KABANATA 4 : Tinig ng Bagong Umaga
Hindi man niya masabing "kinakalimutan" ang nangyari kay Estella, unti-unti namang tinatanggap ni Dominic na may buhay sa labas ng nakaraan. Ngunit sa kanyang pagbalik sa Bicol—sa lugar na mas kilala ang mga palayan kaysa sa pangalan mo—isang matalim na realidad ang sumalubong sa kanya: ang tunay na hirap ng buhay.
Dati, sa San Pedro, wala siyang iniintinding bayarin. Kumpleto sa gamit, may aircon pa ang kwarto. Sa bahay ng mga umampon sa kanya, sapat ang pera para sa pangarap, at kalayaan para magkamali.
Pero dito?
Gising siya bago mag-alas-singko. Kailangan niyang mag-igib ng tubig mula sa poso na halos isang kilometro ang layo. Minsan, madilim pa, at tanging ilaw ng gasera ang nagsisilbing giya. Matapos mag-igib, siya pa ang nag-aayos ng simpleng almusal—tinapay na may margarine, kape na may asukal lang kapag may extrang barya.
At bago pa man lumapat ang labi niya sa mainit na tasa, kailangan niya munang magtrabaho.
Walang pagkain kung walang ambag.
Dahil wala siyang diploma, ang tanging bakanteng trabaho na puwede sa kanya ay crew sa McDonald's sa bayan.
Lunes hanggang Biyernes, tinatanggap niya ang bawat ngiting pilit ng mga customer, kahit ang iba’y walang pasensya o respeto.15Please respect copyright.PENANAHUvfltTes5
Tinatawag siyang “kuya,” “boss,” o minsan lang—wala nang tawag, deretsong utos. Pero kahit pa gano’n, hindi siya umangal. Ang bawat sweldo, bawat sentimo, ay isang hakbang palayo sa kahapon na gustong limutin.
Pagka-Sabado, hindi siya nagpapahinga.
Nag-eextra siya sa construction site kung saan walang hiya-hiya—pawisan, maalikabok, masakit sa likod. Kung sa McDo, ang bigat ng ngiti ang pasan niya; sa construction, literal na semento, buhangin, bakal.
Linggo lang ang pahinga niya.
Pero hindi rin niya ginagawang dahilan iyon para matulog buong araw. Kasi sa Linggo, dun siya tunay na buhay.
Dun siya kumakanta.
Hindi man siya marunong magbasa ng nota, at wala rin siyang pambili ng sariling mic o speaker, may isa siyang kayamanang hindi nanakaw—ang tinig.
Sumali siya sa isang singing app sa cellphone ng pinsan niya. Gabi-gabi, pagkatapos ng lahat ng pagod, humihiga siya sa banig, sinusuot ang lumang earphones, at kumakanta ng buong puso—kahit ang ibang lyrics ay binubuo lang niya habang sabay sa melodya.
Doon niya unang nakilala si Nicole.
Isang magandang tinig—banayad, puno ng emosyon, para bang may kirot sa bawat nota. Nalaman niya na may asawa ito, pero ‘di maitatangging nagkacrush siya rito. Hindi dahil sa itsura lang, kundi sa boses na tila sinadyang ibulong ng tadhana sa gabi ng pinakamatinding pagod niya.
Tuwing nagdu-duet sila sa app, parang biglang nawawala ang pawis, ang pagod, ang lahat. Ngunit nang sabihin ni Nicole sa chat na, “Di ko kayang lokohin asawa ko, Dom. Sorry, hanggang kanta lang tayo,” bumalik siya sa realidad.
Hindi ito para sa kanya.
Akala niya, doon na natatapos ang kwento niya sa pagkanta—isang paraan lang ng paghinga, pero hindi ng pag-ibig.
Pero isang gabi, may dumaan sa live session ng app.
"O, ang laki ng ngiti mo ah. Parang may nanalo sa ‘Pera o Bayong.’"
Isang tinig ng babae, may halong pang-aasar at lambing, dumaan sa live stream niya habang nagkakanta siya ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko.
Tinignan niya ang username:15Please respect copyright.PENANAPMD3E6TkoG
“JeanineSingz24.”
Nag-type ito:15Please respect copyright.PENANA9N4VmnD16M
"May version ka ba niyan na hindi mukhang lalaking iniwan sa kasal?"
Tumawa siya, pero naasiwa rin.15Please respect copyright.PENANAonv8B4YFdm
“Ang sungit mo naman, miss,” sabi niya habang live pa rin.
"Hindi ako masungit. Prangka lang. Marami kasing umaawit, konti ang totoo."
Simula noon, hindi na siya pinakawalan ni Jeanine.
Araw-araw itong dumadaan sa mga live niya—nagtatampo kung hindi niya binabati agad. Minsan prangka, minsan parang nang-aasar lang. Pero ang hindi inaasahan ni Dominic, unti-unti siyang naaaliw.
At higit pa roon, napahanga siya sa boses nito.
Maangas si Jeanine magsalita—prangka, walang filter, pero may lambing sa dulo. Parang kape na may tamang pait, pero may latak na tamis. Hindi tulad ni Estella na mahinhin, o ni Nicole na tahimik, si Jeanine ay parang bagyong bigla kang bubulagain—pero iiwan ka rin ng sariwang hangin.
Nalaman niyang taga-Legazpi ito, working student, at kumakanta sa events para makadagdag sa pang-araw-araw.
May kwela itong personalidad.15Please respect copyright.PENANAF1aFOQeIEd
May times na, habang naka-video call sila habang nag-practice ng duet, sabay itong kumakain ng chicharon o nagkukwento ng away nila ng nanay niya.
At sa gitna ng tawanan, minsan mapapaisip si Dominic—paano naging mas magaan ang Linggo, simula nang dumating si Jeanine?
Minsan, nag-message ito:15Please respect copyright.PENANA7SYIxRLUKq
"Gusto mo, sali tayo sa duet contest sa app? Prize: ₱10,000. Pambili mo ng bagong headset."
Nagdalawang-isip si Dominic. Hindi pa siya sumasali sa anumang contest online.
"Baka matalo lang tayo."
"Eh ‘di matalo. At least may dahilan ako para makasama ka ulit bukas."
Bigla siyang napangiti. At sa ngiting iyon, parang tinubuan muli ng tiwala ang puso niyang matagal nang pinatigil sa pagtibok.
Hindi pa niya alam kung saan hahantong ang pagkakaibigang nagsimula sa live stream at palitan ng banat. Pero sa bawat “hoy,” “kulit mo,” at “gusto mong kantahin ‘to?”—unti-unti, parang bumabalik ang sigla.15Please respect copyright.PENANAsTkRRL9fIK
Parang may tinig na naman sa puso niya na nagsasabing:
“Pwede kang magsimula ulit, Dom.”
ns216.73.216.2da2