
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.381Please respect copyright.PENANAVuCCpvl9ef
381Please respect copyright.PENANA2W9N7yI0ja
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...381Please respect copyright.PENANAnADCTngCpv
381Please respect copyright.PENANAVUv7xrePjC
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.381Please respect copyright.PENANAkEq0mO4s1E
381Please respect copyright.PENANAj7aCEAPdLU
- - - 381Please respect copyright.PENANAXRoK2ztEIF
381Please respect copyright.PENANAHQTuPzbTwf
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.381Please respect copyright.PENANAXgErsYVr1o
381Please respect copyright.PENANAhHHYxsrQzs
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.381Please respect copyright.PENANA42HlDZo0Sn
381Please respect copyright.PENANAPO5fv9DaPR
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 381Please respect copyright.PENANAcROnou7KpH
381Please respect copyright.PENANAOdx5POpqMl
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.381Please respect copyright.PENANAgsf05o6fNp
381Please respect copyright.PENANAoyj63KoiDI
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"381Please respect copyright.PENANAbDxNog3Z6O
381Please respect copyright.PENANA1ieQKH9LWJ
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.381Please respect copyright.PENANAdgHkTk8rHP
381Please respect copyright.PENANAXLIXpquk1f
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.381Please respect copyright.PENANAKp8WIODv5o
381Please respect copyright.PENANAQe2oB5NPW9
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."381Please respect copyright.PENANAnex2bvJBpO
381Please respect copyright.PENANAr8zIHOfOdC
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.381Please respect copyright.PENANA5IWpPzY3yi
381Please respect copyright.PENANAsRlkTajLkN
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.381Please respect copyright.PENANAvGiJG4Bofw
381Please respect copyright.PENANAXJScr5Dlkx
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.381Please respect copyright.PENANAWeGUzvLIFJ
381Please respect copyright.PENANATGEHaXuk7U
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.381Please respect copyright.PENANAzCWS4pkNHq
381Please respect copyright.PENANAaHHbNNt6PA
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.381Please respect copyright.PENANAckvkkaCySo
381Please respect copyright.PENANAwNos2ceae6
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.381Please respect copyright.PENANAv3tGvT6Ng6
381Please respect copyright.PENANA0DBDXCYaG0
Huminga nang malalim si Abracosa.381Please respect copyright.PENANAQ83qUk57n3
381Please respect copyright.PENANAwziwUjOyEM
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.381Please respect copyright.PENANA2aZXtFVMyT
381Please respect copyright.PENANAnUvipSJuvP
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."381Please respect copyright.PENANAgpM5FLScMY
381Please respect copyright.PENANA8lKNniz6sY
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.381Please respect copyright.PENANAmLH3hNFytl
381Please respect copyright.PENANAOZlbnMX6jf
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."381Please respect copyright.PENANAcM8zKLI7EY
381Please respect copyright.PENANAblERfdlXtm
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"381Please respect copyright.PENANAbMySFONW9k
381Please respect copyright.PENANAvJbFUjbFWL
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."381Please respect copyright.PENANAPE7bf6R8Ji
381Please respect copyright.PENANAR4tb7eTVwf
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"381Please respect copyright.PENANAPNsqKCe1pE
381Please respect copyright.PENANAI3Y2fIcJtS
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."381Please respect copyright.PENANAqW1x15qKuA
381Please respect copyright.PENANA7tLc7XSxG5
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."381Please respect copyright.PENANAvLC6SkILt2
381Please respect copyright.PENANAetGO10qnPd
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."381Please respect copyright.PENANAfFv7qSbMYa
381Please respect copyright.PENANARIgpagodqW
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."381Please respect copyright.PENANA2zfStlYokM
381Please respect copyright.PENANAnvUp2RNozK
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."381Please respect copyright.PENANA8mxqLqDcgr
381Please respect copyright.PENANAspVHLx9RCc
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."381Please respect copyright.PENANAN31TsWTyXB
381Please respect copyright.PENANAYWWPs7O1rb
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."381Please respect copyright.PENANA99IGoYz3rP
381Please respect copyright.PENANABoqzf5Bogg
Tumahimik sila nang ilang sandali.381Please respect copyright.PENANAoRGzLPvevD
381Please respect copyright.PENANAyjQG9UPhLX
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.381Please respect copyright.PENANAW7HXDrc41E
381Please respect copyright.PENANAnjVI4kz6qJ
"Handa na akong mamatay para sa bayan."381Please respect copyright.PENANAaQWMAKOhpR
381Please respect copyright.PENANASCzua8Jox0
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.381Please respect copyright.PENANAKM5tz3jsui
381Please respect copyright.PENANAG3l70VwCSQ
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."381Please respect copyright.PENANAreNR7YuUjL
381Please respect copyright.PENANAk6T11RneR7
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.381Please respect copyright.PENANAIf3NqB9GKf
381Please respect copyright.PENANAajoxFAuLbO
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.381Please respect copyright.PENANAGDvNOwK2td
381Please respect copyright.PENANALogYDNd6R9
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.381Please respect copyright.PENANA9C8Ypi4BCi
381Please respect copyright.PENANAlATgWvcjYO
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”381Please respect copyright.PENANAHqYbcAX9Ov
381Please respect copyright.PENANAexNyHuwadv
- - - 381Please respect copyright.PENANAG3bqHRh7kK
381Please respect copyright.PENANAmDH5bYk8d5
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.381Please respect copyright.PENANA5RCTpOy7yB
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.381Please respect copyright.PENANAMG3fH39UVR
381Please respect copyright.PENANAgtnMyMidtO
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.381Please respect copyright.PENANAdvgmHxNtQu
381Please respect copyright.PENANA3fHH0rt75S
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.381Please respect copyright.PENANAMohILLzoLs
381Please respect copyright.PENANAj0E9F9FMaO
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.381Please respect copyright.PENANAQmG18nebJN
381Please respect copyright.PENANAomTLGJutJe
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.381Please respect copyright.PENANA74LiD6rt8v
381Please respect copyright.PENANAfsYTckT7CL
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”381Please respect copyright.PENANAL2JtA1nv5c
381Please respect copyright.PENANAxUKZLAi4pH
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.381Please respect copyright.PENANAbXumUFNdh5
381Please respect copyright.PENANAwP238IZGPK
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.381Please respect copyright.PENANAdeCcdHRkK1
381Please respect copyright.PENANApVMtSaGVyW
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.381Please respect copyright.PENANAfLVwC1TkoN
381Please respect copyright.PENANA4KclXZSlPn
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.381Please respect copyright.PENANA7Yw41lioOv
381Please respect copyright.PENANARGj4qckjj5
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”381Please respect copyright.PENANAUVD9UPw2UN
381Please respect copyright.PENANAWVYz6nwzNn
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.381Please respect copyright.PENANAD5oSa4zxN5
381Please respect copyright.PENANA2n9alTdn7Z
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.381Please respect copyright.PENANARslxJC3fwO
381Please respect copyright.PENANAwKWxLfp0Uh
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”381Please respect copyright.PENANAip88W5YpcI
381Please respect copyright.PENANAF1Lf6ZsbrK
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”381Please respect copyright.PENANAd94PKZZqBs
381Please respect copyright.PENANAgLNzJ84liu
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.381Please respect copyright.PENANAj1xfEh07Ge
381Please respect copyright.PENANA1MvWMmFeVx
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?381Please respect copyright.PENANACQ7b6HwrL4
381Please respect copyright.PENANAhLuHFVcImq
- - - 381Please respect copyright.PENANAhixRazRt5k
381Please respect copyright.PENANAFs5LBoWuWf
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.381Please respect copyright.PENANAPqrTNkwH2s
381Please respect copyright.PENANAzakcBE36GG
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.381Please respect copyright.PENANAq8DneV2ser
381Please respect copyright.PENANAGFzzIeQE1J
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.381Please respect copyright.PENANAtz7ZS2Fuy0
381Please respect copyright.PENANAetYZjr6GqE
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.381Please respect copyright.PENANAbXvr1AiVs4
381Please respect copyright.PENANAM5MnMeCeTP
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"381Please respect copyright.PENANAQOWDcS9KgA
381Please respect copyright.PENANAoIQeWkT9ef
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."381Please respect copyright.PENANAafRf1qf96B
381Please respect copyright.PENANAHE9meFRvJj
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.381Please respect copyright.PENANAGrLpUNevIB
381Please respect copyright.PENANAYwaTRY7JRM
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."381Please respect copyright.PENANAOV4WuHVDdN
381Please respect copyright.PENANAoq4L1FuUEL
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"381Please respect copyright.PENANACblrIq910A
381Please respect copyright.PENANAAHBe4W76sr
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."381Please respect copyright.PENANACLqjdDtn0g
381Please respect copyright.PENANA2o67purlYT
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."381Please respect copyright.PENANA6LBayKKdLf
381Please respect copyright.PENANAtu6CQZACju
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."381Please respect copyright.PENANA53nRUiCsgv
381Please respect copyright.PENANAnH2uL8QLHs
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.381Please respect copyright.PENANA01M4OgWZ0o
381Please respect copyright.PENANADn8NnWrlka
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.381Please respect copyright.PENANArWMjAq9eme
381Please respect copyright.PENANAIOKuhHdbCo
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.381Please respect copyright.PENANArXMgOfsvIF
381Please respect copyright.PENANAOqQjLjPUE7
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."381Please respect copyright.PENANAjafn8O0gJi
381Please respect copyright.PENANASNBbTD5D2s
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."381Please respect copyright.PENANA9fgJvGQFvV
381Please respect copyright.PENANA8Wi89iAXhi
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."381Please respect copyright.PENANAyLqaMoWMg2
381Please respect copyright.PENANAIvVl4MQmqJ
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.381Please respect copyright.PENANASSvjxy8c3x
381Please respect copyright.PENANAH9jsZwtraB
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.381Please respect copyright.PENANAXwz6eNk3ko
381Please respect copyright.PENANAfUWvJPNxPJ
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.381Please respect copyright.PENANA36d4O9ansF
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…381Please respect copyright.PENANAYKbfYcIZUx
381Please respect copyright.PENANA05D8ybitEb
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.381Please respect copyright.PENANAxs4oqJaZAe
381Please respect copyright.PENANALhLIHYev0Q
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.381Please respect copyright.PENANA2sNLeAWf0t
381Please respect copyright.PENANAdPtoAcptwz
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.381Please respect copyright.PENANApLnbBOzffL
381Please respect copyright.PENANAX561c1P12U
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”381Please respect copyright.PENANAReV4mTOhVl
381Please respect copyright.PENANATLFlDUxx1d
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.381Please respect copyright.PENANA8yy5sDDNpV
381Please respect copyright.PENANA1C2fOgIF2k
“Patawad, mahal.”381Please respect copyright.PENANAkZrg3TNydw
381Please respect copyright.PENANAb2kFQLFnJf
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”381Please respect copyright.PENANArYpj605SBq
381Please respect copyright.PENANA9a5bHFs1Q4
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.381Please respect copyright.PENANAOKIlcFftBY
381Please respect copyright.PENANA6EzXI9qY5F
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”381Please respect copyright.PENANA5BRZIgXM6W
381Please respect copyright.PENANA1s9ds4oinE
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.381Please respect copyright.PENANAYxyA9FYfRq
381Please respect copyright.PENANAkIAyOl6EpI
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.381Please respect copyright.PENANAaRq4Mt3cSq
381Please respect copyright.PENANA4Kv67vkJ3z
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”381Please respect copyright.PENANAdFhmS6xKst
381Please respect copyright.PENANAchJv6dBoAK
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"381Please respect copyright.PENANA3XmZO48rfs
381Please respect copyright.PENANA9p6Ul6kZVv
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.381Please respect copyright.PENANAYwLOdyWTYr
381Please respect copyright.PENANAqV73VZqU5w
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.381Please respect copyright.PENANAplpyX3YWJl
381Please respect copyright.PENANA48caTK0uJl
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."381Please respect copyright.PENANAgSzBylMJcK
381Please respect copyright.PENANAcXOTYVoE5W
- - - 381Please respect copyright.PENANAAi4vm9QruN
381Please respect copyright.PENANAi8xUhPneTg
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.381Please respect copyright.PENANAdum3lnIus2
381Please respect copyright.PENANAOpNxEUumrT
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.381Please respect copyright.PENANAEnT7dVXimZ
381Please respect copyright.PENANAqNUX6uI3gz
Ngunit hindi siya makalabas.381Please respect copyright.PENANAhM2DeIx3Gq
381Please respect copyright.PENANAE7fUOCvAFn
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.381Please respect copyright.PENANAPAnsLAzZMq
381Please respect copyright.PENANABAfgUmatQJ
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.381Please respect copyright.PENANA4xQOixcgR8
381Please respect copyright.PENANA80YSGmbgXI
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.381Please respect copyright.PENANAM7eXS5eNsR
381Please respect copyright.PENANADZqqaHKjdg
Nandito na ang Teccao.381Please respect copyright.PENANAAAs94H1RbV
381Please respect copyright.PENANAFila3esWBV
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.381Please respect copyright.PENANAf4EpyJDWDw
381Please respect copyright.PENANAeVVjTlTzsf
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.381Please respect copyright.PENANAZ3lha3nalW
381Please respect copyright.PENANATjpysqPYYR
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.381Please respect copyright.PENANAafqc9RD5CT
381Please respect copyright.PENANAzYFcJq8oSi
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.381Please respect copyright.PENANAyPPk49Ukfy
381Please respect copyright.PENANA3sECg003ai
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 381Please respect copyright.PENANA4mrNEu9W6N
381Please respect copyright.PENANAYTcYJJ5oTx
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"381Please respect copyright.PENANAvvoSxPktQN
381Please respect copyright.PENANALHNNf6Nech
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”381Please respect copyright.PENANAtBc6bGFPeJ
381Please respect copyright.PENANAQ04k0Lbq0k
“Naiintindihan kita, Tydel.”381Please respect copyright.PENANAVuk39qr5td
381Please respect copyright.PENANAQFLDEOt3X4
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.381Please respect copyright.PENANAMQKoN3tCS0
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”381Please respect copyright.PENANAHh4jdUGXgf
381Please respect copyright.PENANAEEevLkuohg
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”381Please respect copyright.PENANA3Ra70HMxLQ
381Please respect copyright.PENANAfgLK30Ytrt
“Paano, pa?”381Please respect copyright.PENANA4DPLMVjIlf
381Please respect copyright.PENANAt7NsPANT8Z
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 381Please respect copyright.PENANAL7uXKTmAAP
381Please respect copyright.PENANAQkxeNW79YJ
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.381Please respect copyright.PENANA99eEdM0q8a
381Please respect copyright.PENANACffKSkAp6g
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.381Please respect copyright.PENANAexTtjvgvGW
381Please respect copyright.PENANAVex6pPZNMG
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”381Please respect copyright.PENANApLCeRLN5QI
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.381Please respect copyright.PENANAHz9E43OQYB
381Please respect copyright.PENANASISLOIOfpE
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”381Please respect copyright.PENANAswX9TJTEy0
381Please respect copyright.PENANAWgl3EtnD1j
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”381Please respect copyright.PENANAyor5lUhHnL
381Please respect copyright.PENANAKbYj2Zdfyv
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”381Please respect copyright.PENANAPchTNxEZMc
381Please respect copyright.PENANA5KbeebY8Ja
“Papa…” iyak ni Tydel.381Please respect copyright.PENANAtEeXEMsWgc
381Please respect copyright.PENANAhKW5m6Y3KH
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.381Please respect copyright.PENANAqx7YjRkz8k
381Please respect copyright.PENANAxCgCugb20U
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”381Please respect copyright.PENANAT4R8FHYoq8
381Please respect copyright.PENANAfVhgBNNFPa
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”381Please respect copyright.PENANAuP4HYwBXIU
381Please respect copyright.PENANAgzlvpbHsLN
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”381Please respect copyright.PENANAD1JzTMjT2h
381Please respect copyright.PENANAvNsB3HtvLM
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.381Please respect copyright.PENANArYhgdoZRYV
381Please respect copyright.PENANAJtLuipkJpg
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?381Please respect copyright.PENANAkc4ZsfRUEQ
381Please respect copyright.PENANAyydl1bbhhS
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.381Please respect copyright.PENANA1tfc0P9ObE
381Please respect copyright.PENANACRNhDYqxC1
- - - 381Please respect copyright.PENANA8WKjFsialq
381Please respect copyright.PENANAzcZzi3nWri
"Patay na ang hari." 381Please respect copyright.PENANATaq1hklWcP
381Please respect copyright.PENANAR2IpPL2rd3
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.381Please respect copyright.PENANAseOkb0BG0k
381Please respect copyright.PENANAORX43KdgPC
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.381Please respect copyright.PENANA1hBSlAFW9A
381Please respect copyright.PENANAS6otnwLzPk
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.381Please respect copyright.PENANAisBOq1Q6Hk
381Please respect copyright.PENANArZioSvvwbS
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 381Please respect copyright.PENANAMnCZmGFFuk
381Please respect copyright.PENANAG26ckLMr8j
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.381Please respect copyright.PENANAVIrNPYQkRl
381Please respect copyright.PENANAaw2DNSfjfU
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.381Please respect copyright.PENANAtC2GK94ji4
381Please respect copyright.PENANAIQVEBBNWqA
"Ama… Mag-ingat rin kayo."381Please respect copyright.PENANAVlgLpKrull
381Please respect copyright.PENANAy46xGU0jBh
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."381Please respect copyright.PENANAJldHBXfsek
381Please respect copyright.PENANAxNidUEc2sx
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.381Please respect copyright.PENANA6tsH5dCkfJ
381Please respect copyright.PENANAIbdpV7uJis
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."381Please respect copyright.PENANAKETvQV8lSs
381Please respect copyright.PENANAIPq3yL1t2P
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.381Please respect copyright.PENANAtuEw6YGXqS
381Please respect copyright.PENANAs0FwtlaxvD
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."381Please respect copyright.PENANAzmMZkpeuz3
381Please respect copyright.PENANAQeCb6Mjlq8
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."381Please respect copyright.PENANAp4csydp460
381Please respect copyright.PENANAJ4hyM3d3At
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.381Please respect copyright.PENANAh0yiXsyP1Z
381Please respect copyright.PENANAhtlREuCfhy
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.381Please respect copyright.PENANAqZJG2YJNIP
381Please respect copyright.PENANAPbj0x2M8U5
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.381Please respect copyright.PENANAltTWpFKoJm
381Please respect copyright.PENANAXDUUkCY7c6
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.381Please respect copyright.PENANAKh53B16aGo
381Please respect copyright.PENANA4anPEuRU3w
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.381Please respect copyright.PENANAfhxxNDAkcx
381Please respect copyright.PENANATpvSvcWfWk
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?381Please respect copyright.PENANAUJpz9FxQnr
381Please respect copyright.PENANABJtWd7pfQs
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.381Please respect copyright.PENANAQY7zHapgfX
381Please respect copyright.PENANAM48Gfxb94A
"Paalam, Midnia."381Please respect copyright.PENANAFwUtQFYLyf
381Please respect copyright.PENANAkajbd6oz2E
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.381Please respect copyright.PENANAjxR00MHApj
381Please respect copyright.PENANAMC5wiGi1G4