Chapter 15 – Lihim, Alon, at Alab
(Mikaella’s POV)
Ang tunog ng alon sa Majayjay falls ay tila eksaktong replika ng ingay sa dibdib ni Mikaella. Hindi niya alam kung bakit siya napadpad sa lugar na ito muli. Marahil dahil sa alon ng alaala. Marahil dahil ito ang tanging lugar kung saan naramdaman niyang buo siya—kay Alex.
Hindi niya siya sigurado kung ano ang mas mahirap: ang limang taon ng pananahimik, o ang ilang minutong pagkikita nila kanina na tila pinunit ang lahat ng pinagtagpi-tagping lakas ng loob niya.
Hindi siya sanay matakot.
Ngunit sa harap ni Alex, kanina, para siyang batang walang muwang. Para siyang hindi si La Luna. Para siyang si Mika—ang babaeng handang ialay ang lahat, kahit sarili, basta’t mailigtas siya.
“Putcha naman,” bulong niya sa sarili. Tumulo ang pawis mula sa sentido niya, pero hindi niya alam kung galing iyon sa init o sa nerbiyos.
“Nandito ka pala.”
Boses iyon na hinding-hindi niya malilimutan. Hindi niya kailangan lumingon. Ramdam niya. Si Alex.
(Alex’s POV)
Hindi niya alam kung anong kabaliwan ang nagtulak sa kanya para sundan si Mikaella. Pero eto siya, nakatayo sa gilid ng falls, naninigas ang panga, at pinipigilang yakapin ang babaeng akala niya’y multo. Multo ng nakaraan. Multo ng pag-ibig.
“Akala ko may multong tumawag sa ‘kin,” aniya, pilit ang ngiti. “Pero mukhang multong marunong pa ring umarte ng matapang.”
Hindi nagsalita si Mikaella. Tiningnan lang siya nito ng matagal, at sa isang iglap, para silang bumalik sa panahong hindi pa magulo ang lahat. Yung tipong isang titig lang, alam mo na kung sino kayo sa isa’t isa.
“Bakit ka umalis?” mahina ngunit masakit na tanong niya.
Tahimik.
“Naisip mo ba kung paano ako nabaliw kakahanap sa ‘yo? Sa lahat ng checkpoint, iniisip kong baka nandun ka. Baka bumalik ka. Pero hindi.”
“Alex…”
“Pumunta ako dito dahil akala ko handa akong marinig ang dahilan mo. Pero hindi pala.”
Napalunok si Mikaella.
Naaalala niya pa ang unang beses silang nagkasama sa Majayjay. Puno ng halakhakan, ng pahaging ng labi sa pisngi, ng mga bulong na parang pangako.
“Gusto ko lang naman makita ka ulit,” bulong ni Alex, napapikit. “Akala ko kapag nakita kita, mawawala ‘yung galit. Pero hindi lang galit ang nararamdaman ko ngayon, Mika. Takot, saya, pagod… lahat. Lahat.”
“Patawad…” iyon lang ang naisambit ni Mikaella. “Pero mahal pa rin kita.”
(Back to Mikaella’s POV)
Kung may bagay mang mas mahirap sa paglayo kay Alex noon, ito ‘yun—ang makita siyang buo, pero may lamat na hindi na kayang itago ng kahit sinong lalaki.
Gusto niyang sabihin ang totoo. Gusto niyang isambulat ang pangalan ng ama-amahan niyang si Salvador, ang mga sindikato, ang mga pagbabanta. Pero hindi niya alam kung kaya pa ni Alex pakinggan iyon.
Masyado nang magulo ang lahat. Pero sa ilalim ng pagbagsak ng tubig, sa alingawngaw ng damdaming pinipigilan, iisa lang ang malinaw sa kanya:
Si Alex pa rin ang lalaking kayang sirain ang lahat ng pader na itinayo niya.
At hindi na niya sigurado kung kaya pa niyang tumakbo palayo.
Teaser for Chapter 16 – Pagputok ng Gulong, Pagputok ng Katotohanan
ns216.73.217.11da2“Mika! UMIWAS KA!”7Please respect copyright.PENANAMvlGZovngy
Isang putok.7Please respect copyright.PENANAtyJIL8gvAx
Isang pagsabog ng gulong.7Please respect copyright.PENANAuJwZ0s1RGK
Isang motor na gumulong sa kalye.7Please respect copyright.PENANAVIKF5tEfoX
At isang katotohanang hindi na kayang ilihim pa.