Malaya niyang tinatanaw ang magandang tanawin sa kanyang harap. Nasa isa siyang bangin at nakaupo sa dulo niyon. Nililipad ng hangin ang may kataasan niyang buhok. Paghampas ng tubig sa ibaba ang tanging naririnig at ang simoy ng hangin nang biglang liparin ng hangin ang kanyang sumbrerong nakapatong sa kanyang hita. Kaagad niya iyong hinawakan at ibinalik sa kanyang hita. Muntik pa siyang mahulog sa pag-abot niyon, ngunit hindi man lang kina bakasan ng takot ang kanyang mukha.
Ninanamnam lamang niya ang ganda ng kapaligiran, ksama na roon ang pagpapakalma sa sistema niyang nalulumbay. Ni hindi niya namalayan ang pagsulpot ng babae sa kanyang likuran.
"Nakapagpaalam ka na ba?" Tanong nito na ikinaigtad niya bagaman hindi niya ito pinahalata.
"Ginulat mo ako." Sabi niya tsaka tumayo at isinuot ang sumbrero. Ngayon ay mas kitang-kita niya ang kabuuan ng dagat na nasa harap niya. Napangiti siya ng mapait at humarap sa babae.
"Hindi na ako magpapaalam..." huminga ng malalim at nagpatuloy "...ayokong magbago ang isip ko, Luna. Sapat na ang mga sandaling ipinaramdam ko sa kanya kung gano ko siya kamahal."
Matagal siyang tinitigan ng babae. Kung wariin ay tila ate na niya ito, kung pagbabasehan lang ang pisikal na anyo nito. Mukha pa niya itong ate kahit na kung tutuusin ay kasing-edad na ito ng mga ninuno nila. "Kung ganon ay, handa ka na ba?" tanong nito.
Napa-buntong hininga nalang siya at tumingin sa langit. "Kung pagbibigyan ako ni Lord, mas gugustuhin ko pang mabuhay at manatili dito. Pero, yun ay kung bibigyan pa ako ng chance."
"You had your chances, Leo..."
"I do. Yes, I do. At alam mo namang hindi ko yun sinayang diba? Ginawa ko ang lahat para makilala niya ako pero... walang nangyari." Mapait niyang saad bago muling tumingin sa dagat. Ramdam ng babae ang sakit na nararamdaman ni Leo, ngunit kahit gustuhin man niya na manatili nalang dito si Leo ay wala na rin siyang magagawa. Wala siyang kakayahang gawin iyon. At sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng lungkot ang babae para sa mga taong sinusundo niya katulad ni Leo.
"Handa na ako, Luna." Tumango ang babae at sa isang iglap ay nagpalit ito ng anyo. Naging isa itong diwata.
Lumakad si Leo patungo sa diwata at tumabi rito. May kung ano itong ibinulong dahilan upang lumitaw ang isang lagusan. Para lamang itong ilusyon at kasing laki ito ng pintuan sa kanyang kwarto. Naunang pumasok rito ang diwata.
Mabigat ang bawat hakbang niya papunta sa lagusan. Mamimiss niya ang lugar na ito. Ang mundong ito. Ang pamilyang kinagisnan niya, ang mga kaibigan niya, at higit sa lahat, ang babaeng minamahal niya.
Alam niyang kapag nakaalis na siya ay tiyak na maglalaho na parang bula ang mga alaala niyang naiwan sa mga taong naging parte ng misyon niya. Alam niyang babalik sa dati ang lahat kung saan hindi pa siya kilala ng mga taong yun. At alam niyang makakalimutan siya ng babaeng pinakamamahal niya.
Nung isang hakbang nalang ang kilangan para makapasok na siya sa lagusan ay di sinasadyang nahagip ng kanyang mata ang bulto ng isang tao sa di kalayuan. Kahit nakayuko ito ay kilalang-kilala niya iyon. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at halos madurog ang puso niya nang makita niya itong umiiyak. Hindi na siya nagulat nang makita niya ito, alam niyang may nakapagsabi na sa kanyang minamahal kung anong nangyayari. Napangiti siya ng mapait.
"Paalam, Marie."647Please respect copyright.PENANAOPe5fpd2fN
647Please respect copyright.PENANAcDpJDsuMuk
647Please respect copyright.PENANAeY22UHkXCt
647Please respect copyright.PENANA8mwzrUFfRz
647Please respect copyright.PENANAuoruro0kv9
647Please respect copyright.PENANAOqhW8KI7bo
647Please respect copyright.PENANAO6ikcipTxp
647Please respect copyright.PENANAtO4MhHGofd
647Please respect copyright.PENANATpA7tE3nLX
647Please respect copyright.PENANAOSuUrvdOyx
647Please respect copyright.PENANAyBwy5CMqCg
647Please respect copyright.PENANALF988tNGST
647Please respect copyright.PENANAWbxe500Ly8
647Please respect copyright.PENANAEwcA8pI8xw
647Please respect copyright.PENANAOpnnefSEmP
647Please respect copyright.PENANAUGdGmJsG4j
647Please respect copyright.PENANA1WmYQnwpKd
647Please respect copyright.PENANAQff5v36xeh
647Please respect copyright.PENANAOSi5DpTnrU
647Please respect copyright.PENANAygpqeNaQnt
647Please respect copyright.PENANAStGflZAncv
647Please respect copyright.PENANAwYWR3nyUIy
647Please respect copyright.PENANAxSQD8gGpdr
647Please respect copyright.PENANAh09YADSfGb
647Please respect copyright.PENANAg98yynPEaM
647Please respect copyright.PENANAR8sUvyX0sO
647Please respect copyright.PENANA1XDd3kdfh0
647Please respect copyright.PENANA97cyiifrFh
@All Rights Reserved.
This is work of fiction. Places, characters, events are fictitious. Any resemblance to a real person, living or dead, are purely coincidental.
No parts of this story may be reproduced, transmitted by any means without the prior permission from the author.
There are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all incidents are merely invention.
PLAGIARISM IS CRIME.647Please respect copyright.PENANA7PlmFPcnLl
Afterlife...647Please respect copyright.PENANA6FeZvjIBss
By: aesthetic_iris