
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.377Please respect copyright.PENANALAQgfz2PMt
377Please respect copyright.PENANAYoEIIsnDjp
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...377Please respect copyright.PENANAxFr7Jhgksq
377Please respect copyright.PENANANPI23bUgyn
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.377Please respect copyright.PENANADO2yPEUIaU
377Please respect copyright.PENANA1t80vMGeCf
- - - 377Please respect copyright.PENANAz40R9HLLuh
377Please respect copyright.PENANAgiuOhi5b51
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.377Please respect copyright.PENANABhuTSvxFfY
377Please respect copyright.PENANAUdYdnRKoEc
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.377Please respect copyright.PENANAunxy5an9Ab
377Please respect copyright.PENANAmTd4S9Jxzy
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 377Please respect copyright.PENANAJZqsUo0FR2
377Please respect copyright.PENANAdjztTJN4mr
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.377Please respect copyright.PENANAhwduyL3V7H
377Please respect copyright.PENANAQWRse3offE
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"377Please respect copyright.PENANAM6ZF9qLRdZ
377Please respect copyright.PENANAL1YsIDnwtU
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.377Please respect copyright.PENANAzs0Gg4k9vi
377Please respect copyright.PENANAu0euQVjSjp
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.377Please respect copyright.PENANAOtyAlcPGct
377Please respect copyright.PENANApqRHZKa42N
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."377Please respect copyright.PENANAhnkL1Xdum2
377Please respect copyright.PENANAqfhKIvfGKP
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.377Please respect copyright.PENANAE6psBk8Z2G
377Please respect copyright.PENANAYM2wNKDSop
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.377Please respect copyright.PENANArYIhOGn0WY
377Please respect copyright.PENANAJT1XI5NftP
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.377Please respect copyright.PENANAbOAqdcsu6I
377Please respect copyright.PENANA9DPqScEi0o
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.377Please respect copyright.PENANAXnVhNex9pd
377Please respect copyright.PENANAAP6zpO7bpJ
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.377Please respect copyright.PENANAkIa0jjzc9X
377Please respect copyright.PENANAHnrn9VkqDD
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.377Please respect copyright.PENANAZIgTPdXvqR
377Please respect copyright.PENANAFFXlAz3QLD
Huminga nang malalim si Abracosa.377Please respect copyright.PENANALUMHfM89W4
377Please respect copyright.PENANAkF1ZAirDuc
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.377Please respect copyright.PENANAQsWHJPHgJa
377Please respect copyright.PENANA7BUsp1Ve0s
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."377Please respect copyright.PENANAHHEmrdxvoN
377Please respect copyright.PENANANdwiq7oRlM
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.377Please respect copyright.PENANAS1Zv3Hs073
377Please respect copyright.PENANA2nIMzfAl1O
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."377Please respect copyright.PENANAzn9UYXmdhd
377Please respect copyright.PENANAvENeQtjchw
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"377Please respect copyright.PENANA6jMCKn5Cwi
377Please respect copyright.PENANAY6htO2Y3nD
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."377Please respect copyright.PENANAvhALl5Cn9x
377Please respect copyright.PENANApyHmdxjMDl
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"377Please respect copyright.PENANAcGSmz8IhWI
377Please respect copyright.PENANAj2tqrPVbCF
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."377Please respect copyright.PENANAjkAciiz0bU
377Please respect copyright.PENANAJsfBRmBjQn
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."377Please respect copyright.PENANAz85iWKgwgi
377Please respect copyright.PENANAUlYXYCrJwk
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."377Please respect copyright.PENANA0IeHrfHQ1G
377Please respect copyright.PENANAhjKyCmDsvc
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."377Please respect copyright.PENANAlPvVQwIt0L
377Please respect copyright.PENANAIpFrEubrIn
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."377Please respect copyright.PENANAoD9d0gQ3Hx
377Please respect copyright.PENANASNkgzN6Ww4
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."377Please respect copyright.PENANAKJkt0CsV6V
377Please respect copyright.PENANAor5uKPi1at
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."377Please respect copyright.PENANAAqvX5uYtME
377Please respect copyright.PENANAQDETxZ9rKe
Tumahimik sila nang ilang sandali.377Please respect copyright.PENANAj84N2yuHOC
377Please respect copyright.PENANAzFwSlt4BWA
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.377Please respect copyright.PENANAKwqaNEUbyA
377Please respect copyright.PENANA5LJunKoe4a
"Handa na akong mamatay para sa bayan."377Please respect copyright.PENANAskrvDccko4
377Please respect copyright.PENANAQGGCtGBnV1
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.377Please respect copyright.PENANArqOQHDkMK7
377Please respect copyright.PENANA3bGcvvgQxk
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."377Please respect copyright.PENANA2MxvPnwfFb
377Please respect copyright.PENANAtzNHNzAXtX
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.377Please respect copyright.PENANAFxMUWTBoxb
377Please respect copyright.PENANAROCrrJskHs
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.377Please respect copyright.PENANAu2XpFg9HQt
377Please respect copyright.PENANAdZxhZKgClW
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.377Please respect copyright.PENANAHWcGDkvVtP
377Please respect copyright.PENANAanXNnZ7Fqx
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”377Please respect copyright.PENANAa7PxMIaGqj
377Please respect copyright.PENANAs5mOIsRQRn
- - - 377Please respect copyright.PENANAVNLlFQhfix
377Please respect copyright.PENANA3itKutHKKK
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.377Please respect copyright.PENANAlrOzbEk5aT
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.377Please respect copyright.PENANAKXAIDCsSjp
377Please respect copyright.PENANAHa8SkWs1z2
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.377Please respect copyright.PENANAsDv5aNudz2
377Please respect copyright.PENANA5XVaVJNc2e
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.377Please respect copyright.PENANANXwk2bzxK5
377Please respect copyright.PENANAFFaYTxwjy6
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.377Please respect copyright.PENANAzyzskboZoQ
377Please respect copyright.PENANApXDXUIThf7
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.377Please respect copyright.PENANAKMrEWl5rw0
377Please respect copyright.PENANA3NeZpZol2E
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”377Please respect copyright.PENANAX0uwaeUJ1I
377Please respect copyright.PENANAQn1NTbrVqy
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.377Please respect copyright.PENANAsdZF471w6K
377Please respect copyright.PENANAMp3wnrKmKg
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.377Please respect copyright.PENANAjYUS6SAFlQ
377Please respect copyright.PENANAbhu4RU0WsO
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.377Please respect copyright.PENANAUdPMjEHgTs
377Please respect copyright.PENANA91c6qg0XSM
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.377Please respect copyright.PENANAORaEGcfbQF
377Please respect copyright.PENANAUoHmywIZp9
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”377Please respect copyright.PENANABQoW0d2NAq
377Please respect copyright.PENANAtppuy1FbZh
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.377Please respect copyright.PENANAtscWAmGsFA
377Please respect copyright.PENANAMY7eCLhgtF
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.377Please respect copyright.PENANAKW1vQt3Sxt
377Please respect copyright.PENANAk207V5doDM
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”377Please respect copyright.PENANAn46VgVKOu5
377Please respect copyright.PENANAb38D3apdvS
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”377Please respect copyright.PENANAQopclamvuW
377Please respect copyright.PENANAskuvwX3Zdt
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.377Please respect copyright.PENANA9eBt1PAkX9
377Please respect copyright.PENANA0g94qgjew0
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?377Please respect copyright.PENANAHy5SyjY9dN
377Please respect copyright.PENANAzCLlxc3516
- - - 377Please respect copyright.PENANABcW7R2qXhr
377Please respect copyright.PENANAUPTioyfVUe
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.377Please respect copyright.PENANAd22fjdSeK1
377Please respect copyright.PENANAHIE68wf1Wc
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.377Please respect copyright.PENANAm7YLJF3vmz
377Please respect copyright.PENANA6xFvxZf2wx
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.377Please respect copyright.PENANA8Ua1IgpiJv
377Please respect copyright.PENANAFZ4DyjmAKi
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.377Please respect copyright.PENANA63IrOP4NUC
377Please respect copyright.PENANAfYbuSwrnah
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"377Please respect copyright.PENANAKMOF2zjrBR
377Please respect copyright.PENANAeeji3xv9Yr
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."377Please respect copyright.PENANAH9gV1JAT6T
377Please respect copyright.PENANAyzEvMNmQdR
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.377Please respect copyright.PENANAlvz0f6zLwa
377Please respect copyright.PENANAsoZQ9ByO8o
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."377Please respect copyright.PENANAUFGMU4f4QE
377Please respect copyright.PENANA7olygX92UV
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"377Please respect copyright.PENANAuDWDc7vsTw
377Please respect copyright.PENANA8faI7aEjlB
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."377Please respect copyright.PENANAw4KSPiU4QD
377Please respect copyright.PENANAAJpq8QUaGC
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."377Please respect copyright.PENANAu7d7A64vhj
377Please respect copyright.PENANAPMZ20wUNj2
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."377Please respect copyright.PENANAom3f4JW4dH
377Please respect copyright.PENANA0KPIwfqEQY
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.377Please respect copyright.PENANAldA2HoTR3d
377Please respect copyright.PENANAnKRZwjfaje
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.377Please respect copyright.PENANAqFDIGERsDD
377Please respect copyright.PENANATYOQckFzYk
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.377Please respect copyright.PENANAeaZtXEoLdp
377Please respect copyright.PENANAByYPZ46OKC
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."377Please respect copyright.PENANAg8W9mDiC3J
377Please respect copyright.PENANA0YIgjOCxFt
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."377Please respect copyright.PENANAKBKiOmWDL1
377Please respect copyright.PENANAkx6BkEEPhF
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."377Please respect copyright.PENANAbdfXkkBi09
377Please respect copyright.PENANAcMsxoOC4ju
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.377Please respect copyright.PENANA0cgjCdJFSB
377Please respect copyright.PENANAeTzB6HXDYO
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.377Please respect copyright.PENANAJ7prW00SQZ
377Please respect copyright.PENANAqP7nmBjR7w
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.377Please respect copyright.PENANAISwUPVPKOM
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…377Please respect copyright.PENANAu9LrvomVlo
377Please respect copyright.PENANAtNWOHb7kj0
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.377Please respect copyright.PENANAPumwCaOWZU
377Please respect copyright.PENANAlqLx9YxWUe
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.377Please respect copyright.PENANAH4YGoateAd
377Please respect copyright.PENANAEQ724PGTKN
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.377Please respect copyright.PENANAx3no6sj92v
377Please respect copyright.PENANActIWS920RK
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”377Please respect copyright.PENANAyhKOFxx4ny
377Please respect copyright.PENANAjIQ5IxZbFS
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.377Please respect copyright.PENANAQX8M2FAZu2
377Please respect copyright.PENANAlvhUIoo2Pm
“Patawad, mahal.”377Please respect copyright.PENANAsgCMMSBTTq
377Please respect copyright.PENANAIC7ypC9DcG
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”377Please respect copyright.PENANASHwDz8iBvb
377Please respect copyright.PENANAwIdjq7jWlF
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.377Please respect copyright.PENANAlrpF1yKszw
377Please respect copyright.PENANA2M4sAZymrj
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”377Please respect copyright.PENANATSXXBUC9hO
377Please respect copyright.PENANApm7zMvPOiL
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.377Please respect copyright.PENANATT9PFiBDr9
377Please respect copyright.PENANAmwWGr4X2HS
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.377Please respect copyright.PENANA0nGoHSm1Ha
377Please respect copyright.PENANAwPpg4uREeu
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”377Please respect copyright.PENANAmVumKPdb0L
377Please respect copyright.PENANArgz9FvKBYV
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"377Please respect copyright.PENANAwxyLm9a0gQ
377Please respect copyright.PENANAdePRO0xzqP
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.377Please respect copyright.PENANALdOsfDHUS1
377Please respect copyright.PENANAGp1hy2WKTb
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.377Please respect copyright.PENANAP5nk1TWSmU
377Please respect copyright.PENANA8uncbPLRPs
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."377Please respect copyright.PENANAIZOlSlVGkV
377Please respect copyright.PENANAviOYaeV8N8
- - - 377Please respect copyright.PENANAjXEkwpKUzC
377Please respect copyright.PENANAAgrqSzrvXH
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.377Please respect copyright.PENANAi44yezR2VX
377Please respect copyright.PENANA5BVxvvFkLj
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.377Please respect copyright.PENANAA7FDuFPGKw
377Please respect copyright.PENANANsUpttv3jp
Ngunit hindi siya makalabas.377Please respect copyright.PENANA0wBWsuZfHJ
377Please respect copyright.PENANA4bD1aaGeLn
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.377Please respect copyright.PENANA8zuqCmq7OX
377Please respect copyright.PENANAxEhgqQIGb7
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.377Please respect copyright.PENANAH7l5tgK2mz
377Please respect copyright.PENANAKjrHYZ0PKk
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.377Please respect copyright.PENANApdP8t40yZm
377Please respect copyright.PENANAiBxDqHUaza
Nandito na ang Teccao.377Please respect copyright.PENANAVjY9pkuSxm
377Please respect copyright.PENANAyHNt3iYl3z
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.377Please respect copyright.PENANApVr5BaxIzZ
377Please respect copyright.PENANADtTpldAJ4X
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.377Please respect copyright.PENANAykkSiSqseD
377Please respect copyright.PENANAtdjhvnlvdo
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.377Please respect copyright.PENANAMiBwTnJ5Tj
377Please respect copyright.PENANAMBcKSyxVBJ
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.377Please respect copyright.PENANAZOU8ikIdqV
377Please respect copyright.PENANAIuV6IG1rCR
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 377Please respect copyright.PENANAki2FUwFDf7
377Please respect copyright.PENANAhQyOVuJJfa
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"377Please respect copyright.PENANAbL31sQunTn
377Please respect copyright.PENANAfXgmLeKafM
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”377Please respect copyright.PENANAuTzvdPqSpS
377Please respect copyright.PENANAqEoDwZNVGN
“Naiintindihan kita, Tydel.”377Please respect copyright.PENANAQW6t39ycvM
377Please respect copyright.PENANALbYMRobP6M
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.377Please respect copyright.PENANAxzjJZl0tKD
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”377Please respect copyright.PENANARrDBYqgWOv
377Please respect copyright.PENANA9wAwZVuG4r
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”377Please respect copyright.PENANALY6FY4xtVL
377Please respect copyright.PENANAXtl9zQcroj
“Paano, pa?”377Please respect copyright.PENANAuhVsMQcAut
377Please respect copyright.PENANAviQRBuD6ED
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 377Please respect copyright.PENANAqH68jV7OF4
377Please respect copyright.PENANAuix8pnOppP
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.377Please respect copyright.PENANAY0exLhtJeA
377Please respect copyright.PENANAcUyAYKpJfP
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.377Please respect copyright.PENANABpYApWugFa
377Please respect copyright.PENANARXPjz8EKo0
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”377Please respect copyright.PENANAWsGZXYSzW4
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.377Please respect copyright.PENANAyfF4dsPaUw
377Please respect copyright.PENANAF4hAQXhiau
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”377Please respect copyright.PENANAyj9RmNCHyL
377Please respect copyright.PENANAobZADuTckg
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”377Please respect copyright.PENANAHABImLmP83
377Please respect copyright.PENANAzIyxOIbqQq
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”377Please respect copyright.PENANAUExblqxgJx
377Please respect copyright.PENANAnPXDvyn7EZ
“Papa…” iyak ni Tydel.377Please respect copyright.PENANAg7zkxIBgWl
377Please respect copyright.PENANAvb3h2BUIZ0
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.377Please respect copyright.PENANAZqxdYd6aTk
377Please respect copyright.PENANAipvtBgxQy0
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”377Please respect copyright.PENANAFo2i8yqCdn
377Please respect copyright.PENANApvyunuyMlc
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”377Please respect copyright.PENANA8Kpi4c0i6d
377Please respect copyright.PENANAhsiGxLb7zB
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”377Please respect copyright.PENANAJuEkyksLQb
377Please respect copyright.PENANAbVE3VNcsFB
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.377Please respect copyright.PENANAig8kOSr8eM
377Please respect copyright.PENANAepkICjmI6n
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?377Please respect copyright.PENANAfxWYC9aj9u
377Please respect copyright.PENANAVgSaPsl8oK
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.377Please respect copyright.PENANAheBQftEVY8
377Please respect copyright.PENANAgmhhz0k9Tj
- - - 377Please respect copyright.PENANAfQJvffflk9
377Please respect copyright.PENANAd0L4M0YnIv
"Patay na ang hari." 377Please respect copyright.PENANAYxS3tbSdCO
377Please respect copyright.PENANANXpuLNZCp3
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.377Please respect copyright.PENANATpfOalUwT9
377Please respect copyright.PENANACYElvavWtj
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.377Please respect copyright.PENANAt2sYGnjFNZ
377Please respect copyright.PENANAWX3v9q69lV
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.377Please respect copyright.PENANAQUqKPe8Xyz
377Please respect copyright.PENANABUDS0JgwoB
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 377Please respect copyright.PENANA2VV5W2xUZ2
377Please respect copyright.PENANAjaZnOCOtdD
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.377Please respect copyright.PENANA1Z90rKMgMH
377Please respect copyright.PENANAIVIPQnYrfV
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.377Please respect copyright.PENANA1Fpdkg5Rme
377Please respect copyright.PENANAyrtMdr6FK9
"Ama… Mag-ingat rin kayo."377Please respect copyright.PENANAEYjjtfb3tA
377Please respect copyright.PENANAIhleh4D65G
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."377Please respect copyright.PENANA9Vrk0LP4cx
377Please respect copyright.PENANAp5KPwVuu7O
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.377Please respect copyright.PENANAtUkx9N8r8U
377Please respect copyright.PENANAeV5Dk71W9l
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."377Please respect copyright.PENANANwGv6kRZMK
377Please respect copyright.PENANAUSOJiyqjj5
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.377Please respect copyright.PENANAstTLmEu1cl
377Please respect copyright.PENANAF2knf8E4Ro
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."377Please respect copyright.PENANARpJFk8VTcw
377Please respect copyright.PENANAII2yRZiv2z
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."377Please respect copyright.PENANAFsrqW2VjFM
377Please respect copyright.PENANAvCBcX4FSlb
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.377Please respect copyright.PENANAjgZXrfLQOl
377Please respect copyright.PENANAQLaTEJKJia
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.377Please respect copyright.PENANAirUNJPGb7T
377Please respect copyright.PENANAEVjI76dfg4
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.377Please respect copyright.PENANAACFXjqTgIr
377Please respect copyright.PENANAgwDXVOaa56
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.377Please respect copyright.PENANAdIfkSvTMNh
377Please respect copyright.PENANAVTAGcP0cTU
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.377Please respect copyright.PENANAq72ft2Y4O5
377Please respect copyright.PENANA7SCQHYzXZT
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?377Please respect copyright.PENANAob4OmQt24P
377Please respect copyright.PENANA3HnEFHVkz3
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.377Please respect copyright.PENANA5WGSIyGBxe
377Please respect copyright.PENANAcixE6jf047
"Paalam, Midnia."377Please respect copyright.PENANApppg6q9ORi
377Please respect copyright.PENANAkRJrakiy8M
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.377Please respect copyright.PENANA98PNeUiVLr
377Please respect copyright.PENANAEVXYcR3MNj