Chapter 2: The Last Night With Her
Dalawa. Tatlo. Apat.
Sunod-sunod ang panalo ni Alex Cordova sa mga underground races ng Maynila. Sa bawat gabi, ibang ruta, ibang kalaban, pero iisa lang ang ending—Redline takes the finish line.
"Putangina, Alex. Ibang klase ka pa rin."
"Yung liko sa flyover, akala ko lalaglag ka!"
"Pre, san mo tinatago 'yang galing mo?"
Mga sigaw, palakpakan, palihim na pagbilang ng pera. Pero wala na sa kanya 'yon. Wala na ang thrill. Parang bawat panalo, mas lalo lang siyang nawawalan ng gana.
Walang tumatagal. Walang tunay. Walang Mikaella.
Ilang taon na ba? Lima. Limang taon na mula noong huling beses niyang narinig ang tawa ni Mika. Huling beses na may babaeng nakayakap sa likod niya habang binabagtas nila ang daan patungong Majayjay Falls.
Umalis si Alex ng Maynila.
Walang paalam. Walang sinabihan. Bitbit si Ragna, dinala siya ng mga gulong patimog—malayo sa ingay, malayo sa tao.
Umabot siya sa paborito nilang lugar: Laguna. Sa likod ng kabundukan, doon naroon ang tahimik na lagaslas ng tubig sa Majayjay. Wala pa ring signal. Wala ring turista.
At doon siya nanatili.
Pagdating niya sa falls, huminto siya saglit sa lugar kung saan sila naglatag ng tent ni Mikaella, limang taon na ang nakaraan.
Humiga siya sa damuhan.
At parang pelikulang biglang ni-rewind, binalikan ng isipan niya ang gabing iyon.
Walang ilaw, maliban sa buwan. Nasa loob sila ng tent. Pagod sa biyahe, pero punong-puno ng kilig.
"Ayokong bumaba bukas," bulong ni Mikaella habang nakapatong ang pisngi sa dibdib niya.
"Eh 'di 'wag," sagot niya, kasabay ng paglapat ng palad sa likod nito.
Mabagal. Maingat. Mainit.
Mula sa maliliit na halik sa leeg, hanggang sa pagdampi ng balat sa balat. Isa iyong gabing hindi nila binanggit pagkatapos. Walang label. Walang pangako.
Pero hindi niya nakalimutan.
Hindi niya kayang kalimutan.
Dahil sa dami ng babaeng lumapit at lumuhod sa harap niya mula noon, wala ni isa sa kanila ang nakapag-iwan ng fingerprint sa kaluluwa niya.10Please respect copyright.PENANAzGY19uph9L
Si Mika lang.
Tumindig si Alex at tiningnan ang malamig na tubig na umaagos. Ang motor niya nasa lilim ng puno. Tahimik. Parang naramdaman din ang bigat ng alaala.
"Putangina, Mika…"
Hinagod niya ang batok niya, pilit inaalis ang memorya, pero para siyang hinahabol ng isang multo na ayaw siyang tantanan.
"Nasaan ka na ba ngayon?"
Hindi niya alam na sa panahong ito—
Nasa parehong daan na rin si Mikaella.10Please respect copyright.PENANAuaSqxM8Syn
At hindi lang siya ang naghahabol ng hangin.10Please respect copyright.PENANAl0Pp3MrTf6
May humahabol na rin sa kanya.