Chapter 7: Ang Katahimikan ng Limang Taon10Please respect copyright.PENANAi7aFa8NpOY
—Kapag ang Pag-ibig ay Kailangang Manahimik Para Mailigtas—
Tahimik ang paligid matapos ang aksidente. Basa ang katawan nila, madumi, nanginginig pa mula sa adrenaline ng karera at sa init ng nakaraan. Pero higit sa lahat—ang bigat ng katahimikan ay mas mabangis kaysa sa pagtilapon nila sa lupa.
Nakatitig si Alex kay Mikaella.
“Bakit mo ako iniwan?” muli niyang tanong—basag, puno ng pagod, at galit na hindi matukoy kung para ba sa sakit ng loob… o sa muling pag-asa.
Gustong magsalita ni Mika.10Please respect copyright.PENANAU0ohEPwewz
Gustong-gusto niya.
Pero sa limang taon na pananahimik, natutunan na niyang minsan, ang katotohanan ay mas mapanganib kaysa sa kasinungalingan.
Limang taon ang nakakaraan.
“Hindi ka puwedeng manatili sa tabi niya,” mariing sabi ni Salvador habang nilalagyan ng pampapula ang brandy sa baso.
“Bakit?” Halos mabasag ang tinig ni Mikaella sa kaba. “Hindi naman siya sangkot sa mga kalaban n’yo. Isang racer lang si Alex—”
“‘Lang’?” Nag-angat ng tingin si Salvador, malamig ang mga mata. “Mikaella, he’s the golden boy. The face of illegal circuits. Hindi mo ba nakikita kung ilang milyong piso ang tinataya ng mga boss sa bawat laban niya? Ang tagumpay niya ay lugi sa kanila.”
Napakapit siya sa upuan, nanginginig ang kamay.
“Gusto mo ba siyang mamatay?”
Hindi siya makasagot.
“Kung talagang mahal mo ang lalaking ‘yan, layuan mo. Putulin mo ang koneksyon. Dahil sa susunod, baka hindi na lang motor ang sumabog. Baka siya na mismo ang target.”
At sa isang iglap, nagdesisyon siya.10Please respect copyright.PENANAVJ6vpyjYW0
Mas masakit ang mawala si Alex... pero mas masahol kung siya’y mamatay.
Present day.
Tumitig si Mikaella sa mga mata ng lalaking pinakamamahal niya.10Please respect copyright.PENANAoGC6VK4NaQ
Isang maling salita—maaaring bumalik ang lahat.10Please respect copyright.PENANApSoSsg3bBz
Pero isa ring maling salita… maaaring tuluyang mawala si Alex sa kanya.
Hindi siya handa.
Kaya imbes na magsalita, inabot niya ang helmet niya at tumayo.
“Wala akong sagot na kayang lunukin mo ngayon,” mahina niyang sabi, likod na ang harap sa kanya.10Please respect copyright.PENANAuKG8Wmye6q
“Pero tandaan mo, Alex… hindi ko ginawa ‘yon para saktan ka.”
Tumalikod siya. Hindi para layuan. Kundi para umiwas sa pagputok ng damdaming kinulong niya sa limang taon.
“Patawad,” bulong niya, pero alam niyang huli na iyon para sa taong nanahimik sa gitna ng bagyo.
Mula sa likod, pinagmamasdan siya ni Alex.10Please respect copyright.PENANAOJCHmcYipL
Hawak pa rin ang helmet.
Ang daming tanong sa isip. Pero isa lang ang malinaw:
Hindi siya galit.10Please respect copyright.PENANAFMG8NYT6SL
Nasasaktan lang siya dahil hindi siya isinama sa laban.
At para kay Alex Cordova, ang hindi ipinaglaban ay mas masakit pa sa pagkatalo.
ns216.73.217.11da2