Chapter 4: Walang Ibang Sumakay
Ang motor ni Alex Cordova ay isang alamat sa kalsada.
Walang body kit na sobrang flashy. Walang decal ng pangalan. Pero sa bawat tagay sa ilalim ng poste, bawat kwento sa tambayan, isa lang ang bukambibig ng mga bagong salta sa mundo ng illegal racing:
“Walang babaeng nakasakay sa motor ni Alex. Kahit gaano siya kaganda. Kahit anong i-offer niya.”
“Ride ko ‘to, Alex…” bulong ng isang babaeng maputi’t mapusok, habang pinapadausdos ang kuko sa chrome finish ng kanyang makina. Nakatayo siya sa gilid ng garahe, nakasuot ng leather crop top, at lasing sa sariling ganda.
“Hindi kita pinahiram ng motor,” malamig na sagot niya, hindi man lang lumingon.
“No, Alex. Ride mo ako,” sabay kagat-labi at himas sa balakang.
Hindi siya umimik. Nilinis lang ang rearview mirror, tapos pinatong ang helmet.
Isa, dalawa, tatlong babae—iba’t ibang pangalan, pare-parehong alok.
Ang isa, sinabing may hotel siyang binayaran para sa kanilang dalawa.9Please respect copyright.PENANAkPYUONnN5p
Ang isa pa, naghubad ng jacket, revealing nothing but tattoos and desire.9Please respect copyright.PENANAAzR5HUjAsZ
Yung huli, sinabing siya raw ang “next Mikaella” at tatahakin daw niya ang parehong landas—literal at hindi.
Bawat isa, tinanggihan.
Hindi sa galit. Hindi sa yabang. Pero may tahimik na utos sa katawan ni Alex:9Please respect copyright.PENANASilueaNBZy
“Walang ibang sasakay sa motor na ‘to… kundi siya lang.”
Minsan, tinanong siya ni Julius, kasamahan sa crew habang nagse-set up ng ruta.
“Tol, bakit nga ba? Ilang taon na rin ah. Hindi ka na rin humanap ng ibang babae. Baka pwede ka na ulit tumingin sa iba.”
Napahawak si Alex sa handle bar ng motor, tila inuulit ang kinagisnang paghawak kay Mika noon—mahigpit, pero marahang parang laging takot na mawala.
Hindi siya sumagot. Pero sa isip niya, ang sagot malinaw:
Dahil kahit iniwan siya ni Mikaella… siya pa rin ang pinili niya.
Sa bawat gabi, bago matulog, tinitingnan niya ang picture ng tent na pinagbahaginan nila ng init, limang taon na ang nakaraan.
Hindi niya alam kung bakit siya iniwan.
Hindi niya alam kung babalik pa ito.
Pero sigurado siya sa isa:
Kahit kailan, hindi niya hahayaan may pumalit sa lugar ni Mikaella sa likod ng motor.
Kahit gaano ka-wild. Kahit gaano kaganda.
Siya lang.
ns216.73.217.11da2