Chapter 6: La Luna vs. Alex Cordova7Please respect copyright.PENANAItLjexHc6Z
—Paghabol sa Landas, Paghabol sa Damdamin—
“Next round, final leg: Majayjay to Infanta!” sigaw ng marshal habang ang mga rider ay isa-isang sumusuot sa helmet at tumataas ang ingay ng makina.7Please respect copyright.PENANAO786Y7EXVe
“Solo ride. No tandem. Walang hintayan.”
Ngunit para kay Alex Cordova, ang karerang ito ay higit pa sa premyo.
Ito ang pagkakataon.7Please respect copyright.PENANA697jhON1yO
Ang pagkakataon para habulin hindi lang ang tropeyo—kundi ang isang taong hindi niya kailanman hinayaang mawala sa puso niya.
Sa kabilang dulo ng linya, sa ilalim ng anino ng mga punò, si Mikaella ay malamig ang ekspresyon.
Suot niya ang full gear. Nasa tabi ang motor niyang si "La Luna", nangingintab sa araw, handang sumagasa sa kung anong paikot-ikot na damdamin na namagitan sa kanila. Pero sa ilalim ng helmet na iyon, may pintig sa dibdib na hindi kayang patahimikin ng ingay ng makina.
Muling magkakarera.7Please respect copyright.PENANAV6RLFNwMh2
Pero hindi na siya ang Mika na natutunaw sa titig ni Alex. Hindi na siya ang babaeng nakatingin sa kanya na para bang siya lang ang mundo.
Flashback7Please respect copyright.PENANAxAc8RSXdJ4
Noong unang beses na isinakay siya ni Alex sa motor, nanginig siya sa takot.
“Relax lang,” bulong ni Alex noon, habang iniabot ang isang extra helmet. “Tiwala ka sa akin, ‘di ba?”
Napangiti siya, patagong napapikit.7Please respect copyright.PENANAcqE3Nz95aD
“Sa ‘yo lang.”
At habang tinatahak nila ang kalsadang paliko-liko ng Tanay, naramdaman niya kung gaano siya kahawak, gaano siya kasigurado sa likod ng isang taong kahit kailan hindi siya ibinaba—hanggang sa siya na ang mismong bumitaw.
Present
Ngayon, ibang Mikaella na.
Hindi na siya umaasa sa alalay ng likod. Siya na ang nauuna. Siya na ang sinusundan.
“La Luna,” bulong ng isang rider. “Kasama sa final leg si Alex Cordova. Patay…”
Hindi siya sumagot. Tinapik lang niya ang tank ng motor, sabay suot ng helmet. Mabilis, tiyak.
At nang tumunog ang countdown…
3.7Please respect copyright.PENANA8HWyin1tls
Si Alex ay palinga-linga, pero ang mga mata ay unti-unting tumigil sa direksyon niya.
2.7Please respect copyright.PENANAhXNWWINhhR
Kahit gaano siya kagaling, hindi siya handa.
1.7Please respect copyright.PENANAelihPHiCLr
Walang salita. Walang tinginan.7Please respect copyright.PENANACY4WsChDxq
Pero sa puso niya: “Habang buhay akong hahabol sa’yo, Mika.”
Go.
Ang kalsada ay masikip, maalikabok, at delikado.
Si Mikaella ay tila anino na ng buwan—silent, fluid, matalim ang liko. Tila hinugot mula sa sariling anino ang galaw.
Pero naroon si Alex. Palapit nang palapit.
Sa likod ng helmet niya, tumutulo ang pawis. Hindi dahil sa bilis. Dahil sa takot. Takot na mawala ulit. Takot na hindi siya makahabol.
“Huwag mo na akong habulin, Alex…” sigaw ng isip ni Mika.7Please respect copyright.PENANAGp2BjiR3Su
Pero ang katawan niya—bumagal.
At kahit sa isang iglap lang, naramdaman niyang naroon si Alex.7Please respect copyright.PENANAkTPUlGKgxI
Tumapat sa gilid niya. Hindi nag-overtake. Hindi rin nagpapahuli.
Nagkasabay.
Sa kurbada ng Sta. Maria, may liko. Mapanganib. Basang daan.7Please respect copyright.PENANA6sTyWckAHm
Bigla—nag-slide si Mika.
“Sh*t!” singhal ni Alex, bumitaw sa throttle at tinapakan ang preno.
Ngunit bago pa ito tumumba, mabilis siyang lumundag sa motor at sinalo si Mika. Tumilapon ang motor nila sa damuhan—pero sila, magkadikit, magkayakap sa gitna ng basang lupa at rumaragasang ulan.
Humihingal.
Magkadikit ang mukha.
Nagkatinginan.
Wala nang helmet.
At sa unang pagkakataon sa limang taon, muling nagkatapat ang mga mata nila—walang takas, walang pader.
“Bakit mo ako iniwan?” tanong ni Alex, tinig ay basag at mahina.
Hindi agad sumagot si Mikaella. Nanginginig ang labi, puno ng putik ang pisngi.7Please respect copyright.PENANAfGfhQrxw00
Pero sa wakas, sinabi niya:
“Para hindi ka mamatay.”
ns216.73.217.11da2