Para kay Romeo Fontanilla na tigas ang ngalan
Dalawang lalaki lang sayo’y nagpalambot
Marka mo’y matutuyo at hindi na malilinisan pa
Magawa mo sanang magpatawad kahit hindi sila karapat-dapat
72Please respect copyright.PENANAhrS3oMSG7O
Para kay Florjohn Cruz na binigyan ng karatula
Pusher ako at huwag tutularan ang nakasaad
Ginapos ka ng parang manok bago kinatay
Magawa mo sanang magpatawad kahit hindi sila karapat-dapat
72Please respect copyright.PENANA4GvW2030pI
Para kay Joselito Jumaquio na sinasabing nanlaban
Dalawang putok hanggang sa naging apat na sunod-sunod
Pinagkaguluhan siya dahil sa ingay ng mga kamag-anak
Magawa mo sanang magpatawad kahit hindi sila karapat-dapat
72Please respect copyright.PENANALOBHQfJv3q
Para kay Maria Mesa Deparine na nawalan ng dalawang anak
Kahit sumuko sila sa mga bayaning tagapagligtas ng bayan
Kaligtasan nila’y hindi niya na maaaninag kailanman
Magawa mo sanang magpatawad kahit hindi sila karapat-dapat
72Please respect copyright.PENANAchu0weTG3H
Para kay Crisostomo Diaz na tinawanan ng mga salarin
Tatlong bala ang ibinigay bago sila magpaalam sayo
Sa harap ng anak mong lulumuluha at naglulupasay
Magawa mo sanang magpatawad kahit hindi sila karapat-dapat
72Please respect copyright.PENANAFN1YZGIt4P
Para kay Benjamin Visda na bumili lamang sa tindahan
Nakabulagta na siya sa labas ng istasyon ng pulis
Pagkatapos ng kaarawan ng kapamilya sa kanilang bahay
Magawa mo sanang magpatawad kahit hindi sila karapat-dapat
72Please respect copyright.PENANA0KMCKJFJZG
Para kay Kian at sa kinabukasan niyang pilit binasag
Madinig sana nila ang boses mong inosente
Sa bawat kandilang matutunaw at ititirik
Magawa mo sanang magpatawad kahit hindi sila karapat-dapat
72Please respect copyright.PENANATfqN70HuNZ
Para sa Mahal na Presidente, kalaban ka nga ba?
Ipagdadasal pa din kita nang buong loob at puso
Huwag masunog ang kaluluwa mo sa imperyno mong binuo
Mapatawad ka sana nila kahit hindikakarapat-dapat
ns18.116.42.143da2