Warning!380Please respect copyright.PENANA0y0dglDpOH
This story contains themes and scenes about suicide and violence such as verbal, emotional, and physical abuse. If you think your mental health can be affected, please refrain from reading my story. You have been warned! Read at your own risk.380Please respect copyright.PENANAKcXGYqTp4C
This is still raw and unedited. So expect grammatical and typographical errors along the way. Beware of foul words as well.380Please respect copyright.PENANAHajCXOquWQ
Thank you!380Please respect copyright.PENANAUsmRMQTClT
|380Please respect copyright.PENANAzN2LoJj6LN
👽380Please respect copyright.PENANAlzpXlBjHXq
380Please respect copyright.PENANAkSoFQncczb
Taong 1900's380Please respect copyright.PENANACQ7NKWb50E
380Please respect copyright.PENANAHiB3ewBpmc
Maulan na hapon ang bumuhos sa kaninang maaliwalas na tanghali.380Please respect copyright.PENANA04sDWr6BxY
380Please respect copyright.PENANAC2P29K3zIW
Maya't maya ay kukulog at susundan naman nang mabibilis at matutulis na kidlat. Malamig at malakas ang hangin na mula sa silangan. Bumabagyo man ang panahon, maraming tao pa din ang nasa kalye. May mga naglalakad na tila namamasyal lang sa parke. May iba namang animo'y nakikipag-unahan sa bawat patak ng ulan.380Please respect copyright.PENANA37rjeiG8nP
380Please respect copyright.PENANAJAjlx27JvZ
Tulad ng iba, nagmamadali din si Herne na makarating sa kanyang pupuntahan. Yakap ang maduming manikang kuneho, hindi niya alintana ang panganib na dala ng panahon. Balot siya ngayon ng kapoteng itim, na sobrang laki para sa kanyang maliit at payat na katawan.380Please respect copyright.PENANAPCgC5knhxW
380Please respect copyright.PENANAKvYqw6Gy9i
*"Sana nandoon pa siya,"* bulong niya sa sarili at saka hinipan ang dalawang palad na kanina pa namumutla. Namumula na ang kanyang noo at pisngi habang buhat ang mga balikat sa bawat paghinga. Gaano na ba katagal siyang tumatakbo? Anong oras na? Kailangan ay nakauwi na siya bago sumapit ang gabi. Hindi dapat malaman ng kanyang kuya na umalis siya ng bahay.380Please respect copyright.PENANA7PhNBW5o22
380Please respect copyright.PENANAsYJrL0qTuQ
"Pisting bata 'to! Hoy!"380Please respect copyright.PENANAYSvVmhjsTL
380Please respect copyright.PENANAqCRP6xAG9d
Nanginginig na bumangon si Herne mula sa pagkakadapa at nilingon ang pinagmulan ng boses. Umupo siya at napayakap nang mahigpit kay Kirarin nang makita ang halimaw sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang tumayo.380Please respect copyright.PENANAVP13PHGC5c
380Please respect copyright.PENANALO7FD7tVq5
Kaaya-aya naman ang pananamit ng matabang ale, kaso napakatapang ng hitsura nito. Makapal ang suot niyang make-up, magkasalubong ang mga kilay, masama ang tingin, at may malaking nunal pa sa gilid ng kaliwang butas ng kanyang ilong.380Please respect copyright.PENANAf4hRJGRcGX
380Please respect copyright.PENANAUZYnzP1CwG
"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinuro ng ale ang lugar sa kanyang paanan. Nakakalat na ngayon sa tabing kalsada ang kanyang mga pinamili. Matulin ang takbo ni Herne kanina at hindi niya napansin na may masasagi siya.380Please respect copyright.PENANAafcXAA9i3N
380Please respect copyright.PENANAUyKP835Gl3
"Perwisyo kang bata ka!" Mariing napapikit si Herne nang biglang sipain ng ale ang basang sahig. Tumalsik ang mga putik sa suot niyang kapote.380Please respect copyright.PENANAu10jI867FE
380Please respect copyright.PENANAOUZeoEjwvB
"P-Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!" mangiyak-ngiyak niyang paumanhin.380Please respect copyright.PENANAd6ZY8oRCaY
380Please respect copyright.PENANAT1tJCN73HE
Imbis na maawa o magpatawad, mas lalo lamang nainis ang ale. Napisil nito ang hawakan ng pulang payong nang makitang pinupulot na ng bata ang kanyang mga pinamili. Yumuko siya at hinablot ang mga iyon.380Please respect copyright.PENANAL4M9pve2si
380Please respect copyright.PENANAAhpyBBTvjf
"Umalis ka na! Baka may ibulsa ka pa!" Isa-isang binawi ng ale ang kanyang mga hawak. "Kunwari madadapa, iyon pala may nakakawin. Punyeta! Akala mo hindi ko alam mga galawan ninyo na ganyan?!"380Please respect copyright.PENANAjtwjlOMr92
380Please respect copyright.PENANADqoswbmwdl
Napalunok nang mapait si Herne. Pinanganak siyang mahirap, pero hindi niya ni minsan naisip magnakaw. Kahit sa ano pang paraan.380Please respect copyright.PENANAY5rJFZrEI9
380Please respect copyright.PENANAjIOvmxRHwp
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan! Alis na! Baka gusto mong tumawag pa ako ng pulis?!" Sumikip ang dibdib niya at tumindig ang kanyang mga balahibo nang marinig ang salitang 'pulis.' Sumagi kaagad sa isipan ni Herne ang kuya at ang kaligtasan nito. *Sana ayos ka lang, Kuya!*380Please respect copyright.PENANAiKNZq5C1sl
380Please respect copyright.PENANAxkeW31pqvv
Tulad ng pusang hinahabol ng malaking aso, dali-dali siyang umalis sa harapan ng ale habang pinagtitinginan siya ng maraming tao. Hindi niya napigilang maiyak dala ng emosyon at takot na baka tumawag nga ng pulis ang ale. Bagama't sanay na sa ganitong trato, hindi maikakailang siyam na taon pa lamang siya. Sanay man pero hindi ibig sabihin, hindi na siya masasaktan.380Please respect copyright.PENANABNoqFtMWD3
380Please respect copyright.PENANAvEbdaoVMwl
Kumatok si Herne sa pinto at nagtanong kung may tao ba sa bahay.380Please respect copyright.PENANANbP4XZjP60
380Please respect copyright.PENANAALOvbQnMKf
Luma at maliit lamang ang kubo na ito na matatagpuan ilang kilometro ang layo mula sa kanilang bayan. Sinasabing dito daw nakatira ang magaling na albularyo.380Please respect copyright.PENANAnTSlux7cRl
380Please respect copyright.PENANAnTQAB6l7ZB
Kwento pa ng mga tsimosa, gumagamit daw ito ng kakaibang mahika sa kanyang panggagamot. Ang albularyo lang naman ang laman ng mga kwentuhan ng kanilang mga kapit-bahay. Nakauwi na ito mula sa mahabang paglalakbay. Nakaugalian na daw kasi ng albularyo na maglakbay at ilang buwan pa bago muli itong babalik.380Please respect copyright.PENANA3ckJH9rBex
380Please respect copyright.PENANAk5seLqcvjx
Kumatok ulit si Herne at muling tumawag. Ngunit tulad kanina, tanging buhos ng ulan lamang ang sumagot sa kanya. Nilingon niya ang buong paligid, nagbabasakaling may makita siyang tao, o iyong albularyo.380Please respect copyright.PENANAQt1lGHiowY
380Please respect copyright.PENANA4W8gyCAnj7
Sa tapat ng bahay matatagpuan ang rumaragasang ilog at sa itaas naman ang sementadong tulay. Ito ang nagdudugtong sa kanilang bayan patungo sa kasunod pang bayan ilang kilometro ang layo mula dito.380Please respect copyright.PENANA58BGUTYIbz
380Please respect copyright.PENANAU1NKzKIXGy
Patuloy lamang ang pagsama ng panahon. Kahit sariling katawan niya ay hirap ng bigyan siya ng sapat na init. Kanina pa mabigat ang kanyang pakiramdam na kanyang tinitiis. Oras na ba para sumuko na lamang at kalimutan ang kanyang pinunta dito?380Please respect copyright.PENANA25pqwfqYDC
380Please respect copyright.PENANAwK46fXXsbE
*Hindi pwede! Kailangan kong makita ang albularyo! Baka natutulog lang siya! Lalaksan ko na lamang ang mga katok ko at sigaw!*380Please respect copyright.PENANAuZntOh0ei8
380Please respect copyright.PENANAcUrjonPu8e
Malakas ang ispirito, ngunit mahina ang katawan ng tao. Hindi na ganoon kalakas ang kanyang bawat bigkas. Paos na siya at mahina na kaysa sa normal niyang boses. Subalit, walang makapipigil sa kanya.380Please respect copyright.PENANAepLyHMJ5T3
380Please respect copyright.PENANAD4HMstleAC
"Tao po! May tao po ba dito?! Tao po! Tao po!" Kinakalampag na niya ang pinto na para bang nakadepende dito ang kanyang buhay.380Please respect copyright.PENANAW3TmJ3Qq1E
380Please respect copyright.PENANAcVQI851chi
Hindi niya namamalayan, may isang pares ng paa ang humakbang papalapit sa kanyang likuran. Tumigil ito ilang metro ang layo nang mapansin ang kanyang presensya.380Please respect copyright.PENANAUqaHaEHOvb
380Please respect copyright.PENANAJ2WfXtIzy0
"Hoy! Luma na 'yan, sisirain mo pa! May pambayad ka ba para diyan?!"380Please respect copyright.PENANAUr7jmaXkZF
380Please respect copyright.PENANApATynOF6M8
Napaigtad at napahinto si Herne sa lakas ng boses na narinig. Napa-atras siya at nilingon ang nagsalita. Bumungad sa kanya ang mga nanlilisik na titig ng isang matanda.380Please respect copyright.PENANAXOyco30D5v
380Please respect copyright.PENANAk52zIlbPxn
Maputla at kulubot na ang balat ng lolo. Maputi na din ang kanyang mga buhok mula sa kilay hanggang sa kanyang mahaba at makapal na balbas. Nakabalot ito ng kapoteng itim. Ngunit hindi tulad niya, tamang-tama lamang sa matanda ang sukat nito. Paika-ika itong lumapit sa kanya at sa pinto ng bahay.380Please respect copyright.PENANAr4vdxaERf0
380Please respect copyright.PENANA8fIEG84xRR
"Wala akong panahon para sa mga bata. Umalis ka na!" ani ng matanda. Pero hindi nagpatinag sa kanyang takot si Herne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid, yakap si Kirarin. Dinig niya mula dito ang kalansing ng bakal. Ngayon lamang niya napansin na nakakandado pala ang pinto.380Please respect copyright.PENANAzvXQboGInL
380Please respect copyright.PENANAe3qcWen69o
Tumapak na papasok ang lolo at akmang susunod sana si Herne nang harangin siya bigla. Naka-abang ang isang braso nito sa harapan niya. Muling napa-atras si Herne. "Anong kailangan mo? Bingi ka ba?"380Please respect copyright.PENANA1DKGzXppDa
380Please respect copyright.PENANADa9JXHV53f
Tumama ang kanilang mga mata at napagmasdan ng lolo ang hitsura ng bata. Walang tigil ang panginginig nito sa kanyang harapan, habang yakap ang asul na manikang kuneho. Sa kabila ng pamumula ng pisngi at noo dala ng malamig na panahon, hindi maitatago ang kakaibang pamumutla ng balat ng bata. Maski ang labi nito ay namumuti na din.380Please respect copyright.PENANAGmm3ugrzwt
380Please respect copyright.PENANACp55onW0SU
"May sakit ka." Hindi iyon isang tanong, bagkus isang kumpirmasyon.380Please respect copyright.PENANAhihtnKWGna
380Please respect copyright.PENANAvnUGYokgbI
Tumango si Herne. "P-Paano niyo po nalaman?"380Please respect copyright.PENANAs46mjwWw9N
380Please respect copyright.PENANAeinueFIKA6
"Pumasok ka." Binuksan na nang husto ng lolo ang pinto para makapasok siya.380Please respect copyright.PENANAWVmvtaUP5m
380Please respect copyright.PENANALCS6x1txzb
"Kayo na po ba ang albularyo?"380Please respect copyright.PENANAX9qDn7vkWM
380Please respect copyright.PENANAoP52vpYWSF
"Isabit mo ang iyong kapote at umupo ka malapit sa apoy," utos ng matanda matapos niyang sindihan ang kanyang malaking dapugan. Hindi niya sinagot ang tanong, bagkus iniwan niya si Herne sa tapat noon.380Please respect copyright.PENANA6v8WeYIE3H
380Please respect copyright.PENANA3Bc0hf7wzj
Walang imik na sinunod naman ni Herne ang kanyang utos. Sandali lang ay dumating na siya dala ang isang upuang yari sa kahoy at tuyong tuwalya.380Please respect copyright.PENANAOSY1c0uqnE
380Please respect copyright.PENANAlDoPHvipbU
Umupo sa upuan si Herne at saka pinunasan ang basang katawan gamit ang tuwalyang inabot nito sa kanya.380Please respect copyright.PENANArd9HOOc0Qg
380Please respect copyright.PENANAXuuEOlV8e6
"Batid kong malubha na ang iyong karamdaman. Hindi ko alam kung matutulungan pa kita." Tila isang daang kutsilyo ang muling sumaksak sa kanyang dibdib. Nanlambot ang kanyang mga braso at nanigas ang kanyang panga. Mapait siyang napalunok, pinipigilan ang mga luha. Ito na talaga ang katotohanan, hindi na siya makakatakas pa sa tawag ng kamatayan.380Please respect copyright.PENANAbzzHWw6o0M
380Please respect copyright.PENANATsjamD29pk
*Pero si Kuya!*380Please respect copyright.PENANAqgP638wJzW
380Please respect copyright.PENANAnlfEMC9muq
Nabuhayan siya ng loob nang maalala ang nakatatandang kapatid. May pag-asa pa para sa kanyang kuya. Naniniwala siya.380Please respect copyright.PENANATWfkPrA0QX
380Please respect copyright.PENANAHWXPCzotsZ
"Ang kuya ko po! Gusto ko pong pagalingin ninyo ang kuya ko!" Nagmamaka-awa ang kanyang boses. Nakita niya ang albularyo sa lamesa nito, abala sa ginagawa.380Please respect copyright.PENANAHwGCWuJEsR
380Please respect copyright.PENANAMQ5vXvwOzi
"Wala po siyang karamdaman, subalit . . . " Napasilip sa kanya ang matanda nang bigla na lamang siya tumigil. Nakita siya nitong nakayuko at niyukom ang mga kamay hawak ang puting tuwalya sa itaas ng kanyang mga hita.380Please respect copyright.PENANAlodIiXTfan
380Please respect copyright.PENANAXmeMxrrzS4
"Hm, bakit?"380Please respect copyright.PENANArfKLGjvLvo
380Please respect copyright.PENANA1GbDl9mQQp
Umiling-iling siya at suminghot. "Hindi ko po alam, pero natatakot na ako kapag kasama ko siya. Lalo na kapag hawak niya ang kutsilyo. Tumatawa siya ng mag-isa at minsan kinakausap niya pa ang sarili."380Please respect copyright.PENANAPYj28yvURJ
380Please respect copyright.PENANAE0t07If1og
Nanatiling tahimik lang ang matanda. Nakikinig.380Please respect copyright.PENANA0XD9DF1n7u
380Please respect copyright.PENANAQb3wCmq1M4
"Gabi na siya umuwi at lagi siyang may dala. Kung hindi pagkain, minsan naman pera. Masama po ang kutob ko, may mali sa kanya. Sana po matulungan ninyo ako!"380Please respect copyright.PENANAJaGgodtBQW
380Please respect copyright.PENANArfdDRmFG4n
Lumapit si Herne sa lamesa at muling nagmaka-awa. Nilapag niya sa harapan ng lolo ang isang maliit na bag. Kumilansing pa ang laman nito sa tablang mesa.380Please respect copyright.PENANApCY8E0ry7H
380Please respect copyright.PENANA00IU8wcx26
"Sana po ay sapat na ito pambayad."380Please respect copyright.PENANAYOU3dJGRNF
380Please respect copyright.PENANAh2ia9Fxcze
Kinuha ng matanda ang bag at saka sinilip ang loob. Halo-halong barya at perang papel ang laman nito. Nagpasalit-salit ang kanyang tingin sa batang babae at sa pera.380Please respect copyright.PENANAoclPnlKD27
380Please respect copyright.PENANADDK6peJtba
"Sabihin mo nga, alam ba ng kuya mo-"380Please respect copyright.PENANAXGnNMMSHR0
380Please respect copyright.PENANACC4Ho6XyuK
"Hindi niya dapat malaman!" Napasinghap si Herne nang marinig niya ang kanyang sarili. Gulat na napatitig sa kanya ang lolo dahilan para mapayuko siya sa hiya.380Please respect copyright.PENANAnBusud0gy1
380Please respect copyright.PENANAxtnh7YKStb
"Ayaw ko malaman ni Kuya." Sandaling napakagat siya sa labi. Ngayon, kalmado na ang kanyang boses. "Alam kong magagalit siya sa akin 'pag nalaman niyang . . . pinag-iisipan ko siya ng masama. Pero, para din po ito sa kanya!"380Please respect copyright.PENANATo1wQvWpra
380Please respect copyright.PENANA6Lnj2IZOHx
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Hanggang sa maramdaman ni Herne ang pagkilos ng lolo. Inangat niya ang ulo at nakita niya ang bag na kanyang binigay kanina. Sinasauli ito ng lolo.380Please respect copyright.PENANAgPtkcjpIus
380Please respect copyright.PENANA84ggQtO9db
"Hindi ko kailangan ng pera mo." Hindi niya ba siya tutulungan?380Please respect copyright.PENANAL2slnmQWVL
380Please respect copyright.PENANAWgRlzZGAHw
"Pero-" Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Herne. Seryoso at malamig ang tingin ng matanda sa kanya.380Please respect copyright.PENANA0JRPO37GJX
380Please respect copyright.PENANAgT5seXT3oG
"Bago ang lahat, akala ko ba naparito ka para sa iyong karamdaman. Subalit, heto ka, humihingi ng tulong para sa kapatid mong alam mo ay wala namang sakit. Sa tingin mo ba ay matutulungan kita?"380Please respect copyright.PENANAYaB9T8JRAW
380Please respect copyright.PENANATpDhIP0SzO
Humigop ng lakas si Herne. Wala na siyang matatakbuhan. Ito na lang ang kanyang huling pag-asa. Hindi siya susuko. Hindi siya uuwi. Niyukom niya ang mga kamay at binagsak sa taas ng lamesa.380Please respect copyright.PENANAKfa1C3zQH5
380Please respect copyright.PENANAIGUqkOv4aq
"Sabi daw po kaya niyo magpagaling gamit ang mahika! Kahit kwentong-kalye lang iyon, naniniwala po ako!"380Please respect copyright.PENANAIdoYoijJF4
380Please respect copyright.PENANAYXVH8DZHSB
"Hindi ba dapat, mas ikaw pa ang nangangailangan ng mahika kaysa sa kuya mo? Ganoon na lamang ba ang takot mo sa kanya at gusto mo siyang magbago?380Please respect copyright.PENANASbGkRvru3X
380Please respect copyright.PENANAjGmxYzYnQ8
"Ayaw ko po siya magbago." Mariing napailing si Herne. Nagbabadya na ang kanyang mga luha. "Gusto ko po siyang gumaling!"380Please respect copyright.PENANAWKQJdYuWF7
380Please respect copyright.PENANAAZNAGpwJgz
"Ikaw na din ang may sabing wala siyang sakit. Hindi ba? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, iha. May sakit ba ang kuya mo o wala? Nababaliw na ba siya o hindi? Siya pa rin ba ang kuya mo, o nagbago na siya ng pagkatao? Sabihin mo sa akin, nang maliwanagan ako."380Please respect copyright.PENANAIi53RqrYic
380Please respect copyright.PENANAwnLKlSKrAe
Kahit sa lamig ng panahon, hindi ito umobra sa init ng hangin sa pagitan ni Herne at ng matanda. Tumulo na ang mga luha ng bata.380Please respect copyright.PENANAkdSOwyZTHx
380Please respect copyright.PENANAWJxETnlEkN
"H-Hindi na po siya ang kuya ko. Gusto ko pong bumalik siya sa dati!" Tuluyan nang nagpakawala ng isang malakas na hagulhol si Herne. Mga emosyon ito na naghalo-halo na at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong ilabas lahat.380Please respect copyright.PENANAOGUhuPj4mn
380Please respect copyright.PENANATl1mJxTIZD
"Mabuti. Tama 'yan. Ngayon, matutulungan na kita." Tumayo sa kanyang kinauupuan ang lolo at nilahad ang isang kamay sa harap niya. "May gamit ka ba diyan na pagmamay-ari mo?"380Please respect copyright.PENANA2VYW9XIARA
380Please respect copyright.PENANA5pHeFplvcW
Suminghot siya at nagpunas ng mga luha. Pinakita niya ang pinakmamahal na manikang kuneho. "Si Kirarin po?"380Please respect copyright.PENANAec2zQvraj7
380Please respect copyright.PENANAQIsYHn2CjS
"Pwede na 'yan."380Please respect copyright.PENANA48pGVVDkv6
380Please respect copyright.PENANAtCBF2QVeXV
Hindi nagtagal, pinauwi na ng albularyo si Herne. Lumabas siya ng bahay nito suot ang kanyang mahabang kapote, bitbit pa ang bag na laman ng pera.380Please respect copyright.PENANA5k1jDahNYu
380Please respect copyright.PENANAn7OD1mnOjE
Isang hakbang pa lamang siya palayo sa pinto nang mapahinto siya. Nilingon niya ito at saka huminga nang malalim. *Wala ng atrasan!* Pinunasan na niya ang mga natirang luha gamit ang palad.380Please respect copyright.PENANALVbQZPYWvx
380Please respect copyright.PENANAjo5hDW7Jgv
Tumungo na siya paalis, dala ang pag-asang matutupad din ang matagal na niyang nais. Muli niyang sinuong ang masungit na panahon ng mag-isa.380Please respect copyright.PENANAEtQhrV3ZjH
380Please respect copyright.PENANABBvJUwPsIH
Kahit pa masalimuot ang naging kahapon, hindi imposibleng maging mabuti ang kalalabasan ng bukas. Lahat posibleng mangyari. Walang imposible. Ganoon pa man, hwag din kakalimutan ang pagdating ng mga bagay na hindi inaasahan. Nasa huli ang pagsisisi.380Please respect copyright.PENANAGx4kUciBaT
380Please respect copyright.PENANANl5hD7BM2P
Ito ang laging umiikot sa kanyang isipan, lalo na noong naging ulila na sila ng kapatid.380Please respect copyright.PENANA2MQOzH2zDj
380Please respect copyright.PENANAT8qWXKWnTt
Batid niya ang lubha ng karamdaman nito. Kahit hindi man ito nagkukwento sa kanya, hindi nagsisinungaling ang mga mata at maging ang mga kinikilos nito.380Please respect copyright.PENANANSk83zqKmT
380Please respect copyright.PENANAUPQ8Bv3NsT
Alam niyang darating ang araw na iiwan na siya ng kapatid, pero hindi niya inaasahang ngayon na ang araw na iyon.380Please respect copyright.PENANAwdJfcRV1mK
380Please respect copyright.PENANAq6jSGTWt47
Hindi siya nakapaghanda. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Hindi man lang siya nito hinintay.380Please respect copyright.PENANAcxYrSZ0mI7
380Please respect copyright.PENANAnoE3FlSh2C
"Pasensya ka na, Herne." Lumuhod siya sa harap ng puntod ng kapatid na siya lang ang gumawa. 380Please respect copyright.PENANAlcIeX6mZCa
380Please respect copyright.PENANAYbCdW8MWJb
Binalot niya lang sa kumot ang mga labi ng kapatid. Hinukayan ng malilibingan sa lupa, at saka tinabunan ng putik. Lupang tuyo sana ito, kung hindi lang naisip ng langit umulan.380Please respect copyright.PENANALfZX9xUccK
380Please respect copyright.PENANAFWpibEUYju
"Ngayon lang ako ulit nakabili." Nilapag niya sa bandang ulunan ang isang supot na laman ng iba't ibang uri ng kendi. Ang laging paboritong pasalubong ng kapatid mula sa kanya.380Please respect copyright.PENANAUOiRtmlWQ0
380Please respect copyright.PENANA67JWC1TDjp
Ikiniskis niya ang mga ngipin at walang habas na binunot ang mga nananahimik na damo sa paligid. Naiinis siya sa sarili. Kung saan pa wala na ang kanyang kapatid, ngayon lamang niya nabili ang paboritong pagkain nito.380Please respect copyright.PENANA8QRkUVog1u
380Please respect copyright.PENANAGYuZTvHZ11
Kung, nagawa niya lang nang maayos iyong 'trabaho' niya. Hindi sana tumagal ang pagbigay sa kanya ng sahod. Dapat sana matagal na niya nabili ang mga kendi.380Please respect copyright.PENANAe5OVlmvy7j
380Please respect copyright.PENANAPAMyLT1OtO
Ngayon, sino na ang dadalhan niya ng pasalubong? Para saan pa ang saysay ng kanyang buhay? Para kanino pa niya ilalaan ang kanyang mga sakripisyo?380Please respect copyright.PENANAz5rf0raoZO
380Please respect copyright.PENANAnKXHeaUeaH
"Ikaw ba si Bazilien?"380Please respect copyright.PENANAT1V3gHyUAS
380Please respect copyright.PENANAFPMu3m9w3v
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis pa sa alas-singko siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Patalon siyang umatras palayo mula sa taong ngayon niya lang nakita. Nakatago ang isa niyang kamay sa likod habang nagmamatyag sa susunod na kilos ng bagong dating.380Please respect copyright.PENANAdJV5e1Ix5g
380Please respect copyright.PENANAL4JORtQVDx
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Matalas ang kanyang tingin ngayon sa matandang lalaki. Maputi na ang mga buhok at kulobot na ang balat. Tulad ng kanya, pinagtagpi-tagpi din ng iba't ibang tela ang kasuotan nito.380Please respect copyright.PENANAIFB7jQWkjV
380Please respect copyright.PENANA1sBEiJhkPv
"Huminahon ka, iho. Isa lang akong matandang albularyo." Bumaling ang tingin ng lolo sa lupang nakatumpok sa kanilang harapan. Napansin din nito ang supot ng mga kendi sa bandang uluhan ng puntod. "Nakikiramay ako sa iyo. Parang kailan lang noong pumunta siya sa akin-"380Please respect copyright.PENANAjIFsm8lgwr
380Please respect copyright.PENANAALuuLQDDxX
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw ni Bazilien magmula sa kailaliman ng kanyang baga. Kinapa na niya ang patalim na nakatago lamang sa kanyang likod, sa loob ng kanyang damit.380Please respect copyright.PENANAc9O6lqouOi
380Please respect copyright.PENANAf0yEDHG95z
"Kung tungkol lang sa pagpatay, alam mo sa sarili mong marami ka ng kinitil na buhay." May kinuha ang lolo sa loob ng kanyang suot.380Please respect copyright.PENANAd7rEpXp3jW
380Please respect copyright.PENANAMZkBJ5Xpxb
"Huh? Paanong?!" Hindi alam ngayon ni Bazilien kung saan siya magugulat at kung ano ang unang aalamin. Kung paano nasabi ng matanda ang sinabi. O, kung paano hawak nito ngayon ang manikang kuneho.380Please respect copyright.PENANAqZmPnR4czy
380Please respect copyright.PENANAgOPySge62N
"Kirarin? Bakit . . . nasayo si-?"380Please respect copyright.PENANAzD3GR73eyP
380Please respect copyright.PENANAYvZdbKSPpL
"Hindi ba? Ikaw din ang pumatay sa sarili mong kapatid!"380Please respect copyright.PENANAS4LSollS2I
380Please respect copyright.PENANAKde7899pEA
Natigilan siya sa kanyang mga narinig. Nanlalamig ang kanyang mga palad, at nararamdaman niya na ang pagbuo ng mga butil ng pawis sa kanyang noo. 380Please respect copyright.PENANAyPXIMQEDEa
380Please respect copyright.PENANAu4xm3EvmAn
Anong pinagsasabi ng lolo na ito? Ano ang kanyang pruweba? Nagkakamali lang siya, hindi ba? Gumagawa lang siya ng kwento, tama ba?380Please respect copyright.PENANA1kSveYXN5x
380Please respect copyright.PENANAbN0trwjVPF
Dahil malinaw pa sa umaga niyang nakita ang malamig na bangkay ng kapatid sa kama. Kabisado niya pa ang alaalang nangyari kanina lamang umaga. Hindi na niya naabutang buhay ang kapatid. Patay na ito pagkarating niya.380Please respect copyright.PENANAZ4XFOAzwnU
380Please respect copyright.PENANAyFFAj1UPXA
"H-Hindi totoo iyan! Gusto ko siyang gumaling! Gusto ko siyang mabuhay pa nang matagal!" Nasusuntok na ni Bazilien ang hangin sa kanyang pagwasiwas ng kamao. Animo'y hinahawi ang mga ito na nakaharang sa kanyang harapan.380Please respect copyright.PENANAX0jxY3X1dE
380Please respect copyright.PENANAcbcII7VP8u
"Talaga ba? Hindi mo ba alam na presensya mo lamang ay sadyang nakamamatay na para sa kanya?!" Nagsimula ng lumakad palapit sa kanya ang lolo. Hawak nito ang manikang kuneho na pagmamay-ari ni Herne.380Please respect copyright.PENANA6EMyV5HTAd
380Please respect copyright.PENANA5SlY9kttHs
"Sinong nagsabi niyan?" Malalim ang tono ng boses ni Bazilien. Hinigpitan niya ang hawak sa patalim na nasa kanyang likod. Sumisikip na ang kanyang dibdib at dumidilim na din ang kanyang paningin.380Please respect copyright.PENANA7nmGe5ixmP
380Please respect copyright.PENANASoApGdruIr
"Si Herne." Iniangat pa ng matanda ang bitbit na manika para matapatan ang mga mata ng binatilyo.380Please respect copyright.PENANAa7rE8JtDUo
380Please respect copyright.PENANAiOq2tAqBXD
"Hindi iyan totoo!" Sumisigaw na ang kanyang puso at isipan. Nanginginig na din ang kanyang mga buto sa matinding emosyong gusto ng kumawala.380Please respect copyright.PENANAbGyXnsPHNc
380Please respect copyright.PENANARhJKpugLCm
"Ang kapatid mo ang nagsabi sa akin!"380Please respect copyright.PENANAIEbPMMakdq
380Please respect copyright.PENANAP6IB1LzkTQ
"Tumigil ka na! Hindi 'yan totoo!"380Please respect copyright.PENANAn9GLZFLO5T
380Please respect copyright.PENANAuuCLzBVPyt
Huli na ang lahat para makaiwas pa ang matanda mula sa nagbabadyang kamatayan. Sinugod siya ni Bazilien hawak ang maduming itak hanggang sa lupa. Nanlaban pa ito para sa sarili niyang buhay, subalit hindi naging sapat ang kanyang lakas.380Please respect copyright.PENANA3E9cvXhbOK
380Please respect copyright.PENANAkFL0GqWGg1
"B-Balang araw, pagsi-" Lumunok muna ito saglit. Dumudugo na din ang bibig nito. "-sisihan mong . . . naging kapatid mo siya . . !" Kumapit ang matanda sa isa sa mga braso ni Bazilien. "Dahil sa-sa kanya . . ." Humigop ito ng hininga mula sa ilong. " . . . mabubuhay ka . . . mula ngayon na instrumento lamang . . . at walang ibang nais kundi . . ." Umubo ito ng dugo. ". . . tumago sa dilim!" Tumigil ito saglit para titigan sa mata ang binata. Lumuluha na ito ngayon sa kanyang harapan."Katatakutan mo ang araw ng walang hanggan!"380Please respect copyright.PENANAnwXtugZtXl
380Please respect copyright.PENANAtX5c2V9haq
Sa kanyang matinding galit, idiniin pa nang husto ni Bazilien ang patalim sa leeg ng matanda.380Please respect copyright.PENANA23RCvTUtuf
380Please respect copyright.PENANA1FDtVLGbSf
Sa huli, hindi na ito nakapagsalita pa. Naiwang dilat ang mga namumulang mata. Huminto na din ang paghinga. Hanggang sa umawas na ang malagkit at mainit na likido mula sa napuruhang leeg nito. Mabilis itong kumalat at pinintahan ng kulay pula ang basang lupa.380Please respect copyright.PENANAo21CnzDhQB
380Please respect copyright.PENANAmeEmyRZOiQ
Hindi pa siya nakuntento sa ginawa, tinadtad niya pa ang bangkay ng maraming saksak hanggang sa bumigay na ang sarili niyang braso at kamay. Kasabay ng kanyang pagtigil, ang paghinto din ng mga patak ng ulan.380Please respect copyright.PENANAcibNv1SxHv
380Please respect copyright.PENANAeo0vLruFew
Tuliro at wala sa sarili siyang tumayo. Muli siyang lumapit sa puntod ng kapatid at saka lumuhod. Itinusok ni Bazilien ang itak na naliligo pa sa dugo sa supot mismo ng mga kendi, bago niya tuluyang nilisan ang lugar.380Please respect copyright.PENANAees8JodAI6
380Please respect copyright.PENANAfdGF9u0ovd
Kasing itim at pula ng mga dugong nakapinta sa kanyang mga kamay ang buong kalangitan noong araw na iyon.380Please respect copyright.PENANAxGUdkRX14u
380Please respect copyright.PENANAfzXn3leTQm
|380Please respect copyright.PENANAHkJXPPCT0L
380Please respect copyright.PENANAJ878pBp071
Author: AlienSiOtor 👽380Please respect copyright.PENANAqflmoCr1P7
380Please respect copyright.PENANAL07KVlaktc