Chapter 18 – Wala Nang Laban Kung Walang Puso
(Riva’s POV)
Ang lakas ng ulan sa labas, pero mas malakas ang kabog ng dibdib ni Riva habang nakamasid sa isang monitor sa isang private cyber-investigation hub sa Tanauan.
Isang video feed ng CCTV ang paulit-ulit niyang pinapanood—yung mismong footage ng black race na kinabibilangan ni Alex bago siya maaksidente.
May isang lalaking may hoodie na dumaan sa track tatlong oras bago ang karera. Tila may isinabit sa gilid ng likuan. Fast-forward. Pause. Zoom. Enhance.
Spikes. Confirmed.
“Salvador Tiongson’s style,” bulong niya sa sarili. “Pero teka—may kasamang iba. Sino ’to?”
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Mikaella.
(Mikaella’s POV)
“Mika,” ani Riva mula sa kabilang linya, “hindi lang si Salvador ang nasa likod ng pagsabotahe. May isa pa. At mas malapit sa inyo kaysa akala mo.”
“Mas malapit pa sa kanya?” sabay tingin kay Alex na tulog pa rin sa kama.
“Si Julius… Tantiado. Yung dati mong kaklase. Nagtatrabaho na sa DTI pero konektado sa sindikato bilang fixer ng black funds nila.”
Muntik na niyang mabitawan ang cellphone.
“Julius? Imposible. Mabait ’yon… matalino…”
“Perfect cover,” ani Riva. “Matalino, magaling magsinungaling, at galit na galit sa mga sikat na racers. May personal vendetta siya, Mika.”
(Alex’s POV – Later That Night)
Nagising siya bandang alas-dos ng madaling araw. Walang ibang tao sa ospital kundi si Mika sa tabi niya. Tulog, nakayuko, hawak pa rin ang kamay niya.
Tinitigan niya ito. Maamo. Payapa. Pero sa ilalim ng katahimikan na iyon, alam niyang nasa gitna sila ng bagyo. Isa lang ang sigurado—hindi niya na ulit ito pakakawalan.
At kung may mga tao mang gustong sumira sa kanila, hindi na siya uupo’t manonood lang.
Scene Cut – Secret Location
“Sigurado ka ba?” tanong ni Julius habang pinipirmahan ang isang papel.
“Si Mika mismo ang nagbabantay kay Alex,” sagot ng isang tauhan. “Mukhang babalik na sila sa isa’t isa.”
Tumango si Julius, ngumiti ng malamig.
“Kung ganon, panahon na para iparamdam sa kanya… kung paano mawalan.”
Teaser for Chapter 19 – Kapalit ng Laban: Buhay o Puso
ns216.73.217.11da2“Pag nagpatuloy ‘to, Mika, baka hindi lang ako ang masaktan.”7Please respect copyright.PENANAiUtnUUYp36
“Hindi kita iiwan. Hindi na ulit.”7Please respect copyright.PENANAzIndkrI4gD
“Kahit buhay ko pa ang kapalit.”