
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.380Please respect copyright.PENANAoew7rCUZDW
380Please respect copyright.PENANAiW0o9PRBnW
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...380Please respect copyright.PENANAp5IFf2SGeA
380Please respect copyright.PENANAnz4kFV0BmN
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.380Please respect copyright.PENANAzjttkQQpKK
380Please respect copyright.PENANARvFVOkoa0b
- - - 380Please respect copyright.PENANA1ZmiRFZuOR
380Please respect copyright.PENANAG1z3GeDqex
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.380Please respect copyright.PENANAmCSYpx7Kq9
380Please respect copyright.PENANAiB9x8P5B87
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.380Please respect copyright.PENANAUSFxkwlFMd
380Please respect copyright.PENANA9CP6LJefeT
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 380Please respect copyright.PENANAoXagkeTujU
380Please respect copyright.PENANAfUbiubvNlN
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.380Please respect copyright.PENANAGSyjTgNKMH
380Please respect copyright.PENANAHtX4jpI4V5
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"380Please respect copyright.PENANA7sXWZCVOSx
380Please respect copyright.PENANAlmP4LrXjgx
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.380Please respect copyright.PENANAH0TDwWFTlO
380Please respect copyright.PENANA5KU0k7MEOI
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.380Please respect copyright.PENANAhherLU6ebG
380Please respect copyright.PENANAQAmnR5lUOF
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."380Please respect copyright.PENANAWonFnfzce4
380Please respect copyright.PENANAUId53Es9Gs
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.380Please respect copyright.PENANAIwcA2nN4Av
380Please respect copyright.PENANA9Pm3eM7q3i
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.380Please respect copyright.PENANAOPWPjAcQcH
380Please respect copyright.PENANAytosfStNJQ
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.380Please respect copyright.PENANAfHXPMaRDt7
380Please respect copyright.PENANAdOIhrc9q56
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.380Please respect copyright.PENANATiA5oIB9Jt
380Please respect copyright.PENANAAtapmvUaYE
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.380Please respect copyright.PENANAgVjhIw13Oj
380Please respect copyright.PENANA2vkls7uNya
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.380Please respect copyright.PENANAL0gYYcQJzk
380Please respect copyright.PENANAsJKbyweZp4
Huminga nang malalim si Abracosa.380Please respect copyright.PENANAu9pRTXHIDJ
380Please respect copyright.PENANAODEgnmD0Ob
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.380Please respect copyright.PENANApOBnLdqhd2
380Please respect copyright.PENANAccJiFDvRDn
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."380Please respect copyright.PENANANK9Zg9xA2U
380Please respect copyright.PENANACBIsa85MOO
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.380Please respect copyright.PENANAlUbUacSatf
380Please respect copyright.PENANAYpzwYE2pk1
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."380Please respect copyright.PENANAnVUn2J8rvj
380Please respect copyright.PENANAtbYFEnYuTf
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"380Please respect copyright.PENANAIjAFSAWZNR
380Please respect copyright.PENANAhy752VNV6Z
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."380Please respect copyright.PENANAGeN8aabbsm
380Please respect copyright.PENANAXjH0YMApyU
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"380Please respect copyright.PENANAvuZTUKL0RT
380Please respect copyright.PENANADWBNaefzCc
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."380Please respect copyright.PENANAwI6bJM7YNu
380Please respect copyright.PENANADj6yAwF6hy
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."380Please respect copyright.PENANAerQjL7uK6d
380Please respect copyright.PENANAAYceeRqCMa
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."380Please respect copyright.PENANAQqSmgXdsRH
380Please respect copyright.PENANAZTS66uwTx4
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."380Please respect copyright.PENANA04bz58uTEG
380Please respect copyright.PENANA98HacNgqGf
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."380Please respect copyright.PENANAc1fzsgyADu
380Please respect copyright.PENANAuZqvu2Xn4E
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."380Please respect copyright.PENANAWNWIWZn3YR
380Please respect copyright.PENANAw6TAd03pTR
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."380Please respect copyright.PENANANXSxyYjyiZ
380Please respect copyright.PENANAddRChiSDfa
Tumahimik sila nang ilang sandali.380Please respect copyright.PENANAqmVwsSbg2L
380Please respect copyright.PENANAzD7cEMzbku
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.380Please respect copyright.PENANA0RJn2g30Xm
380Please respect copyright.PENANAld1dPdcb7H
"Handa na akong mamatay para sa bayan."380Please respect copyright.PENANAMJawpRT2ZB
380Please respect copyright.PENANAdDDcVRocAQ
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.380Please respect copyright.PENANAKfuVMl9v00
380Please respect copyright.PENANAxkYdEKVpoC
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."380Please respect copyright.PENANAvWUYRmvDnp
380Please respect copyright.PENANACMOYkNPSid
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.380Please respect copyright.PENANACn4cqCnJxX
380Please respect copyright.PENANA4grQadTild
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.380Please respect copyright.PENANAt2LVi4Jxqc
380Please respect copyright.PENANAAW9462QWb6
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.380Please respect copyright.PENANAsO36axNzGQ
380Please respect copyright.PENANA1GsLEamljd
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”380Please respect copyright.PENANAqVvVjRZopg
380Please respect copyright.PENANAdmZhQqn5yJ
- - - 380Please respect copyright.PENANAlFDPi6GdBp
380Please respect copyright.PENANACFoTA9HM99
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.380Please respect copyright.PENANA2yVxIU5tT5
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.380Please respect copyright.PENANAe3ZfpXH4YK
380Please respect copyright.PENANAgsOMfwqhbg
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.380Please respect copyright.PENANALp72C95edX
380Please respect copyright.PENANAIwtR8x3E4R
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.380Please respect copyright.PENANAqlUPLZfkua
380Please respect copyright.PENANAleV2nTTvpO
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.380Please respect copyright.PENANA6VgrILt14t
380Please respect copyright.PENANASkyI5p2fPY
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.380Please respect copyright.PENANAmm3XsztpLD
380Please respect copyright.PENANARoxaEXD4RH
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”380Please respect copyright.PENANAI5zJwtjOlp
380Please respect copyright.PENANAththUTwN5I
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.380Please respect copyright.PENANA7RIdRYVNvp
380Please respect copyright.PENANAolJa6JwZPw
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.380Please respect copyright.PENANACFsayu7luE
380Please respect copyright.PENANAYn52D0G215
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.380Please respect copyright.PENANAvmdMp0Pee8
380Please respect copyright.PENANAyQonGShxa3
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.380Please respect copyright.PENANAR1TRv2WSLC
380Please respect copyright.PENANAdbAiAwAQOC
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”380Please respect copyright.PENANAsVYJpVNrEo
380Please respect copyright.PENANAXUFB70QzLx
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.380Please respect copyright.PENANAbCdaej3wZy
380Please respect copyright.PENANAM3m8xxpmeC
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.380Please respect copyright.PENANAC2rAHiTMYP
380Please respect copyright.PENANASXHOPqn9qc
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”380Please respect copyright.PENANAhQ8iCSodkz
380Please respect copyright.PENANA0lslt67ejg
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”380Please respect copyright.PENANAmh21hTJRbj
380Please respect copyright.PENANAl74aOV5I4E
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.380Please respect copyright.PENANAIWIxO2xEUL
380Please respect copyright.PENANApekIOeJJvN
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?380Please respect copyright.PENANATFYoDhG8nJ
380Please respect copyright.PENANA7vFOx3AS3t
- - - 380Please respect copyright.PENANAWks1MZyTBS
380Please respect copyright.PENANAS7wgnoyHXJ
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.380Please respect copyright.PENANAYdmMN2Rvko
380Please respect copyright.PENANALz5LUS40Zm
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.380Please respect copyright.PENANAAuAhuPthri
380Please respect copyright.PENANAIajxQMidZ8
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.380Please respect copyright.PENANA5ALbAdaxlp
380Please respect copyright.PENANADozklUjfYS
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.380Please respect copyright.PENANAVjI8W6y0uI
380Please respect copyright.PENANAhmarVkZC8t
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"380Please respect copyright.PENANAQL7a1jMION
380Please respect copyright.PENANAAxqbe7kgCu
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."380Please respect copyright.PENANAA1Bl1qBehs
380Please respect copyright.PENANActz8z9j49D
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.380Please respect copyright.PENANAEbUy1fIFl6
380Please respect copyright.PENANABGHBti9nDQ
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."380Please respect copyright.PENANANQkf3bE586
380Please respect copyright.PENANArEYKGJkwP9
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"380Please respect copyright.PENANAkr0jFCH7WM
380Please respect copyright.PENANACTJXwfuI5y
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."380Please respect copyright.PENANADgcAcKkM0h
380Please respect copyright.PENANA3wub2NUL24
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."380Please respect copyright.PENANAGBUtvPvCJV
380Please respect copyright.PENANA4X8nwVW18N
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."380Please respect copyright.PENANAredewAM2xu
380Please respect copyright.PENANA7rHJznch0u
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.380Please respect copyright.PENANArD4irDviLA
380Please respect copyright.PENANAdJ9xoMw4jc
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.380Please respect copyright.PENANA3BeJw1SGdh
380Please respect copyright.PENANALxuknHZXSa
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.380Please respect copyright.PENANAeK3CwcnEqI
380Please respect copyright.PENANAGUDcfYwZKR
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."380Please respect copyright.PENANAfOnzC5aLDr
380Please respect copyright.PENANAfHlHU4Ynsc
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."380Please respect copyright.PENANAjgxCvOiMAG
380Please respect copyright.PENANAwn7lt57EP3
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."380Please respect copyright.PENANAVThOFlc0J2
380Please respect copyright.PENANAerJvexqLYc
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.380Please respect copyright.PENANAcSRzIue8Ky
380Please respect copyright.PENANAUzwndg2gqO
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.380Please respect copyright.PENANAqcIESXhBhJ
380Please respect copyright.PENANAubPmol3peI
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.380Please respect copyright.PENANA4NgUNxsgpC
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…380Please respect copyright.PENANAGU5kridJEs
380Please respect copyright.PENANAaeyzwItork
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.380Please respect copyright.PENANASjvTAlWJ8k
380Please respect copyright.PENANA339ck3B8Sr
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.380Please respect copyright.PENANA09QXt9quOe
380Please respect copyright.PENANAuUPLgokl7N
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.380Please respect copyright.PENANAmhM4qMMidG
380Please respect copyright.PENANApz7WJKbTxy
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”380Please respect copyright.PENANAiHp2sDxeEl
380Please respect copyright.PENANAFeYqj1By0g
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.380Please respect copyright.PENANAV0VgTRTfHf
380Please respect copyright.PENANAQnnJn9S76p
“Patawad, mahal.”380Please respect copyright.PENANA2AtZAVP2gd
380Please respect copyright.PENANAoh9zkxXCfY
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”380Please respect copyright.PENANAM9jPQM8BjC
380Please respect copyright.PENANAn6TUhMVNxd
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.380Please respect copyright.PENANADWqz4dx4fQ
380Please respect copyright.PENANA3yi2OUQ0SU
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”380Please respect copyright.PENANAbKBlaoT8hZ
380Please respect copyright.PENANAb8PY8MSYZO
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.380Please respect copyright.PENANAaF0J8hGTi3
380Please respect copyright.PENANAOgqoRBBg42
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.380Please respect copyright.PENANA2D94bup7nL
380Please respect copyright.PENANAodxPZr8GzX
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”380Please respect copyright.PENANAT0rJCWWdRx
380Please respect copyright.PENANAxY3ATAnQ7M
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"380Please respect copyright.PENANApKmTU3BYm3
380Please respect copyright.PENANATIn5mtPogY
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.380Please respect copyright.PENANAgGvqIWf08W
380Please respect copyright.PENANAebbG47XJKF
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.380Please respect copyright.PENANAwNPvLsBr2I
380Please respect copyright.PENANAD41E82OAaA
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."380Please respect copyright.PENANAu6L2Jl8va3
380Please respect copyright.PENANAprBkLhwUqx
- - - 380Please respect copyright.PENANAlWdUiKfLza
380Please respect copyright.PENANAruMnbYD088
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.380Please respect copyright.PENANA9OHd2dU2eU
380Please respect copyright.PENANAeErahqoNco
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.380Please respect copyright.PENANAy0G0MOwpmK
380Please respect copyright.PENANAnJ7VzpoWGg
Ngunit hindi siya makalabas.380Please respect copyright.PENANAn6w3izTGIv
380Please respect copyright.PENANAaxLOZVrEGQ
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.380Please respect copyright.PENANAYBu2iVuvjD
380Please respect copyright.PENANAr3oPFxo399
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.380Please respect copyright.PENANA3wg4Tt4ash
380Please respect copyright.PENANAVCk1Mv6J9e
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.380Please respect copyright.PENANA4L1GZPq8QZ
380Please respect copyright.PENANAF9rer4y8pJ
Nandito na ang Teccao.380Please respect copyright.PENANANChVaDNDbE
380Please respect copyright.PENANASBL6CYshoh
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.380Please respect copyright.PENANAkc7xuPeqLy
380Please respect copyright.PENANA8seL6nVE8H
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.380Please respect copyright.PENANAj26PMjm57C
380Please respect copyright.PENANASB8gVnf3KP
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.380Please respect copyright.PENANAjgG5Afeplu
380Please respect copyright.PENANATjsEfkJQaN
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.380Please respect copyright.PENANAfpOugHm97s
380Please respect copyright.PENANAGkYuchGcfe
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 380Please respect copyright.PENANAVf8KACxIby
380Please respect copyright.PENANA0V8HO8j0Ws
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"380Please respect copyright.PENANAUv6DraPPcc
380Please respect copyright.PENANAuTyK0SvzlC
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”380Please respect copyright.PENANAX4DEIb2zZs
380Please respect copyright.PENANA6zSuyRX9pm
“Naiintindihan kita, Tydel.”380Please respect copyright.PENANAS3vmZ0JTQa
380Please respect copyright.PENANAZykBWBzYdT
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.380Please respect copyright.PENANAdvOjH8IbcQ
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”380Please respect copyright.PENANAXkHEsxzfZa
380Please respect copyright.PENANAwKMYAU7paL
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”380Please respect copyright.PENANAuVHG8Ig3J4
380Please respect copyright.PENANAtOThSINXMJ
“Paano, pa?”380Please respect copyright.PENANAtYcssEt6tL
380Please respect copyright.PENANAkfMEBofp1V
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 380Please respect copyright.PENANAxOtbt6E3FW
380Please respect copyright.PENANAMhjSdNmDdT
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.380Please respect copyright.PENANAOc3XCAezn7
380Please respect copyright.PENANA0VO5jo72Nh
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.380Please respect copyright.PENANAndqPJ6YU6Y
380Please respect copyright.PENANAsS5Gl9Pzky
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”380Please respect copyright.PENANAhui6IfPV7T
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.380Please respect copyright.PENANAZ1nvvdXsXy
380Please respect copyright.PENANAoUNmacFoyA
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”380Please respect copyright.PENANAXPNUVmtZW7
380Please respect copyright.PENANALCKfhb6JaY
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”380Please respect copyright.PENANA6DAzcSXtiv
380Please respect copyright.PENANALqngrYq6e7
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”380Please respect copyright.PENANAlEIB1a9kBg
380Please respect copyright.PENANA4txnZ5v6tw
“Papa…” iyak ni Tydel.380Please respect copyright.PENANAfJ0rSoS9T3
380Please respect copyright.PENANACsDaeQVcgk
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.380Please respect copyright.PENANAnIo67hQhtS
380Please respect copyright.PENANACKat5B2hPR
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”380Please respect copyright.PENANAsGtwWczO2G
380Please respect copyright.PENANAdCCeObUwDW
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”380Please respect copyright.PENANAarqbSLGJeX
380Please respect copyright.PENANArCFOcjYe93
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”380Please respect copyright.PENANAF62RnzVz9h
380Please respect copyright.PENANA9FpHQb3zOH
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.380Please respect copyright.PENANAboqgaMUOGj
380Please respect copyright.PENANAghKfYjGekJ
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?380Please respect copyright.PENANAxjepusflc6
380Please respect copyright.PENANAdYawNQnnyO
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.380Please respect copyright.PENANAerYQuaLR5U
380Please respect copyright.PENANAux2BEqNjGF
- - - 380Please respect copyright.PENANAa7fsVHpmXt
380Please respect copyright.PENANADT88er05x9
"Patay na ang hari." 380Please respect copyright.PENANAJicjfbjnhm
380Please respect copyright.PENANA8oOe9c8ZNo
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.380Please respect copyright.PENANAmMjOW7WH1Y
380Please respect copyright.PENANA0JPR2tDdhJ
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.380Please respect copyright.PENANAyDDbGLfLlB
380Please respect copyright.PENANA0OR4IEMD8v
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.380Please respect copyright.PENANAZ3YDS8m2ax
380Please respect copyright.PENANAmv37jmewD7
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 380Please respect copyright.PENANAx26ENVKFUi
380Please respect copyright.PENANAHLQdXkuy1j
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.380Please respect copyright.PENANAgv1QbsElYx
380Please respect copyright.PENANAoqzRElDBuJ
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.380Please respect copyright.PENANApnHDS9FRvY
380Please respect copyright.PENANAA9sUwyHO2l
"Ama… Mag-ingat rin kayo."380Please respect copyright.PENANAzONSUTRgNQ
380Please respect copyright.PENANA3recogtkd4
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."380Please respect copyright.PENANALmzhigfhpP
380Please respect copyright.PENANA1RU2ocC4vG
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.380Please respect copyright.PENANAejeoPOqlCe
380Please respect copyright.PENANAY34w14v3KQ
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."380Please respect copyright.PENANA8YQRsBt1Om
380Please respect copyright.PENANAWW4k6LJAv5
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.380Please respect copyright.PENANAZYMat34tMC
380Please respect copyright.PENANAh38LqfesBV
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."380Please respect copyright.PENANArFAknEmBIa
380Please respect copyright.PENANAW9xOnF4uCm
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."380Please respect copyright.PENANAqjvRQ7jR6G
380Please respect copyright.PENANAl6Wwmxok87
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.380Please respect copyright.PENANANCg2XP05yI
380Please respect copyright.PENANAjZK6LaLKnf
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.380Please respect copyright.PENANArCHckHYt0y
380Please respect copyright.PENANAvaIKnTaW5o
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.380Please respect copyright.PENANAC2iAhaGAXb
380Please respect copyright.PENANAmSm6BCPkXg
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.380Please respect copyright.PENANAPFmZXp7JEz
380Please respect copyright.PENANA3lJ1Xz8NTw
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.380Please respect copyright.PENANAcQHMPmnoFr
380Please respect copyright.PENANAYiNAGSviNs
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?380Please respect copyright.PENANAvRGazBBjqJ
380Please respect copyright.PENANAXo9aRNQZkj
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.380Please respect copyright.PENANAuDnaPps4hH
380Please respect copyright.PENANAztG60pzpBG
"Paalam, Midnia."380Please respect copyright.PENANARYtfOF3IXE
380Please respect copyright.PENANAVdNXm9v8sf
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.380Please respect copyright.PENANACFEnT6KgSu
380Please respect copyright.PENANAzDWLLtWCMG