig sabihin wala siyang malasakit.
Tuwing may kaibigan silang nagkaka-problema, siya ang una nag-aalok ng tulong. Hindi pera, hindi grand gesture, pero yung taimtim na presensya.
“Wag mo masyadong dibdibin ‘yan, ha? Kantahan mo lang sarili mo. Minsan ang kalma ng puso... boses lang pala ang gamot.”
Ganun siyang magparamdam.
At si Dominic?
Lalong nalulunod sa tahimik na paghanga.
Hindi niya masabi kung kailan nagsimulang tumibok ang puso niya. Baka nung unang beses niyang marinig si Jeanine kumanta ng “The Prayer.”
O baka nung una siyang sinigawan nito sa comment section dahil late siya sa stream.17Please respect copyright.PENANAprjMUI6l21
“Diyos ko, admin ka pa naman! Magsimula ka nga sa oras!”
Pero ang sigurado siya, iba ang turing niya kay Jeanine.
Hindi tulad ng ibang babaeng hinangaan niya noon dahil lang sa ganda o boses, si Jeanine ang babaeng hinahangaan niya kahit naka-off cam.
Kahit simpleng chat lang.17Please respect copyright.PENANAmJrnBODXvu
Kahit walang kanta.
"Kung tao lang ang boses, ikaw siguro ‘yon, Jeanine," minsan niyang nasabi habang nag-i-stream sila.
"Ha? Bakit?"
"Kasi kahit anong tono, genre, o emotion... ikaw pa rin ‘yung laman."
Tahimik si Jeanine.
Hindi niya alam kung napangiti ito. Hindi rin niya alam kung kinilig.
Pero narinig niyang sumagot ito, pabulong:17Please respect copyright.PENANAYyrWxIAIid
“Eh ‘di ba ikaw din naman ang melody ko?”
At doon, alam ni Dominic...
Wala na siyang takas.
ns216.73.216.2da2